1: Arabella

2109 Words
--------- ***Arabella’s POV*** - Hindi ko mapigilan ang sunud-sunod na pagtulo ng luha ko habang inaalala ko ang mga nangyari sa akin. Nalaman ko na may iba pala si Andrew, minahal ko siya mula pa noon, niligawan niya ako at sinagot ko siya agad, at limang taon na ang relasyon naming dalawa. Pero parang ang mga pangarap ko at mga plano namin ni Andrew ay biglang gumuho sa isang iglap nang nalaman ko na may iba pala siyang mahal. At dahil sa kabiguan na naramdaman ko, humantong pa ako sa pakikipag-one night stand sa isang estranghero. Naisuko ko dito ang pinakaiingatan kong pagk*babae. Pero imbes na makipagsimpatiya sa akin ang lalaking nakasama ko kagabi, pinaratangan pa ako nito ng kung anu-anong hindi magagandang salita. Pinaratangan pa ako na drinuga ko siya at isa akong gold digger. Ang sakit, ang bigat sa puso, at parang ang lahat ng hirap at sakit na nararamdaman ko ay tumagos hanggang sa buto. Because of everything that’s happened, I couldn’t hold myself back anymore, and I broke down crying inside the taxi I’m riding now. I can’t understand why all of this is happening to me. It feels like I’m carrying the weight of so much pain on my shoulders. Wasn’t losing my parents in an accident when I was just a child already enough? At such a young age, I became an orphan. The pain of losing them and knowing that not one of them is here to guide me is unbearable. I was only ten years old when they both passed away, and twelve years have already gone by since then. Tapos ngayon, nalaman ko na hindi pala ako totoong mahal ng lalaking minahal ko, ang lalaking nakatadhana kong pakasalan. At naisuko ko pa ang sarili ko sa isang estranghero. Pakiramdam ko, ang sama-sama ko bilang babae dahil sa nagawa ko. Bakit ko ba hinayaan na mangyari sa akin iyon? I feel so filthy as a woman. I slept with a stranger, and it’s as if I have no sense of shame. What I did was wrong. Even though I was broken-hearted, I shouldn’t have gotten drunk, which led to a one-night stand with a stranger. What’s hardest to accept is that I did this under the weight of overwhelming pain and emotion. Ako nga pala si Arabella, pero madalas akong tawagin ng mga kakilala ko na ‘Bella’. Sa edad na sampung taon, labing-dalawang taon na ang nakalipas, sabay na namatay ang mga magulang ko sa isang aksidente. They left their company under the care of my uncle, my mother's brother, until I reached the right age and maturity to manage my parents' business. Ang tito ko at ang asawa niya na rin ang kumupkop sa akin. Pinalaki nila ako na parang sarili nilang anak, kahit na minsan ay naiinggit ako sa kanilang dalawang anak na puro babae rin. Sa kabila ng lahat ng iyon, hindi ko rin maiwasang maramdaman na ako’y ibang-iba sa kanila at hindi ko kayang maramdaman ang parehas na pagmamahal na tinatanggap ng mga pinsan ko mula sa mga magulang nila. Pero naintindihan ko naman na hindi ako magiging kapantay ng mga anak nila pagdating sa pagmamahal at pagpapakita ng malasakit. Sa kabila ng lahat ng ito, nagpapasalamat na pa rin ako na kinupkop nila ako at pinalaki akong maayos. Nakasulat sa huling habilin ng aking mga magulang na makukuha ko lamang ang aking mana at mapapasaakin ang bahagi ko sa kumpanya kung ikinasal na ako sa anak ng kanilang kasosyo sa negosyo, na si ‘Andrew’. From the moment we were born, our parents had already agreed that one day we would be married. Our marriage is important, not just for the two of us but also for preserving and securing the future of our families' businesses. Bata pa lang ako, paulit-ulit ko nang sinasabi sa sarili ko na si Andrew ang lalaking nakatakdang pakasalan ko balang araw. Kaya naman, itinuon ko ang lahat ng atensyon, oras, at pagmamahal ko sa kanya. Ayaw kong biguin ang mga magulang ko sa kanilang mga plano para sa akin. I don’t want to go against their wishes, especially since they believe this is the best way to secure a good future for me. They see this as the only path for me to have a stable and successful life. Marrying Andrew is the only way I can get my inheritance and all the rights that are meant for me. Subalit higit pa roon, totoo at taos-pusong minahal ko si Andrew. Akala ko rin ay minahal niya ako, hanggang sa narinig ko ang masakit na katotohanan kagabi. Ngayon, hindi ko alam kung kakayanin ko pa siyang harapin nang hindi nararamdaman ang matinding sakit na idinulot niya sa puso ko. Hindi ko rin alam kung kaya kong magkunwari na parang wala akong nalalaman. At higit sa lahat, hindi ko alam kung kaya ko pa siyang pakasalan. Alam kong fixed marriage ang kasunduan naming dalawa. Karaniwan, ang mga kasal na tulad nito ay walang halong pagmamahal at ginagawa lamang para sa kaginhawahan o para sa kapakinabangan ng negosyo. Ngunit hindi ko sana mararamdaman ang ganitong sakit kung hindi ako niloko ni Andrew. Sa loob ng limang taon, pinaniwala niya akong mahal din niya ako. Pinakita niya sa akin ang mga bagay na nagpaasa sa aking puso, mga bagay na nagpatibay sa paniniwala kong tunay at dalisay ang kanyang damdamin para sa akin. Subalit ngayon, pakiramdam ko’y niloko niya ako. Sana, hindi na lang niya ako pinaniwala na mahal niya ako. Sana, hindi niya ipinadama na may espesyal siyang nararamdaman para sa akin. Kung hindi lang sana, hindi ako aasa na may tunay na pagmamahal sa pagitan namin. Hindi ako maghihinanakit ngayon, at hindi ako magdadalawang-isip tungkol sa kasal naming dalawa. Alam kong, sa kabila ng lahat ng nalaman ko, hindi ko maaaring talikuran ang kasunduang ito. Nakasulat ito sa huling habilin ng aking mga magulang, na bahagi ng kanilang iniwang pananagutan sa akin. Bukod pa rito, alam kong hindi rin papayag ang Tito Salve ko na umatras ako. Manganganib pati ang posisyon niya sa kumpanya ng aming pamilya at ng pamilya ni Andrew. Andrew’s father is the current CEO of the company, and my Uncle Salve took over my father’s position. Every time Uncle Salve reminds me of this situation, he always tells me that I am not allowed to fall for any other man. Andrew is the one destined for me, and Andrew is the only one I should marry. “Saan ka galing kagabi, Bella?” salubong agad sa akin ni Tito Salve nang makarating ako sa bahay. Naabutan ko sila sa sala, kasama niya si Tita Andria at ang dalawa kong pinsan, sina Eryiel at Jodi, na parehong seryoso ang mga ekspresyon ng mukha. “Hindi ka umuuwi, tapos hindi mo pala kasama si Andrew,” ang galit ay may bahid na pagkaalala. Hindi ko na dinamdam ang paraan ng pagsita ni Tito. Alam ko namang ginagawa niya iyon dahil nag-aalala siya para sa akin, tulad ng pagiging mahigpit niya sa dalawa niyang anak. Simula nang mawala ang mga magulang ko, pinalaki niya ako na parang tunay na anak. Kaya naman naiintindihan ko kung bakit ganoon ang reaksyon niya. Alam ko rin na ayaw niyang magpalipas ako ng gabi sa kung saan-saan na walang paalam o balita. “Salve, huwag mo munang pagalitan si Bella. Pakinggan mo muna ang paliwanag niya,” sabat naman ni Tita Andria habang lumapit sa akin. Hinawakan niya ang braso ko, halatang sinusubukang pakalmahin ang tensyon sa paligid. Aminado akong nanghihina pa rin ako hanggang ngayon dahil sa bigat ng mga nangyari sa akin kagabi. Nakita ko naman ang unti-unting pagkalma ni Tito Salve sa kanyang sarili. “Baka naman nagwawala na ‘yan si Bella, Mommy and Daddy,” singit bigla ni Jodi na halatang gusto pang magdagdag ng gatong sa sitwasyon. “Naisip siguro niya na kaya na niyang tumayo sa sarili niyang paa. Baka natuto na ‘yang—” “Tumigil ka nga! Hindi ganyan si Bella,” mabilis na putol ni Eryiel sa sinabi ni Jodi, halatang naiinis na rin. Mas bata sa akin si Jodi ng dalawang taon. Simula pa noong bata kami, palagi na siyang may sinasabi laban sa akin. Maldita siya at pakiramdam ko, parang hinahanap niya lagi ang mga pagkakamali ko para isumbong sa mga magulang niya. Samantalang si Eryiel, na kaedad ko, ay kabaliktaran niya. Close kami ni Eryiel—hindi lang kami mag-best friend, kundi para na rin kaming magkapatid. “Lagi mo na naman siyang kinakampihan na parang siya ang tunay mong kapatid,” balik ni Jodi kay Eryiel, halatang masama ang loob. “Kasi lagi kang mali,” sagot naman ni Eryiel, halatang hindi na niya matiis ang ugali ng kapatid niya. “Napaka-immature mo pa rin.” “Ang sabihin mo, mas gusto mo siya kaysa sa akin,” sagot pa ni Jodi, halatang naiinis na. “Jodi, tumigil ka,” ani ni Tito, pero sa pagkakataong ito ay mahinahon na ang kanyang boses. “Huwag kang makisali rito. Ang mabuti pa, maghanda ka na. Sabi mo, sasabay ka sa akin. Ayaw kong ma-late.” Hindi na nagsalita si Jodi. Padabog siyang tumayo at umalis, ngunit bago pa siya tuluyang makalabas ng sala, tinaasan niya muna ako ng kilay na tila gusto pang iparamdam na masama ang loob niya sa akin. Huminga muna ako nang malalim upang kumalma bago magpaliwanag sa Tito at Tita ko. Kailangan kong ayusin ang paliwanag ko kahit na alam kong magsisinungaling ako sa kanila. Alam kong magiging malaking eskandalo kung sasabihin ko ang totoo tungkol sa nangyari. The truth is, I don’t know how I will hide the truth. I’ve already given my purity to someone else, and I’m sure I won’t be able to hide it from Andrew if our marriage goes ahead. I don’t know, I’m so confused, and I don’t know what to do. “Tito, Tita…” nagsimula akong magsalita nang mas kalmado na. “Pasensya na po. Dahil sa sobrang pagod, hindi na po ako nakauwi kagabi. Sa bahay po ako ni Yaya Lorena nakitulog. Napagpasyahan ko po kasi siyang bisitahin. Pasensya na po.” Ang tinutukoy kong Yaya Lorena ay ang naging yaya ko noong bata pa ako, bago pa pumanaw ang mga magulang ko. Kahit ngayon, lagi ko pa rin siyang pinupuntahan dahil ramdam ko ang malasakit niya sa akin at ang pagmamahal na itinuring niya akong parang tunay na anak. “Ganun naman pala,” sagot ni Tita Andria, halatang mas kalmado na rin. “Sa susunod, magpaalam ka muna para hindi kami mag-alala ni Tito Salve mo.” “Opo,” sagot ko habang tumatango. “Pasensya na po. Hindi na po mauulit.” Mukhang naniwala naman sila sa paliwanag ko. Nang tuluyan nang kumalma ang sitwasyon, nagpaalam ako upang umakyat sa kwarto. Sinamahan naman ako ni Eryiel, tahimik na sumusunod sa likuran ko. Sumunod naman sa akin si Eryiel hanggang sa kwarto ko, napansin kong tumitig muna siya sa akin nang may halong pag-aalala bago siya nagtanong. “You’re lying,” sabi niya sa akin nang direkta, ngunit malumanay ang tono. Kitang-kita ko ang sinseridad at pagkabahala sa mga mata niya. “Sabihin mo sa akin, may problema ba, Bella?” Napaupo ako sa kama, pakiramdam ko ay tuluyan na akong nanghina. Tumabi naman siya sa akin, hindi ako iniwan at halatang hinihintay niya ang sagot ko. “Eryiel, sa tingin mo ba mahal ako ni Andrew?” Hindi ko napigilang itanong, tila sinubukan kong hanapin ang sagot sa kanya. “Oo naman,” mabilis niyang sagot nang walang pagdadalawang-isip. “Bakit mo naman naisip ‘yan, Bella?” “Kasi…” Naputol ang sasabihin ko dahil biglang tumunog ang cellphone ko. Si Andrew ang tumatawag, kaya napilitan akong sagutin ito. “Bella, babe,” masaya niyang bungad sa kabilang linya. "I want you to get ready. I’ll go with you to work today. I heard from my mom and dad that today, Ninong Harold will be introduced as the new CEO of Starlight. So, I’m going to Starlight now." The Starlight he was referring to is the company where I work as an intern. I need to prove myself in another company before I can work at my family’s business. Yes, we have a new boss, and according to Andrew, he’s his godfather. He’s been abroad and was away for almost a year because he was busy with other businesses. Andrew is excited about his godfather's return. "Be ready. Dress nicely, okay? I want to be proud to introduce you to my godfather. Alright? Bye!" He immediately hung up before I could say anything.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD