------- ***Arabella's POV*** - Sobra akong nasaktan sa nangyari sa pagitan namin ni Harold, pero hindi ako maaaring magpatalo sa sakit. Matapos ang matinding pag-iyak dahil sa pagkawasak ng puso ko, kailangan kong bumangon muli. Kailangan ako ng pinsan kong si Eryiel na kasalukuyang dumaranas ng matinding hinagpis sa pagkawala ng kanyang ipinagbubuntis. Ayokong maramdaman niya na mag-isa siya sa pinagdadaanan niyang ito, at higit sa lahat, sana hindi niya sisihin ang sarili sa nangyari. Dahil dito, nagdesisyon akong hindi muna pumasok sa trabaho. Nag-file ako ng dalawang araw na leave upang masamahan si Eryiel sa kanyang pagluluksa. Sa kabutihang-palad, mabait ang department head ko at agad niyang inaprubahan ang leave na hiniling ko. Habang abala ako sa pag-aayos ng aking mga gamit,

