4. Meeting

1656 Words
---------- ***Arabella’s POV*** - Inayos ko ang suot kong blazer habang nakaharap sa salamin ng dingding dito sa loob ng restroom. Pawisan ang aking mga palad sa kabila ng malamig na simoy ng air conditioning. Ipapakilala ako ni Andrew ngayon sa ninong niya, na siya ring magiging bagong boss ko. Kailangan presentable ako—hindi lang dahil ninong ito ni Andrew, kundi dahil boss ko rin ito at gusto kong maganda agad ang impression niya sa akin. Sabi nga nila, “First impressions last.” Pero aminado akong kinakabahan ako nang sobra—parang may naghahabulan na mga daga sa loob ng dibdib ko. Kinalma ko muna ang sarili ko bago napagpasyahang lumabas na mula sa restroom at puntahan si Andrew. Sigurado akong mapapagalitan ako ngayon ng manager namin dahil late ako. Hindi kasi ako naka-time in dahil bigla akong nagkaroon ng LBM. “Saan ka ba galing?” tanong ni Andrew sa akin, nhinihintay niya ako sa labas ng opisina ng CEO. Maraming empleyado ang napatingin sa amin, at alam kong nagbulung-bulungan ang ilan sa kanila. Napatanong siguro sila kung sino si Andrew at kung ano ang nangyayari sa aming dalawa, kung bakit nasa labas kami ng opisina ng CEO. “Pasensya na, sumama ang pakiramdam ko,” ani ko sa kanya. Hahakbang na sana kami nang huminto si Andrew at napatingin siya sa akin muli. Kunot-noo naman akong sinalubong ang titig niya. “Wag mo akong ipahiya, Bella,” aniya. Aminado akong nasaktan ako sa narinig. “I know you are not as gentle as your two cousins, pero ikaw pa rin ang babaeng napili ko. You are so lucky, at dapat mo 'yang ipagpasalamat,” dagdag niya, na mas lalong nagpalalim ng sugat na nilikha niya sa puso ko. Pero kailangan kong magkunwari na hindi ako nasasaktan. “Even your family background is not that impressive, being an orphan, pero wala akong magagawa kundi ipakilala ka sa ninong ko. Ikaw ang pakakasalan ko, at plano kong kunin siyang sponsor sa kasal natin. Kailangan ka niyang magustuhan, kahit hindi ako sigurado kung madaling gawin 'yan pagdating sa tulad mo.” Hindi na ako nagsalita; napatango na lang ako. Aminado akong nag-init ang bawat sulok ng mga mata ko. Bakit ngayon ko lang napagtanto na hindi pala pagmamalasakit ang ginagawa ni Andrew sa tuwing sinasabihan niya ako ng ganito? Iniinsulto pala niya ako. Mula nang nalaman kong hindi pala niya ako mahal, napagtanto kong hindi pala siya gentle sa akin pagdating sa kung paano niya ako kausapin. Nagpatuloy na kami. Hindi naman kami pinigilan ng sekretarya. Binuksan ni Andrew ang pinto, at ewan ko—parang umakyat ang kabang nararamdaman ko sa lalamunan ko. Para akong masusuka, pero kailangan kong pigilan. Nagpasiunang humakbang si Andrew; nakasunod lamang ako sa kanya. “Mr. Harold,” masiglang bati ni Andrew sa lalaking nakaupo sa swivel chair. Napaangat naman ang mukha ng lalaki. Hinawakan ni Andrew ang kamay ko. “Mr. Harold, ito nga pala si Arabella Mondigo, ang fiancée ko. Arabella, ang ninong ko—ang bagong CEO ng Starlight na si Mr. Harold Fuentebella.” Parang tumigil ang oras nang nagkatitigan kami ng ninong ni Andrew. Nangangatog ang tuhod ko agad—parang matutumba na ako. Siya! Bakit siya! Hindi ko na napigilan ang manginig pati ang kalamnan ko, lalo na’t mariin ang titig ni Harold sa akin. Alam kong nakilala niya ako—ito ang nais iparating ng mga mata niya sa akin. Dumoble ang kabang naramdaman ko; halos hindi ako makahinga. Para akong sinasakal sa sandaling ito. “Arabella…” nakangising sabi ni Harold. Kalmado ang boses niya, na parang wala siyang nararamdamang tensyon sa pagitan naming dalawa. Nanuyo ang aking lalamunan. Hindi ako mapakali. Sinasabi kasi ng isip ko na hindi ako dapat kampante dahil may nais iparating ang titig niya sa akin. At alam kong hindi ko ito magugustuhan. Inilahad ni Harold ang kamay niya sa akin, at ilang segundo bago ko ito tinanggap. Tila nakukuryente ako sa simpleng pagdampi ng kamay naming dalawa. Kaya mabilis kong hinila ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. “Pleasure to meet you,” ani Harold, tila mahinahon, pero hindi pa rin ako mapakalma. Hinamig ko ang sarili ko. Kung magpatuloy akong ganito, baka mahalata ni Andrew ang naramdaman kong tensyon sa sandaling ito. Pinilit kong ngumiti. Tila nagbabaga ang aking mukha habang nakatingin si Andrew sa aming dalawa ni Harold, walang kamalay-malay sa kung ano ang totoo. “Nice to meet you too, sir.” Salamat naman at nasabi ko pa rin ito nang hindi ako nauutal. I felt the blood rush to my face when Harold sat down in his chair, a faint smirk playing at the corner of his lips. His presence seemed to tighten the air around us—powerful and heavy. The strange meaning in Harold’s gaze on me lingered. Mas lalong akong kinabahan. Gusto ko nang umalis. Nakatayo si Andrew sa tabi ko, masayang-masaya, walang kaalam-alam sa lumalalim na tensyon sa pagitan namin ng ninong niya. Tumawa ito sa isang bagay na sinabi ni Harold kanina, ngunit halos hindi ko narinig ang tawa nito. Nakapako lang ang isip ko sa mabigat na pakiramdam na naramdaman ko. Tumama ulit ang matalim na tingin ni Harold sa akin, parang tinitimbang ang bawat reaksyon ko. “Arabella, shouldn’t Andrew know just how meticulous you are when it comes to... the details?” Napakapit ako sa aking tiyan, at parang hindi ako makalanghap ng hangin. Hindi ko man maintindihan ang ibig niyang ipakahulugan, pero nagdulot pa rin ito ng kaba sa akin. Lumingon si Andrew sa akin, tila hindi naman siya nakaramdam ng kakaiba sa pagitan namin dalawa ni Harold. “Arabella is best at what she does. That’s why I know she’ll excel in everything that she does,” pagmamalaki ni Andrew. Ngayon ko lang narinig ito mula sa kanya. Muling tumawa nang mababa si Harold, isang tunog na nagpatayo sa balahibo ko. “Oh, I’m sure she will.” Napasara ang kamao ko sa gilid, basa ito ng pawis. Mabilis ang t***k ng aking puso. Gusto ko nang matapos ang sandaling ito. Pinilit kong salubungin ang mga mata ni Harold, tahimik na nagmamakaawang itigil niya kung ano ang plano niya. But it seemed that Harold thrived on tension, and the slight fear he saw in my eyes only fueled his confidence further. “Andrew,” unti-unting wika ni Harold, dinidiin ang bawat pantig. “Nasabi ba ni Arabella sa’yo na napaka-produktibo ng gabi niya kagabi? Nagtagumpay siya sa isang project niya.” Parang sasabog na ang puso ko sa matinding kabog nito dahil sa narinig ko. Nagtaas ng kilay si Andrew, halatang nalilito. “Ano ba ang ginagawa mo kagabi, babe? Hindi ka dumating sa birthday ko.” It felt like my voice was stuck in my throat. I wanted to speak, to explain, but I couldn’t find the words, and Harold spoke before I could. “She’s been doing something else,” Harold said, his tone full of meaning and hints, his eyes shining with unspoken secrets. “Something very special, something she really enjoyed. Isn’t that right, Arabella?” Nanlambot ang tuhod ko, at pilit kong nilalabanan ang panghihina na naramdaman. My mind was panicking, searching for anything to say that wouldn’t confirm what Harold was trying to imply. “Ako… sa tingin ko nagkakamali kayo, Mr. Fuentebella,” pautal kong sagot, pilit pinapakalma ang boses ko. Tumaas ang kilay ni Harold, mas lumalim ang kanyang ngisi. “Nagkakamali? Hmm. Perhaps I am mistaken.” He leaned forward slightly, placing his hands on the desk as if studying me, then straightened up again, fixing his gaze on me. “You wouldn’t be deceiving my godson, would you? You don’t have any dark secrets from him, do you?” “Harold,” mahina kong sabi na parang kami lang ang nagkaintindihan, puno ng desperasyon ang boses ko. Lumipat ang tingin ni Andrew sa aming dalawa, halatang hindi maintindihan ang nangyayari. “Anong nangyayari dito? Anong pinag- uusapan niyong dalawa?” kunot- noo si Andrew. Umupo si Harold nang mas kumportable, parang puno ng kumpiyansa. “Wala naman,” kaswal niyang sabi, pero ang mga mata niya ay hindi inalis sa akin. “Gusto ko lang siguraduhing naiintindihan ng fiancée mo ang halaga ng pagiging tapat… sa lahat ng aspeto ng buhay niya.” It felt like my chest was tightening. Harold is ruthless—I could sense it even without knowing him well. It felt like he was toying with me, holding the truth like a guillotine ready to drop, but not just yet. Ipinatong ni Andrew ang kamay niya sa balikat ko, tila pinapakalma ako, wala siyang kamalay-malay sa bagyong nagngangalit sa loob ko. “Okay ka lang ba?” Pinilit kong ngumiti kahit pakiramdam koy’y parang bibigay na ako sa kabang naramdaman. “Oo. Medyo… kinakabahan lang ako.” “Huwag kang kabahan,” sabad ni Harold, ang boses niya ay malambot pero may talim. "I'm not a strict boss, Arabella. Don't worry, I'll keep a close eye on you. I'll make sure you're comfortable here in my company." Nagsimula nang umikot ang sikmura ko habang nararamdaman ko ang mga salita ni Harold ay parang ibinaon sa aking balat. Alam kong hindi pwedeng magpatuloy ito. Kailangan kong gumawa ng paraan para protektahan ang sarili ko—mula sa katotohanang hawak ni Harold na parang sandata. Nang matapos ang meeting at lumabas na kami sa opisina ni Harold, parang jelly ang mga binti ko, pero pinilit kong magpatuloy, mahigpit na nakahawak kay Andrew na parang sa kanya ako kumukuha ng lakas. Harold’s smirk stayed in my mind, lingering like a reminder of the chaos he could cause at any moment. It was like he was silently promising that things could get worse. I knew one thing for sure: this wasn’t over. I could already feel that my life was about to get much more complicated, all because of him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD