2: Harold

2242 Words
--------- ***Third Person’s POV*** - "What’s the problem, bro? Ang aga pero alak agad ang hinarap mo." Napatingin si Harold sa nagsasalita at sumalubong sa paningin niya ang gagong kaibigan na si Alfred. Nandito siya ngayon sa HQ ng Saavedra Empire, dito siya dumiretso pagkatapos nang nangyari kanina. Nagising na lang siya na katabi ang isang babae, pareho silang hubad nito. Bilang isang PI, agad siyang nag-imbestiga sa nangyari at napag-alaman niya na may drumuga sa kanya. Inutusan lang daw ang waiter na ilagay ang isang tableta sa inumin niya, at sa tantiya ng waiter, nasa 20+ pa lang ang babae. Dahil sa pangangailangan ng pera, pumayag ang waiter. Kitang-kita niya sa CCTV na may nagdala sa kanya na isang lalaki sa kwarto kung saan siya nagising. Nakikita din niya sa CCTV ang akmang pagpasok ng babaeng iyon sa kwarto kung saan siya nagising na katabi ito. Pero bago pa ito tuluyang nakapasok, hinila niya papasok. Kaya sigurado siyang ang babaeng iyon ang drumuga sa kanya. At naiinis siya sa isipin na sa batang edad ay nagtagumpay ito sa plano nito sa kanya. Hindi ito nagpabayad sa kanya kahit nakuha niya ang virginity nito. At hindi niya matanggap na hindi ito nagpabayad. Baka iba ang plano nito. Baka mapikot siya ng wala sa oras. Baka mabuntis niya ang babaeng iyon. "Mind your own business, asshole!" aniya kay Alfred, pilit na inalis sa isip ang babaeng nakatalik kagabi. Hindi naman sila nag-aaway ng kaibigan, ganito lang sila mag-usap. "Moron." Ani nito, at tumabi sa pagkakaupo niya dito sa bar ng HQ. "Mainit na naman yang ulo mo. Sign na talaga 'yan na tumatanda ka na. Mas lalo kang naging sumpungin." "Do you think, bata pa ka? Magka-edad lang tayo gago. You are 40 years old too." Ininom niya ang alak na nasa basong hawak niya. "Bakit ka ba nandito ng maaga? Inaway ka ba ng asawa mo? Or you are getting tired of having a wife?" "That would never happen, bro," he said, shaking his head. "Do you know how my world got its color because of my wife and kids? And I won’t ever get tired of them. I just missed the HQ, so I decided to drop by." Napataas lang ang isang sulok ng labi niya. Nakikita naman niya ang kaligayahan sa mga mata nito at masaya naman siya para sa kaibigan. Masaya siya hindi lang para dito kundi para na rin sa mga kapatid nito na ngayon parehong maligaya na kasama ang mga asawa ng mga ito. And it wasn’t just the Montreals who had finally embraced the magic of love but also the Saavedra triplets. They were now content with their own families. He had played a significant role in helping them be with the ones who had captured their hearts. Isa siyang PI ng mga Montreal at Saavedra, at ang pinakamalupit at pinaka-nakatawa trabaho niya sa mga ito ay taga-hanap ng mga babaeng nawawala at pinagtaguan ang mga ito. Gago kasi ang mga ito. Pero ang mga ito ang nagpayaman sa kanya. Ang mga ito ang naging dahilan kaya isa na siyang bilyonaryo ngayon. Mahal kasi ang singil niya sa mga ito. Gago kasi, dapat lang gumasto ng malaki ang mga ito. He was really the private investigator for the Saavedra Empire, a powerful mafia organization. Even though he wasn’t as involved in his role as a PI for the empire anymore, he still took on some tasks for them when needed. He couldn’t bring himself to completely leave the empire because it was where he had learned so much. The experiences he gained and the lessons he learned while working with them had shaped him in many ways, and that connection kept him tied to the organization. Napapokus siya muli kay Alfred nang dinagdagan nito ang sinabi. "Alam mo kung ano ang kailangan mo? Isang asawa. Isang babae na magmamahal at mag-aalaga sa'yo. Hindi ka na bumabata, bro, kailangan mo nang lumagay sa tahimik." "Bro, alam kong masaya ka na ngayon sa asawa mo at kuntento ka na. Masaya naman ako para sa'yo, akalain mo --- sa laki ng kasalanan mo, napatawad ka pa rin ni Claudia. You're lucky. And congratulations — because you're really in love. But I won't be like you, and I won't be like any of you. I don't have a heart that will beat for any woman. Falling in love is not something I plan to do. I don't want to go through the stress that comes with being in a woman and dealing with their dramas. I don’t want to tire myself out thinking about how to win a woman’s heart every time she gets upset, like what you all do when your wives get upset with you. It’s just not something I’m interested in or ready for." Imbes na tumugon si Alfred sa kanyang sinabi, isang malutong na tawa lang ang pinakawalan nito. Hindi din ito nagtagal, nagpaalam din ito sa kanya. May dinaanan lang talaga ito. Tinapos din naman niya agad ang pag-inom. Kailangan pala niyang pumunta ngayon sa bago niyang kompanya. At ngayon siya magpakilala bilang bagong CEO ng kompanya. ------------ Harold was currently driving to Starlight, the name of his new company. He was the new CEO of Starlight, a consumer electronics company that was slowly entering the international market. Harold had big plans for the company. As CEO, he wanted to take it to greater heights, beyond what the previous leaders had ever expected. Limang tao na ang pagiging shareholder niya sa kompanya. Ibinenta ng kaibigan niya ang share nito. Dahil dito, naging majority shareholder siya. Nag-migrate kasi ang buong pamilya ng kaibigan niya sa ibang bansa, at wala na itong balak bumalik o asikasuhin pa ang negosyo dito sa Pilipinas. Sa ganitong paraan, naipasa sa kanya ang malaking responsibilidad sa kumpanyang ito. Although he had his own business — a well-known security company — he accepted the position of CEO at Starlight. He thought that this was the right time, as he was no longer active as a private investigator (PI). It was time for him to focus on a broader field in business. Si Harold Fuentebella—isang pangalan na may bigat at halagang bilyon. Sino nga ba ang mag-aakalang maaabot niya ang ganito kataas na antas ng tagumpay, gayong lumaki siya sa hirap? Isa siyang ulila at dati’y pariwara sa buhay. Sa kabila ng lahat ng pagsubok, higit pa sa pinangarap niyang maabot ang kanyang narating ngayon. Sabi ng kanyang ina, isa raw German ang kanyang ama, ngunit hindi alam ng kanyang ina kung sino sa tatlong magkakaibigang German ang tunay niyang ama. Bunga lang kasi siya ng madilim at masakit na bahagi ng nakaraan ng kanyang ina. Tatlong magkakaibigang German ang naging dayo sa lugar kung saan nakatira ang kanyang ina. Noong mga panahong iyon, bata pa ang kanyang ina—16 taong gulang lamang, inosente, at madaling magtiwala. Ngunit sa kasamaang-palad, ang tatlong lalaki ay hindi karapat-dapat sa tiwala ng kanyang ina. Pinagsamantalahan lamang nila ang kanyang ina. Sa kabila ng pagsubok na makamit ang hustisya, walang nagawa ang kanyang ina dahil sa kakulangan ng pera at impluwensya. Sa halip, binaliktad pa ng mga salarin ang kwento, na ang ina raw niya ang nag-akit sa kanila. Ang masakit na pangyayaring ito ang nag-iwan ng malalim na sugat sa puso ng kanyang ina. Lumaki si Harold sa pangangalaga ng kanyang lola. Ang matanda ang nagpaaral sa kanya at naglaan ng lahat ng makakaya upang mapabuti ang kanyang buhay. Ngunit sa murang isipan ni Harold noon, hindi niya nakita ang halaga ng mga sakripisyong iyon. Sa halip, naging pariwara siya. Hindi niya pinahalagahan ang edukasyon, at sa bawat hakbang niya, parang mas lalo lamang niyang sinasaktan ang kanyang lola. Hanggang sa dumating ang araw na pumanaw ito, at noon niya lamang naramdaman ang bigat ng kanyang mga pagkukulang. Sising-sisi siya dahil puro sama ng loob ang naibigay niya rito. Ang kanyang ina, sa kabilang banda, ay naghanap ng pagmamahal sa maling mga tao. Isa-isa itong nagkaroon ng mga live-in partner sa pag-asang matagpuan ang pagmamahal na matagal nang inaasam. Sa kasamaang-palad, pagmamahal din ang dahilan kung bakit pinatay ito. Pinatay ito ng huli nitong kinakasama dahil sa matinding selos. Sa harap mismo ni Harold, sinaksak ang kanyang ina bago nagpakamatay ang salarin. Sa edad na 15, tuluyan nang naulila si Harold. Wala na siyang ibang masandalan. Sa edad na 16, may nakilala siyang babae—isang dayo sa kanilang lugar, limang taon ang tanda sa kanya. Mabilis na nahulog ang loob niya rito. Sa kabila ng kanyang murang edad, naramdaman niya ang tindi ng pag-ibig at handa siyang ibigay ang lahat para sa babae. Ngunit ang lahat ng iyon ay nauwi sa masakit na pagtataksil. Pinaasa siya ng babae, ginamit lamang siya, at sa huli ay sinira pa lalo ang kanyang buhay. Naparatangan siya ng babaeng ito ng panggagahasa, kahit hindi niya ito kailanman nagalaw. Dahil menor de edad pa siya noon, hindi siya nakulong. Ngunit ang pangyayaring iyon ay nag-iwan ng malalim na sugat sa kanyang pagkatao. Maliban sa palayaw nitong Rina, wala siyang ibang alam tungkol sa babaeng iyon. At nang nagkaroon siya ng kakayahang alamin pa ito, hindi na rin niya sinayang ang oras para gawin iyon. Para sa kanya, bahagi ito ng nakaraan niyang hindi na kailangang balikan. Ang mahalaga ay nagtagumpay siya sa buhay. Mula noon, itinuring niyang ang pag-ibig ay isang mapanganib na sandata, isa lamang paraan upang sirain ang sinuman. Ipinangako niya sa sarili na hindi na siya muling magpapatalo sa damdamin. Sa kabila ng kanyang nakaraan, nagtagumpay si Harold. Malaki ang naging papel nina Samuel Montreal at Dylan Saavedra sa pagbabagong ito. Si Samuel ang nagpaaral sa kanya at nagbigay ng bagong direksyon sa kanyang buhay. Ito ang ama ng Montreal Brothers. Samantalang si Dylan, itinuro sa kanya ang mga kasanayan upang maging mahusay na PI para sa Saavedra Empire. Sa tulong ng dalawang ito, naging matagumpay siya sa larangan ng negosyo at personal na buhay. Ngayon, sa edad na 40, si Harold ay isang single na bilyonaryo. Wala siyang sariling pamilya ngunit may malawak na network at maraming kaibigan. Bukod sa lahat ng tagumpay, balak niyang i-donate ang lahat ng kanyang yaman sa iba’t ibang foundation sa kanyang pagpanaw. Ayaw niyang magkaroon ng tagapagmana, ng isang anak, dahil hindi niya alam kung magiging mabuti siyang ama. Habang iniisip ito, bigla niyang naalala ang babaeng nakatalik niya kagabi. Paano kung mabuntis iyon? At gagamitin nito ang bata para tuluyan siyang mapikot? Hindi niya mapigilang magalit sa babae, lalo na’t ayaw niya sa mga babaeng tila inosente ngunit nasa loob ang kulo. Hindi niya namalayan na nakarating na pala siya sa Starlight. Dahan-dahan siyang pumasok sa parking area ng kompanya. Samantala..... "I really want to drive you to work today. Your new boss is arriving today. I'm excited to see my godfather again. He is now the majority shareholder of your company and the new CEO. One day, everything he worked for will be mine. I will be his only heir." sabi ni Andrew sa kanya habang magkasama silang nasa biyahe papunta sa opisina. Habang nasa byahe, ang bukambibig na nito ay ang ninong nito, na siya ring magiging bagong boss niya. Habang nagmamaneho si Andrew, walang tigil ang kwento nito, at nakikinig naman siya. Bagamat hindi niya maiwasang mairita sa sobrang kayabangan nito, interesado rin siyang malaman ang kahit anong impormasyon tungkol sa magiging bagong boss ng kanilang kompanya. Pinilit niyang iwasan ang bigat ng damdamin na nararamdaman niya habang nakikinig kay Andrew. Binabalewala muna niya ang katotohanan na niloloko lamang siya ng kasintahan, na alam niyang may ibang mahal pala ito. Ayaw niyang bigyang-daan ang sakit ng kanyang natuklasan. Alam niya na kung hayaan niyang umiyak siya ngayon, maaaring masabi niya ang lihim na nadiskubre niya. Kailangan niyang magkunwari na walang alam. “Paano mo naman nasabi iyan?” ang tanging lumabas sa labi niya. May halong pagka-usisa ang kanyang tanong. Gusto niyang malaman kung paano nakasiguro si Andrew sa sinasabi nito. “Maliban sa wala siyang ibang kamag-anak, nag-iisa lang din ako na inaanak niya. Kaya sigurado ako na sa akin niya ipapamana lahat balang araw,” sagot ni Andrew, puno ng kumpiyansa. Kitang-kita sa mukha nito ang kasiguruhan sa sinabi nito. Pagmamalaki pa nito, “I will become a billionaire. I can do what I want. Naisip ko na nga kung ano ang gagawin ko sa mga mamanahin ko mula sa ninong ko.” Gusto ni Bella na taasan ng kilay ang lalaki, ngunit pinili niyang pigilan ang sarili. Sa halip, tumahimik siya, nag-iisip kung bakit tila hambog ang dating ng mga sinasabi ni Andrew. Sa kabila ng lahat, napilitan siyang magtanong upang patuloy ang daloy ng usapan. “Wala ba siyang asawa at mga anak?” tanong niya, ngunit huli na nang mapagtanto niyang tila mali ang kanyang itinatanong. Kasasabi lang ni Andrew na wala itong kamag-anak. Nakita niyang umiling lamang si Andrew bilang sagot. Kahit wala itong sinabi, sapat na ang galaw ng ulo nito upang patunayan ang sagot sa tanong niya. “Ilang taon na ba ang ninong mo? Pwede pa siyang mag-asawa at magkaroon ng anak,” muli niyang tanong, sa tono ng pagbibigay ng ibang posibilidad na maaaring mangyari. “That's impossible, Bella,” mabilis na tugon ni Andrew. Halatang nainis ito sa ideya na inilahad niya. Dagdag pa nito, “Hindi mag-aasawa ang ninong ko. Alam mo ba kung bakit? Because he is a gay.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD