----------- ***Arabella's POV*** - Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi mawala-wala sa isip ko ang nasaksihan ko kanina—ang eksenang tumambad sa akin nang may isang babae na biglang dumating at walang pag-aalinlangang hinalikan si Harold. Dahil doon, hindi na natuloy ang plano kong magpasalamat sa kanya. Sa halip, agad akong tumalikod at umalis, dala ang bigat ng kung anong damdaming bumalot sa akin. Aminado akong may hapding dumampi sa puso ko sa nakita ko, isang sakit na hindi ko maipaliwanag. Simula kanina, hindi na ako mapakali. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang tanong: Sino ang babaeng iyon? Kaano-ano siya ni Harold at bakit niya ito hinalikan? Siya ba ang dahilan kung bakit parang unti-unti kong nararamdaman na hindi na naa-attract sa akin si Harold? I didn’t real

