--------- ***Arabella's POV*** - Gamit ang natitira kong lakas, itinulak ko siya nang malakas, dahilan upang mapalayo siya sa akin. Matalim ang titig ko habang nakatingin sa kanya. "B-Buntis? Ano bang pinagsasabi mo?" mariin kong tanong, bumabalot sa puso ko ang inis sa kanya. "Oo, aaminin ko, dalawang beses nang may nangyari sa ating dalawa, pero imposibleng mabuntis mo ako. Sigurado ako diyan." Diretso akong tumitig sa kanya, walang bahid ng pag-aalinlangan sa aking mga mata. Wala akong dapat ikatakot dahil alam kong totoo ang sinasabi ko. Hindi ito haka-haka o isang kasinungalingang pilit kong pinaniniwalaan. "Sigurado ka ba?" malamig niyang tugon, bahagyang naniningkit ang mga mata. "How sure are you? Because if you ask me, I'm just as sure that I released everything inside you."

