--------- ***Third Person's POV*** - Matalim ang tingin ni Harold habang nakatutok sa kanyang mga kaibigan. Panira talaga ng mood ang mga ito—mga istorbo. Kung akala nila ay matutuwa siya sa pagpunta nila, nagkakamali sila nang malaki. Banas na banas siya, at imposibleng hindi nila iyon napapansin. Hindi naman siguro sila tanga para hindi makita na naiinis siya sa presensya nila. "Bakit ganyan ka makatingin sa amin?" tanong ni Alfred, habang inilalapag nila sa mesa ang dalang alak. "Parang hindi ka yata natutuwa na nandito kami, bro," dugtong naman ni Garreth, nakataas ang isang kilay na para bang sinusubukang basahin ang iniisip niya. " Alam niyo naman pala," sagot ni Harold nang walang kagatul-gatol. "Ouch! That hurts!" pabirong sabi ni Grayson, kasabay ng isang ngiting may halon

