------- ***Third Person's POV*** - Kuyom na kuyom ang kamao ni Harold habang sinusundan niya ng tingin si Bella. Matindi ang galit na nararamdaman niya, at gusto niyang magwala. Rinig na rinig niya ang pangalang binanggit nito—Gary. Sino na naman kaya ang lalaking ito? Sino si Gary sa buhay ni Arabella? Balak na sana niyang umalis mula sa bar, ngunit napahinto siya nang maramdaman ang isang pares ng braso na mahigpit na yumakap sa kanyang baywang. Kilala niya ang may-ari ng yakap na iyon. Pamilyar sa kanya ang pabangong ginagamit nito—masyadong matapang at masakit sa ilong niya—kaya lalo pang uminit ang kanyang ulo. "Harold, bakit mo ba sinasayang ang oras mo sa babaeng ayaw naman sa'yo?" malambing ang tinig ng isang babae. "I'm here. I am the one who truly deserves to be with you, no

