55.Solusyon

1917 Words

--------- ***Arabella's POV*** - Buong akala ko ay matatakot si Andrew sa recording na pinarinig ko sa kanya, pero ilang sandali lang ang lumipas, isang malutong na tawa na naman ang pinakawalan niya. "Buong akala mo ba talaga na maniniwala sila sa'yo, Bella? Isang recording lang 'yan, at alam kong peke ito dahil kahit kailan, hindi ko sinabi ang mga bagay na 'yan." Napalunok ako sa sobrang inis at frustration. Napakuyom ang aking mga kamao, at naramdaman ko ang pagtaas-baba ng aking dibdib dahil sa matinding galit. Hindi ko matanggap kung gaano siya kasinungaling, kung paano niya kayang magpanggap na parang wala lang ang lahat. "Pwede ba, aminin mo na ang masamang plano mo sa akin, Andrew! Walang hiya ka!" pilit kong pinakalma ang sarili ko, pero hindi ko magawa. Gusto kong sumigaw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD