------- ***Arabella's POV*** - "Kung lahat ng lalaki ay katulad mo, Andrew, mas nanaisin ko pang maging single habang buhay," mariin kong sabi, hindi na nag-abala pang itago ang inis sa aking tinig. Ramdam ko ang poot na unti-unting namumuo sa dibdib ko, pero pinilit kong kumalma. Huminga ako nang malalim bago muling nagsalita. "Bakit mo ba ginagawa ito, Andrew? Alam kong hindi mo naman ako mahal. Diba, may iba kang mahal? Hindi ba dapat masaya ka na dahil ako na mismo ang nagpalaya sa’yo? Hindi ba ito ang matagal mo nang gusto?" Napaurong siya, at sa unang pagkakataon, nakita kong nag-alinlangan siya. Awang ang kanyang labi, at halatang hindi niya inaasahan ang sinabi ko. "Ano ba yang pinagsasabi mo? Wala akong iba," mariin niyang tanggi, pilit na pinapanatili ang kanyang kumpiyans

