--------
***Arabella’s POV***
-
“Ms. Mondigo, our new boss is calling you.” Napaangat ako ng mukha sa nagsasalita. At ang sekretarya ni Mr. Harold Fuentebella ang sumalubong sa paningin ko.
Tama ba ang narinig ko? Pinapatawag ako ng boss niya? Sa isipin na tama ang narinig ko, tumindi ang kaba na kanina ko pa nararamdaman. Hindi na nga ako halos makapag-concentrate sa trabaho ko dahil sa hindi pa rin mawala-wala ang kaba ko. Especially since I feel like something else is at stake, and I’m afraid of what Mr. Fuentebella’s plans or intentions are for me. With every passing minute of my thoughts, the intensity of my anxiety only grows stronger.
Napalunok ako bago magsalita. Kailangan kong masiguro kung tama ang narinig ko. At umaasa ako na nagkamali lang ako.
“What did you say, Mrs. Ferrer?”
“Pinapatawag ka ng CEO.” Tama nga ako. Wala akong ibang narinig kundi ang matigas na boses ng sekretarya, at ang takot ko’y tumindi lalo.
God! Ano na naman kaya ang kailangan ng lalaking iyon sa akin? Hindi ba niya ako bibigyan ng katahimikan kahit ngayong araw lang na ito? Kotang-kota na ako sa mga kamalasan ngayong araw na ito dahil kay Harold na iyon. At ito ay dahil lang sa one-night stand namin kagabi. Isang pagkakamali na naging daan para gumulo ng mundo ko.
Mukhang hindi ako pwedeng tumanggi. Kaya wala akong nagawa kundi ang tumalima sa sinabi ng sekretarya ng CEO. Kung bakit sa lahat—ang Harold pa na iyon ang nakasama ko kagabi. Hindi lang boss ko, ninong pa ni Andrew. Pakiramdam ko pinaglalaruan ako ng tadhana at ginawang komplikado ang buhay ko.
Nawalan na ako ng gana na magtrabaho sa kompanyang ito. Mamayang gabi, kakausapin ko si tito. Sasabihin ko dito na doon na lang ako sa Inspire, ang kompanya ng magulang ko, kasosyo ang magulang ni Andrew. Isa itong perfume company, at isa sa mga kilala sa bansa, at pinasok na rin nito ang ilang bansa. Panahon na siguro para maging bahagi naman ako sa kompanyang iniwan ng aking magulang.
Isang malalim na buntong-hininga muna ang pinakawalan ko bago ako tuluyang pumasok sa opisina ni Mr. Harold Fuentebella. Napasukan ko siya na nakasandal sa swivel chair niya, nakatingin sa akin na mukhang inaasahan talaga ako. Ang mga mata niyang may tamang timpla ng otoridad at pagiging malupit ay nagdulot sa akin ng takot.
Ano na naman kaya ang kailangan niya sa akin?
I was able to calm myself again. And I kept reminding myself over and over that he’s my boss. My boss. A heavy truth that I had to accept, and there was nothing I could do but continue and adapt to the suffocating situation I was in.
“Pinapatawag niyo po ako, boss. Ano po ang kailangan niyo sa akin?” magalang kong sabi, pilit na nilalabanan ang kaba.
“Yes. I am tired and bored. I needed someone to talk to.” Aniya, mariin ang titig niya sa akin. Hindi ko mabigyan ng kahulugan ang kanyang malangkit na titig na parang tumagos hanggang sa kaluluwa ko. Naghalo ang takot at pagkalito sa aking pakiramdam. “Have a seat.” Inilahad niya ang upuan na nasa harapan ng mesa niya.
Ayaw kong umupo. Ayaw ko siyang kausap. Dahil baka kung ano na naman ang sasabihin niya sa akin. Baka dumagdag lang ito sa sugat na nilikha nilang dalawa ni Andrew sa puso. Isang sugat na mahirap maghilom, at isang sugat na patuloy na nagpapahirap sa akin.
Sugat na nalikha dahil sa panloloko ni Andrew sa akin. Hindi pala ako mahal nito. At sugat na nalikha niya sa katotohanan na hindi lang niya nakuha ang pagk*babae ko. Iniinsulto pa niya ako. Ang mga sinasabi niya sa akin ay hindi ko halos masikmuraan.
“Introvert po ako. Boring akong kausap,” ani ko, paraan ko ito para ipaalam sa kanya na ayaw ko siyang kausap. Sa lahat ng tao, ako talaga ang gusto niyang kausap. Mas lalo na naman siguro niyang pahihirapan ang kalooban ko.
Napataas ang isang bahagi ng labi niya, nagbigay ng pilyong ngiti. “It’s okay. What matters is you’re not boring in bed,” nakangisi niyang sabi, tila may nais ipakahulugan ang kanyang mga mata. Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat maging reaksyon ko.
Wala akong maisagot. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, kaya napilitan akong umupo. Tahimik lang akong naghihintay, umaasang siya na ang magbubukas ng usapan kung ano man ang gusto niyang pag-usapan naming dalawa.
Ngunit hindi siya nagsasalita. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin. Aminado akong naiilang ako sa ginawa niya. His stare is cold, but I feel that he is surveying me carefully, as if looking for cracks in my composure.
“Arabella Mondigo—” basag niya sa katahimikan naming dalawa. Mas lalo pang tumindi ang malakas na t***k ng puso ko sa pagbigkas niya ng pangalan ko. “Alam mo bang nag-iisang inaanak ko si Andrew, at siya ang nag-iisang tagapagmana ko.”
Sinabi nga ni Andrew ito sa akin. Hindi pala nagkamali si Andrew tungkol dito. But I feel like he is trying to imply something deeper. May malalim na kahulugan ang bawat salitang binibitawan niya.
“Sa madaling salita, magiging bilyonaryo siya dahil sa lahat ng ipapamana ko sa kanya.”
Wala pa rin akong masabi. Hindi ko alam kung bakit, pero parang naumid ang dila ko. Wala akong ideya kung paano siya sasagutin sa bigat ng sinabi niya.
“Sabihin mo sa akin, ano ang nagugustuhan mo sa inaanak ko? Maliban sa anak-mayaman siya at guwapo, sa pagkakaalam ko, wala pa siyang naabot sa buhay. Hindi pa nga siya grumadwet dahil sa palipat-lipat ng kurso. He’s now 22 years old, and yet he has achieved nothing. Happy-go-lucky, winawaldas ang pera ng mga magulang niya. So, ano ang nagustuhan mo sa kanya? Tanggap mo ba siya bilang siya, o dahil sa mayaman ang pamilya niya?”
“Mahal ko si Andrew,” ang tanging nasabi ko. Minahal ko naman talaga si Andrew. Minahal ko siya kahit noon pa. Kaya nga nasaktan ako nang sobra sa katotohanang hindi naman pala ako mahal nito.
Masakit at nakaka-insulto ang tono ng kanyang pananalita, parang sinasabi niyang pera lang ni Andrew ang habol ko. Wala siyang alam sa akin. Kung anong meron si Andrew, meron din ako. Na-freeze lang ang mana ko at makukuha ko lang ito kung pakakasalan ko si Andrew.
“Mahal?” Tumawa siya ng malakas. Napakapait ng halakhak niya, parang pilit akong binubulag ng katotohanan. “I don’t believe you.”
Nakuyom ko ang mga kamao ko na nakapatong sa kandungan ko. Ramdam ko ang tensyon sa paligid, parang sasabog ang nararamdaman ko.
“Love is just a distraction—a fairy tale people chase to feel good about themselves. At the end of the day, it doesn’t pay the bills or secure a future. Money is what really matters; it’s the only thing that guarantees success and stability,” seryoso niyang sabi habang matiim ang tingin sa akin. Parang sinusuri niya ang bawat reaksyon ko. “Sabihin mo sa akin, Ms. Mondigo, iyan din ba ang paniwala mo? Kaya sinasabi mong mahal mo si Andrew?”
“Mahal ko si Andrew, bahala ka sa iniisip mo,” sagot ko nang mariin.
“Oh really?” He smirks. Iyon bang uri ng ngiti na hindi ko kayang basahin. “Is that the reason why you drugged me and slept with me?”
“I didn’t drug you!” tanggi ko agad, ang boses ko’y bahagyang tumaas. “Wala akong alam sa mga pinagsasabi mo. Kung ano man ang nangyari sa’yo, ako ang nagiging biktima.”
"I don't believe you, Arabella Mondigo. Are you underestimating me and thinking you can fool me easily? Let me tell you, you're wrong if that's what you thought," dumilim ang kanyang anyo. Parang sinasaksak ako ng titig niya. Nakakatakot siya, pero hindi ko matanggap ang mga akusasyon niya. “Sabihin mo sa akin, nalaman mo ba na may bilyonaryong ninong si Andrew at pinagplanuhan mo na, imbes na si Andrew, ako na lang ang pipikutin mo? Don’t tell me you didn’t know that I’m Andrew’s godfather and that I’ll be your boss. You were expecting this, weren’t you?”
Hindi ko napigilan ang sarili ko at napatayo. Nagtaas-baba ang dibdib ko sa galit dahil sa kanyang mga paratang. Parang maiiyak na ako, pero pinigilan ko ang pagtulo ng luha. Matalim ang titig ko sa kanya.
“Ano bang problema mo? Bakit hindi mo tanggapin na ang sinasabi mo ay bahagi lang ng imahinasyon mo?” galit na sabi ko.
“Kung makapagsalita ka, parang alam mo ang totoo sa amin ni Andrew. Bago ka magsalita ng ganyan, bakit hindi mo muna alamin ang dahilan kung bakit fiancé ko si Andrew. And as for what happened to you, look into it properly—hire a PI to investigate. You’re rich, aren’t you? Don’t blame me when I’m the victim here," sabi ko nang mabilis, pilit na kinokontrol ang panginginig ng katawan ko sa galit.
Tumitig lang siya sa akin, bahagyang nakabuka ang mga labi. Huminga ako nang malalim bago muling magsalita. Kailangan kong magpatuloy habang may lakas na loob pa ako.
"You judged me without due process and solid evidence. It seems like your brain is aging along with you—it’s getting rusty."
Hindi ko alam kung paano ko nasabi iyon. Bahala na kung tatanggalin niya ako. Kakausapin ko na si Tito Salve at lilipat na ako sa Inspire.
“What did you say?” Napatayo rin siya, halatang nagalit sa sinabi ko. Nagkasukatan ang aming matatalim na titig.
Aminado akong intimidated ako sa kanya. There’s danger in his eyes, and I know he’s not someone to be easily challenged. Hindi ko alam ang magiging resulta ng ginawa ko, pero hindi ko na kayang tiisin ang kanyang mga paratang.
Binawi ko ang tingin sa kanya. Hindi ko kayang makipagtitigan pa at makita ang panganib sa kanyang mga mata.
“I have to go, Mr. Fuentebella. Marami pa akong trabahong naiwan.”
Aalis na sana ako nang bigla akong napatigil. Hinawakan niya ang kamay ko. Pakiramdam ko, tila may kuryenteng dumaloy sa katawan ko sa pagdantay ng kanyang balat sa akin.
"Who told you that you could leave already? I’m not even done being bored yet, and I’m just starting to heat up. You’re right, you’re not great to talk to, but fortunately, there’s something else you’re better at. And now, I have something else in mind to do," aniya, habang hagod ang tingin sa akin mula ulo hanggang paa.
Pakiramdam ko nag-aapoy ang kanyang titig, at tila nag-iinit ako dahil dito.