----- ***Arabella's POV*** - Papalabas na ako ng morgue, ang mga paa ko’y mabigat, halos hindi ko kayang maglakad. Ang puso ko ay puno ng sakit, ng bigat na parang may isang mabigat na bato na nakalapat sa dibdib ko. Habang naglalakad ako, naramdaman ko ang isang pamilyar na presensya na parang malapit lang sa akin. Napatingin ako at nakita ko si Harold, papasok sa morgue. Nagkatinginan kami, walang nagsasalita sa aming dalawa pero nakikita ko ang pagkaalala niya sa titig niya sa akin. Gusto kong magsalita pero parang naumid ang dila ko. Mayamaya, humakbang si Harod palapit sa akin. Nakatayo lang ako, hinintay ang tuluyan paglapit niya sa akin. Niyakap niya ako ng mahigpit nang tuluyan na siyang nakalapit sa akin. Ang mga braso niya’y parang mga pader na sandigan sa nanghihina kong

