------ ***Third Person's POV*** - Note: Ito ang whole story ng pag- uusap nina Andrew at Jodi. - Kanina pa hindi mapakali si Jodi. Ilang beses na niyang tinatawagan si Arabella, pero hindi ito sumasagot. Kahit hindi sila close ni Arabella pero sumasagot naman ito sa mga tawag niya. Pinisil niya ang cellphone sa pagitan ng kanyang mga palad, pilit pinapakalma ang sarili. Saan ka ba, Arabella? Naputol ang kanyang pag-aalala dahil sa lalaking bumungad sa kanyang paningin. Napatingin siya kay Andrew na nagmamadaling lumapit sa kanya. "Nasaan si Eryiel?" diretsong tanong nito, bakas sa mukha ang pagkainip. Napakunot ang noo ni Jodi. "Bakit sa akin mo siya hinahanap? Hindi ba dapat ako ang magtanong niyan sa’yo? Hindi ba kayo lagi ang magkasama?" "Kailangan kong makausap si Eryiel ng

