------ ***Arabella's POV*** - Hinugot ko ang kamay ko mula kay Andrew at umiling. Hindi ako dapat magpaapekto "Hindi mo ako mahal, Andrew," malamig kong sabi, tinitigan siya nang diretso sa mata. "Huwag ka nang magkunwari. Alam mong huling-huli ko na ang kasinungalingan mo." Huminga ako nang malalim, pilit pinipigilan ang panginginig ng aking tinig. "At saka, huwag mong idamay dito ang mga magulang ko. Mahal nila ako, at alam kong hindi nila nanaisin na ikasal ako sa isang tulad mo." Mapait akong napangisi habang marahang umiling. "At saka, may mahal ka naman iba, diba? Aminin mo na. Inamin mo nga sa mga kaibigan mo, hindi ba? Bakit dito, ayaw mong aminin?" Napatingin sa akin si Jodi, hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Kita ko ang bahagyang pagnganga niya. Pero hindi ko siya p

