-------- ***Arabella's POV*** - "Saan ba kita dadalhin kung ayaw mong magpadala sa ospital?" tanong ko kay Harold, bakas sa boses ko ang pag-aalala. Kasalanan ko ang nangyari sa kanya—kung bakit nananakit ang ulo niya—kaya kailangan kong masiguro na nasa maayos siyang kalagayan. Gusto ko talaga siyang dalhin sa ospital, pero matigas ang ulo niya at ayaw niyang magpadala doon. Nasa loob kami ng kotse niya. He himself said that I should drive because he couldn't take it anymore; his headache was too severe. I do know how to drive, at least to some extent, thanks to the opportunities I had to learn it before. Pero iba pa rin ang kaba kapag may responsibilidad kang buhay ng tao—lalo na’t ang tulad ni Harold ang taong iyon. "Iuwi mo na lang ako," mahina niyang sabi. Paminsan-minsan, sinasa

