27. Ang gustong makasama

1531 Words

--------- ***Arabella’s POV*** - "Ngayon na narinig mo na ang totoo, sana nakontento ka na. Hayaan mo nang magpahinga nang tahimik ang mga magulang mo." Galit na galit ang tinig ni Tito Salve, halos pasigaw na niyang binibigkas ang bawat salita. Ramdam ko ang bigat ng kanyang emosyon, at sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig, parang tinutusok ang puso ko ng matatalas na patalim. Napakabigat ng mga sinabi niya. Para akong sinampal ng realidad, at sa sobrang sakit, hindi ko na napigilan ang pag-agos ng aking luha. Sunod-sunod ang pagtulo ng mga ito, bumabasa sa aking pisngi, habang unti-unting bumabalik sa aking isipan ang dahilan kung bakit naaksidente ang aking mga magulang. Pinagbawalan nila ako noon na umalis pero hindi ako nakinig sa kanila. Sinundo nila ako nung pero hind

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD