--------- ***Arabella's POV*** - Napatingin sa akin si Tito Salve. Hindi pa man siya nagsasalita, lalo pang lumakas ang kaba na bumalot sa aking dibdib. "Pinagtaksilan mo ba ang relasyon ninyong dalawa ni Andrew?" tanong niya sa mabigat na tinig. "Baka nakalimutan mo na matalik na magkaibigan ang mga magulang ninyo. Hindi pa man kayo isinilang, ipinagkasundo na kayong dalawa. Iyan nga ang dahilan kung bakit nakatali ang mana ninyo sa isa’t isa—upang masiguro na kayo ang magkakatuluyan. Gusto mo ba talagang mawala sa iyo ang pinaghirapan ng mga magulang mo, Bella? Ipinangako mo sa libing nila na aalagaan mo ang iniwan nila sa iyo. Paano mo iyon magagawa kung nagawa mong pagtaksilan si Andrew? Hindi ka na ba nahiya sa kanya? Hindi ka na ba nahiya sa mga magulang niya?" Lihim kong nakuyo

