------ ***Arabella's POV*** - Mukhang hindi talaga maganda ang pakiramdam ni Eryiel, kaya nagpaalam muna ako rito at kay Gary na umalis. Napagpasyahan kong ipagpatuloy na ngayon ang paghahanap ng apartment. Sa lahat ng nangyayari, mukhang kailangan ko nang lumipat sa lalong madaling panahon. Naglalakad ako sa kung saan ang sakayan ng jeep. Hindi naman malayo mula dito sa hospital ang pupuntahan ko. Kaya nga lang lakarin kung hindi ako nagmamadali. Isa pa napakainit ng panahon, at wala man lamang akong dalang payong para sana proteksyon ko mula sa mainit na panahon. Patuloy akong naglalakad nang biglang may isang kotse na huminto sa tapat ko. Sino na naman kaya ito? Hindi ito ang kotse ni Andrew—bagong kotse ito sa paningin ko. Nais ko sanang ipagpatuloy ang paglalakad dahil maaaring

