------ ***Arabella's POV*** - Dalawang linggo na ang lumipas mula nang mawala si Eryiel, at ngayon pa lang kami muling nagkaharap ni Jodi. Tinawagan niya ako at nagkita kami sa isang tahimik na restaurant. Naupo kami sa isang sulok, kapwa walang imik, pinapakiramdaman ang isa't isa—parang may hindi nasasabi, pero parehong nararamdaman. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin ganap na matanggap ang katotohanang hindi lang siya pinsan ko—tunay kaming magkapatid. Minsan, nahihirapan akong paniwalaan, pero ang katotohanan ay hindi kayang takpan ng alinmang saloobin o pighati. Siya ang unang bumasag sa katahimikan. “Bella, gusto ko sanang magpaalam.” Napakunot ang noo ko, hindi agad nakapagsalita. “Magpaalam?” Tumango siya, bahagyang yumuko bago muling tumingin sa akin. “Aalis na kami ni Mommy.

