-------- ***Arabella's POV*** - "Ano bang pinagsasabi mo, Harold? Nagkakamali ka lang sa iniisip mo. Hindi porket ikaw ang tinawagan ko kagabi ay mahal na kita. To be honest, you just reminded me of my dad. Whatever I feel for you is no different from a child's love for their father." Sunod-sunod kong sinabi ang mga salitang iyon habang malakas pa ang loob ko. Pinilit kong salubungin ang matalim niyang titig upang ipakita na totoo ang aking sinasabi—na wala akong tinatago sa kanya. Kung mayroon man akong naramdaman para sa kanya, hindi ko iyon kailanman aaminin, lalo na sa aking sarili. Dahil ninong siya ni Andrew. Kahit na hindi maging kami ni Andrew, alam kong hindi maganda sa paningin ng iba kung kami naman ni Harold ang magkatuluyan. I could clearly see his jaw tighten, and I knew

