----- ***Arabella's POV*** - Nakuyom ko ang aking mga kamao, at mas lalo pang tumalim ang aking titig sa kanya—parang gusto ko na siyang saksakin gamit lamang ang aking tingin. Sagad talaga sa kakapalan ang mukha niya! "Ano?! Nababaliw ka na ba, Andrew?" galit na galit kong sabi, pinipigilan ang sarili kong masigawan siya. "Hindi ako nababaliw. Ikaw ang nababaliw sa ating dalawa, Bella. Alam mo naman siguro ang magiging consequences kung tuluyan tayong magkahiwalay," matigas niyang sagot. "I get it. Gusto mong magkabalikan tayo dahil natatakot kang hindi mo makuha ang mana mo. 'Yan ang totoong dahilan, hindi ba?" kaswal kong tanong, tila ba hindi ako apektado—at sa totoo lang, hindi na talaga ako apektado. "It's not that," mabilis niyang tanggi. "Ikaw lang ang inaalala ko, Bella. Wh

