CHAPTER 4
TINAY POV
“Aray…” bulong ko, habang pilit kong tinatanggal ang kumot sa hita ko.
Ramdam ko pa rin ‘yung init. Hindi ko alam kung init ng katawan ko, o init ng… kahihiyan.
Napakapit ako sa unan. “Diyos ko, Tinay,” sabi ko sa sarili, “ano bang pinasok mo?”
Nasa kwarto pa rin ako ni Manyacle. Nakasabit pa sa gilid ng kama ‘yung lab attire kong gusot-gusot na parang dinurog sa laban.
Amoy kape, sabon, at lalaki.
Tumingin ako sa salamin at ayun.
Mukha kong giniling sa blender. Pero… may ngiti. ‘Yung ngiti ng babae na hindi alam kung matatakot o kikiligin sa nangyari kagabi.
“Hindi literal na Tito…”
Pero ngayong umaga, parang literal na kasalanan.
“Gising ka na pala.”
Halos mapatayo ako nang marinig ko ang baritonong boses ni Manyacle.
Suot lang n’ya ‘yung white sando na halos mapunit sa laki ng braso n’ya.
May hawak na tray dalawang kape at itlog na sunny side up.
Eggs pa talaga, universe? Ang witty mo.
“Ah Tito… este… Manyacle!” taranta kong bati, sabay takip ng kumot sa mukha ko.
Natawa siya. “‘Tito’ pa rin talaga? Tinay, ilang beses ko bang sasabihin”
“Hindi mo pwedeng sabihing ilang beses!” putol ko agad.
“Wala namang mali!” sagot n’ya, nakangisi. “Nagpaliwanag lang ako, hindi nang-aamin.”
Pero halata sa ngiti n’ya nandoon pa rin ‘yung kasalanang hindi namin mabura.
Nilapag n’ya ang tray sa mesa, tapos naupo sa gilid ng kama.
Sobra ang lapit n’ya, parang naririnig ko ‘yung t***k ng puso n’ya.
O baka akin ‘yon? Hindi ko na alam.
“Tinay,” mahina n’yang sabi, “okay ka lang ba?”
“Okay lang ako. Medyo… nahilo lang.”
“Baka kasi”
“HUWAG MONG ITULOY.”
Tumawa siya, ‘yung halakhak na parang nanunukso.
“Bakit? Concern lang ako.”
“Concern my foot!” bulong ko, sabay harap sa tray. “Ang aga-aga pa, manyak vibes agad.”
Kinuha ko ‘yung kape, sabay inom. Pero mainit pa pala.
“ARAY!” halos mapatalon ako.
Agad siyang lumapit. “Ayan ka na naman, pabigla-bigla. Sandali nga.”
Lumapit siya, hinawakan ang baba ko, sabay ihip sa labi ko.
Mga readers, ihip lang ‘yun pero bakit parang biglang umikot ang mundo?
Nakatitig kami sa isa’t isa. Walang salita.
Hanggang sa pareho kaming natawa.
“Ang drama natin,” sabi ko, “para tayong teleserye sa umaga.”
“Hindi, parang telenovela ng kapilyuhan,” sagot n’ya, sabay kindat.
“Eww, Tito!”
“Tsk. Sinabi ko na, hindi mo na kailangan tawagin akong Tito.”
“Ayoko. Mas safe.”
“Safe ba talaga?” bulong n’ya, sabay yuko ng konti halos maglapat na ang labi namin.
At ayun na naman ‘yung kilig na parang kuryente.
Pero bago pa mangyari kung anuman, may kumatok sa pinto.
“Sir Manyashik! May naghihintay pong delivery sa labas!” sigaw ni Mang Iboy, ang driver.
Sabay kaming napalayo.
Si Manyacle, mabilis na nag-ayos ng buhok. Ako naman, para akong tinamaan ng guilt lightning.
“Magbihis ka na,” sabi n’ya. “Papunta ka pa sa lab.”
“Oo, oo! Lalabas na ako este, aalis na ako!”
“Teka lang,” hinawakan n’ya ‘yung kamay ko bago ako makalabas. “Tinay…”
Huminga siya ng malalim. “About last night”
“WALANG last night!” sagot ko agad, sabay takbo palabas ng pinto.
Pero bago pa ako makalayo, narinig ko pa ‘yung hagikhik n’ya.
“Hindi mo kayang burahin ‘yon, Tinay…”
Pagdating ko sa lab, halos mapaluhod ako sa pagod.
Pero hindi dahil sa trabaho kundi sa overthinking.
Si Dr. Miraflor, ‘yung supervisor naming may short bangs at long chika, agad akong binati.
“O, Tinay! Blooming ah! May bago bang vitamin ‘yan o may dahilan?”
“Ha? Ah… bagong shampoo lang po.”
“Talaga? Kasi parang ibang shampoo ang ginamit mo ‘yung pang may kasalanan.”
Napapikit ako. “Doc naman…”
“Hala! Confirmed!” sigaw n’ya, sabay tawa. “Sino? Si Manyacle?”
“Maa’am!” halos mapatili ako, pero tawa lang nang tawa ‘yung mga kasamahan ko.
“Alam mo Tinay,” sabi ni Doc, “ang daming nagfa-fantasize kay Sir Manyacle. Pero ikaw, may libre kang kape sa umaga!”
Napangiti ako kahit pilit. “Kape nga… halos sunugin ako.”
Habang nagtatrabaho ako sa lab nakatingin lang ako sa mga test tube at microscope, pero utak ko, lutang.
Paulit-ulit bumabalik ‘yung eksenang kagabi.
‘Yung paraan ng tingin n’ya, ‘yung kaba, ‘yung init ng palad n’ya.
Tapos bigla kong naisip paano kung narinig kami kagabi ng mga kasambahay?
Napatakip ako sa bibig. “Diyos ko, wag naman!”
“Hoy Tinay!” sabay tapik sa likod ko ni Rena, kasamahan ko. “Ba’t pula mukha mo? Nilagnat ka ba?”
“Hindi! Init lang ng isip ko!”
“Init ng isip o init ng puso?”
“Isa pa ‘to!”
Pag-uwi ko sa mansion, tahimik.
Walang tao sa sala, pero may nakasabit na sulat sa ref.
Nak-sulat lang: “Tinay, out ako for a meeting. Don’t skip dinner. M.”
Tinitigan ko ‘yung “M.”
Parang may kakaibang kilig sa sulat lang.
Paglingon ko sa mesa, may nakahandang pagkain adobo, sinigang, at kape.
Naalala ko tuloy ‘yung umaga.
“Hay naku,” sabi ko, sabay ngiti. “Kung ganyan ka araw-araw, Manyashik, baka hindi na ako makaalis dito.”
Narinig kong bumukas ang pinto sa may likod.
“Hindi mo naman kailangang umalis,” sabi ng boses na kilalang-kilala ko.
Lumingon ako ayun siya.
Suot ‘yung black polo na hapit sa dibdib, basa pa ang buhok, at may ngiti na parang may alam.
“Bakit ka bumalik agad?” tanong ko.
“Miss kita agad eh.”
“Corny mo.”
“Pero effective.”
Lumapit siya, mabagal, parang sinasadya talaga ang bawat hakbang.
Hanggang sa nasa harap ko na siya.
“Tinay,” mahina n’yang sabi. “Kung kasalanan man ‘yung naramdaman ko kagabi… ewan ko, gusto kong magkasala ulit.”
“Manyashik…”
Lumapit pa siya. “Hindi na kita itatago sa guilt mo, Tinay. Alam kong gusto mo rin.”
Tahimik.
Ang tanging naririnig namin ‘yung tik-tak ng orasan, at ‘yung parehong t***k ng dibdib namin.
Pero bago ko pa masabi ang kahit ano, may narinig kaming sigaw mula sa labas:
“Sir! Si Doc Miraflor po, paparating!”
Sabay naming tinakpan ang bibig ng isa’t isa.
Tapos sabay kaming natawa.
“Kita mo na? Kahit universe ayaw pa ring payagan!”
“O baka naman tinutulungan tayong pigilan,” sabi ko.
“Pigilin mo ‘yung sarili mo, pero ‘wag mo akong sanayin na malayo sa’yo,” sabi n’ya sabay kindat.
At doon ko na-realize kahit ilang test tube pa ang hawakan ko, hindi ko na mapapag-aralan kung paano hindi kiligin sa kanya.