53. Pangako

1717 Words

---- ***Arabella's POV*** - Ang magandang bakasyon namin ni Harold ay matatapos na rin sa araw na ito. Aminado akong nasiyahan ako sa aming pananatili sa isla, ngunit hindi ko maikakaila na sa mga huling araw ay may bumagabag sa aking damdamin. Nagsimula ito nang tanungin ko siya tungkol sa kanyang nakaraan, lalo na tungkol sa kanyang pamilya. Napansin kong tila lumamig ang pakikitungo niya sa akin, kahit pa pilit niyang ipinapakita na maayos ang lahat sa pagitan namin. Ramdam kong may mabigat siyang itinatago, isang lihim na hindi ko mawari kung ano. Ngayon, nakasakay na kami sa bangka paalis ng isla. Habang tinatanaw ang papalayong dalampasigan, hindi ko maiwasang makaramdam ng lungkot. Alam kong sa pagbabalik ko sa kabihasnan, muli kong haharapin ang reyalidad—ang mga bagay na gusto

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD