Nagising si Angie na may ngiti sa mga labi niya. Naalala kasi agad niya ang aminang nangyari sa kanila ni Mory pati na rin ang mainit na tagpo nila kagabi. Ngunit agad napalis ang ngiti niya nang hindi niya maramdaman si Mory sa tabi niya. At pagdilat niya ay napatunayan niyang mag-isa lang siya sa kwarto niya. Napabuntong-hininga tuloy siya. Parang gaya lang ng nangyari noong akala niya ay magiging ok na talaga sila ni Mory. Ngunit gaya noon ay hindi na naman niya namulatan si Mory sa tabi niya. Paano sila nito magkakausap ng maayos? Baka may pinuntahan na naman ito nang biglaan at pagbalik nito ay may panibago na naman silang problema. Hays… Napalingon siya sa bedside table niya at nakita niya ang mga pagkain doon, gatas, tubig at ang mga vitamins na kailangan niyang inumin. Muli

