51. Ang usapan

1876 Words

----- ***Arabella's POV*** - Pinagmamasdan ko lang talaga si Harold habang abala siya sa pagluluto. Masyado siyang nakatutok sa ginagawa niya, hindi man lang namamalayan na kanina pa ako nakatitig sa kanya. Ang seryosong ekspresyon sa kanyang mukha, ang maingat niyang paggalaw sa kusina—lahat ng ito ay parang isang eksenang hindi ko kayang palampasin. Maya-maya, mukhang natapos na siya sa kanyang ginagawa. Marahan niyang hinubad ang suot niyang apron, at sa wakas, nabaling ang paningin niya sa akin. "Baby, kanina ka pa ba diyan?" tanong niya sa akin nang nakangiti, ang malambing niyang tinig ay tila musika sa aking pandinig. "Ngayon lang," pagsisinungaling ko, dahil matagal ko na siyang pinagmamasdan. Aminado akong nag-iinit ang pakiramdam ko. Sino ba naman ang hindi magkakaganito ku

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD