ZOMBIE APOCALYPSE

1372 Words
CHAPTER 11 TINAY POV Lumabas kami ng best friend Kong bakla at kasama na roon si Manyacle “AAAAHHHHHH!!! MANYACLEEEE!!!” halos mabasag ang tenga ko sa sariling sigaw habang tumatakbo kami ni Becky sa gitna ng kagubatan na punô ng mga ZOMBAAAAHHH! GRRRR! HSSSSSHHH! “Tinay!!! Yung brief ng zombie o! Nakikita ko yung abs! YUMMY! LORD, IS THIS MY TIME???” hysterical na tili ni Becky, bestie kong bakla na kahit end of the world na, may energy pa ring maghanap ng love life. “Hoy Becky! Tumakbo ka nga! Hindi ‘to Mr. Universe Zombie Edition!” sigaw ko habang hinahablot ko ang braso niya. Pero ayun siya, nakatitig sa isang gwapong zombie na may eight-pack abs at naka-brief lang ng kulay pula. “GRRRRRAAAAHHHHHH!!!” ungol nung zombie sabay kindat kay Becky (oo, parang marunong!). “OH MY GOSH!!! He’s flirting with me!!! Chupapi yes!!!” tili ni Becky sabay pose ng peace sign habang pumapalakpak pa. “Becky, gago ka ba! Kakainin ka n’ya hindi i-kikiss!” “Eh kung pareho?” sabay kindat niya ulit. Napairap ako. “Lord, kunin n’yo na siya, wag lang ako.” Habang patuloy ang kaguluhan, napalingon ako sa likuran at doon ko siya nakita. Si Manyacle Yellpy Dela Vega, ang tanging lalaking parang laging may sariling electric fan sa buhok kahit end of the world na. Pero this time, iba na siya. Namumutla. Namumula. Tapos yung mata OMG parang LED light! “Uncle Yellpy!!! MANYACLE!!!” sigaw ko sabay takbo papunta sa kanya. Ngumiti siya ng konti. “Tinay... stay back.” “Bakit?! Anong nangyayari sa’yo?!” Biglang GRRRRRRRAAAHHHHHH!!! sabay nag-iba ang boses niya. “OH NOOO!!! MANYACLE ZOMBIE KANA, GAGI!!!” sigaw ko sabay pikit ng mata. Napaikot si Becky, sabay sigaw ng “AYYY SHEEEET!!! ANG HOT NI MANYACLE ZOMBIE!!! AAAH, GRABE YUNG JAWLINE! Parang undead na Piolo Pascual!!!” “TUMAHIMIK KA, BECKY!!!” sigaw ko sabay hampas ng sanga sa kanya. Pero ayun na nga nagsimula nang maglabasan ang mga zombie sa paligid. May matangkad, may walang ulo pero kumakaway pa rin. May isa pang sumisigaw ng “BRAAAAAIIINSSSS!” pero parang lutang kasi nakasuot ng sunglass at nagdadala ng baso ng kape. “Hoy! Si zombie nagka-Starbucks pa! Ang yaman!” sabi ni Becky. “BECKY RUN!!!” sigaw ko sabay hila sa kanya, pero biglang sumigaw siya. “WAIT! WAIT! May cute pa sa kanan! AAAH!!! May abs din! Ang dami nilang abs, beshie!!! Parang mga undead fitness instructor!” “Ayoko na sayo!” Biglang tumigil si Manyacle. “TINAY... RUN...” sabi niya sa mabagal, pa-hashtag dramatic na tono. Pero sa halip na umalis, lumapit ako. “Hindi! Hindi kita iiwan, Manyacle!” BLAG! Biglang sumabog ang lupa sa harap namin may sumulpot na zombie na mukhang lolo pero naka-headband. “AAAAHHHH!!! Si zombie lolo may headband pa parang nag-Zumba!!!” sigaw ni Becky sabay tili ulit. “TUMIGIL KA NA SA PAGKILIG!” Pero ayun na nagsimula nang manginig si Manyacle. Yung kamay niya nangingitim, tapos yung ugat nag-iilaw ng kulay berde. Sa gitna ng dilim, ang hangin biglang lumakas. Parang may sariling fan si Manyacle kahit walang kuryente. “MANYACLEEEE!!!” sigaw ko habang nilalapitan ko siya. “TINAY... I... I CAN FEEL IT... I’M... TURNING...” “TURNING INTO WHAT? A LIGHTBULB?! ANG ILAAAAAW MO!!!” Biglang KRRRSHHHHHH! pumutok yung paligid lumabas pa lalo yung mga zombie. “BRAINS!!!” sigaw nila sabay tango-tango. “BRAAINS!!!” “UTAK!!!” (may isa pang nagta-Tagalog, wow!) “PUSO!!!” (may isa pa! romantic!) “Uy, may clingy zombie!” sabi ni Becky, sabay tili. “HELLOOO! PUSO RIN AKO HANAP KO!!!” “BECKY!!!” sabay sabunot ko sa kanya habang iniiwas sa isang zombie na halos makagat siya. “Wait lang Tinay, wag mo ‘kong sabunutan! Sayang yung wig ko, limited edition yan sa apocalypse sale!” Napairap ako. “Anong sale?! END OF THE WORLD NA!!!” “Eh di END OF SEASON SALE! Charot!” GRRRRAAAAAAHHHH!!! Biglang hinawakan ni Manyacle ang ulo niya. “TINAY... help me... I can feel the hunger... gusto kong... gusto kong...” “Gusto mong ano?! Wag mong sabihing ako kakainin mo ha?!” “...Gusto kong... yakapin ka...” Napahinga ako ng malalim. “Awww” Pero biglang GRRRRRAAAHHHH! sabay abot ng kamay niya papunta sa leeg ko! “AY PISTE KA!!! MANYACLE ZOMBIE KA NA TALAGAAAAA!!!” Hinampas ko siya ng kahoy. “Hindi mo ako kakainin hangga’t may hininga ako, char!” Pero sa halip na kagatin ako, napahinto siya. “TINAY... your voice... it calms me...” “Ay wow. May pa-romance sa gitna ng kadiliman?!” sabi ni Becky habang nagtatago sa likod ng isang puno. Tapos ayun na biglang may zombie na tumalon galing sa bubong (ewan saan galing yung bubong, wala namang bahay). “AAAAHHH!!! HELP!!!” sigaw ni Becky habang hinahatak siya ng zombie papunta sa gilid. “BECKYYYYY!!!” sigaw ko sabay takbo. “BESTIEEE!!! AYOKO PANG MABITIN SA LOVE LIFE!!!” Hinila ko siya, pero hawak pa rin siya ng zombie sa bewang. “TINAY!!! Pakitulungan ako! May abs yung zombie pero ang lagkit ng kamay!” “BECKY WAG KANG MAGFOCUS SA ABS!!!” “EH ANG GANDA NG ANGLE EH!!!” In fairness, oo nga may lighting pa kahit gabi. Biglang KRAAAASH!!! dumating si Manyacle, ngayon full zombie mode na pero may pagka-maangas pa rin. May buhok na humahampas sa hangin, tapos yung boses parang may reverb. “TINAAAYYYYY... I AM... MANYACLE ZOMBIE...” “PUTIK. OFFICIAL NA TALAGAAAA.” “STAY BACK. AKO NA BAHALA SA MGA ZOMBIE NA ‘YAN.” Biglang tumili si Becky. “AAAAYYYY!!! GRABE! MANYACLE ZOMBIE NA PERO ANG HOT PA RIN! ANG BRIEF MO LUMIPAD PERO ANG DIGNITY MO NANATILI!!!” “BECKY SHUT UP!!!” sigaw ko habang tinatakpan ang mata ko. Pero totoo nga habang nilalabanan ni Manyacle yung mga zombie, parang superhero sa pelikula. May slow-mo pa! Zombie 1 suntok, lipad! Zombie 2 tadyak, sabog! Zombie 3 hinipan lang niya, napunit sa ere! “WOOOOH!!! GANYAN KA RIN SANA SA KAMA, MANYACLE!!!” sigaw ni Becky sabay tawa ng malakas. “BECKY!!!” Biglang nilingon siya ni Manyacle, sabay ngisi na parang half-human, half-demonyo. “Becky...” “Y-Yes, papi?” “RUN.” “OKAY THANK YOU HAHA BYE!” sabay talon si Becky sa kanal. Lumapit ako kay Manyacle, nanginginig pa rin siya. “Manyacle... uncle... please... wag kang susuko.” Tinignan niya ako ng malalim. “TINAY... promise me... kapag tuluyan akong naging halimaw... ikaw ang kakain sa akin.” “Ay sorry, hindi ako mahilig sa exotic food.” Ngumiti siya. “May humor ka pa rin.” “Of course, kahit end of the world na, dapat maganda pa rin ang timing!” Tapos KAAAABOOM! sumabog yung paligid, nagliparan ang zombie. Sa gitna ng usok, nakatayo si Manyacle may ningning sa mata, parang sinasagupa lahat ng kalaban. Tapos may biglang zombie ulit na tumalon... papunta kay Becky! “AAAAAAHHHH!!! MAY GWAPO ULIT PERO ANG LAWAYYYY!!!” “BECKY RUNNNN!!!” Pero hinila siya ni Tinay, sabay WHAAAACK! gamit ang isang frying pan na nakita sa lupa. “Ang dami mong eksena, beshie!!!” “Eh gusto ko lang naman ng boyfriend kahit zombie!!!” “ETO NGA! MARAMI DITO OH!!!” sabay turo ko sa paligid. Lahat sila sabay sigaw ng “BRAAAINS!!!” “AY OKAY NA KO! NEXT TIME NALANG!!!” Natawa ako ng malakas kahit nanginginig sa takot. At sa gitna ng lahat ng kaguluhan, biglang tumigil si Manyacle at tumingin sa amin. Tinignan ako ng diretso sa mata ngayon kalahating zombie na siya pero may ngiti pa rin. “TINAY... I may be dead... but my heart still beats for you...” Sabay bumagsak siya. “Uncle!!! MANYACLEEEE!!!” sigaw ko. Tapos sumigaw si Becky sa likod, “AAAAHHHHH!!! ANG DAMI NILA ULIT!!! MGA ZOMBIE NA GWAPO!!! HEEEELP!!!” Hinila ko si Manyacle habang papalapit ang mga nilalang. “Manyacle, wag kang bibitaw! Zombie ka na, gagi, pero ikaw pa rin ‘to!” Sa hangin, narinig ko yung mga ungol ng zombies “Braaaains... Chupapi... Yummy... Braaaains...”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD