CHAPTER 15
TINAY POV
Tangina talaga si Becky. As in habang nasa gitna kami ng end of the world, gutom, pawis, at amoy patay na daga ang paligid, siya pa talaga ang may lakas ng loob magtitili na parang nag-audition sa Tawag ng Tanghalan.
“GIRL!!! GIRL!!! TINAY!!! MAY NAKUHA AKONG APAT NA CUP NOODLES!!!” sigaw niya habang tumatakbo palabas ng convenience store na may yakap-yakap na dalawang supot ng pagkain.
“Beh! BEH! Tumigil ka! Huwag kang tumakbo ng parang drag queen sa biyahe!” sigaw ko habang sumisilip sa likod, baka may zombie sumunod. “Nasa apocalypse pa rin tayo!”
Pero wala siyang pakialam. Nagsi-skip pa nga at sumasayaw-sayaw sa gitna ng kalye.
“Ay, Diyos ko!” bulong ko. “Boang talaga tong baklang to…”
Kasunod niyang sumulpot si Manyashik naglalaway pa rin at may dugo sa gilid ng labi. Pero dahil kakampi namin siya, hindi ako sumisigaw. Ngayon sanay na sana ako sa laway niya, pero nagugulat pa rin ako kapag tumutulo iyon sa balikat ko nang walang abiso.
“Grrrraaah… Ti… naaaay…” sabi niya habang tinuturo ang supot ni Becky.
“Oo na, oo na, nakakuha kami ng pagkain, hindi mo kailangang bigkasin na parang nagkukulang ka ng baterya,” sagot ko, sabay tawa.
Pero si Becky-eto na naman siya.
Nakatayo siya sa tabi namin, pero halatang hindi mapakali. Kasi yung isang zombie na pogi, yung celebrity-look-alike na nakita namin kanina, biglang lumapit ulit. Naka-abs pa rin kahit bulok. Bagong labas sa fitness magazine kahit may sira ang isang tenga.
“Grrraaahh…” sabi nung zombie-pogi habang nakatitig kay Becky.
Napatili na naman ang alma mater kong bakla.
“Ayyyyy!!!!! Ay babyyy koooo!!” sigaw niya sabay tatakbo papunta sa zombie. “Tinay! TINAY! HINDI KO TO KAYA! Ang gwapo niya kahit amoy panis na tapa!”
“Becky-WAG!” sigaw ko.
Pero huli na.
Niyakap niya yung zombie. Hindi lang basta yakap. As in yakap na parang ex niyang bumalik at nag-sorry with ten thousand pesos.
“GIRL! HUWAG MONG YAKAPIN!” sigaw ko habang kinikilig at natatakot at nahihiya all at once.
Pero hindi talaga nag-iisip si Becky.
Ginawa niya yung pinakabaliw, pinakaayaw kong makita…
Hinawakan niya ang abs.
Yes.
As in hinimas ang ABS NG ZOMBIE.
SUMIGAW PA.
“Aaaaaaaahhhhhh ang firm!! Girl, parang nagwo-workout pa rin siya kahit patay naaaa!!!”
“BECKY PUTANG INA MO! GUSTO MO TALAGANG MAGING UTAK MEAL?!” sigaw ko.
Pero ang mas masama?
Hindi niya ako narinig.
Kasi nagsisimula na siyang MAGPANGGAP NA ZOMBIE ulit.
“Grrr… grrr… garrraaahhh… hello baby…” sabi niya na parang nagpa-pose pa.
Tangina. Napahawak ako sa noo ko. Ako na lang ata ang normal dito.
Hindi pa siya natigil.
Hinawakan niya ang panga ng zombie. Hinila papalapit.
At hinalikan sa cheek.
YES. HINALIKAN.
Sa cheek ng zombie na amoy lupa, dugo, at expired na chicharon.
“Ayyyyyyy!!! Bakit ang lambot ng cheek kahit bulok???” tili niya.
“BECKY!!! ANO BA!” sigaw ko habang hinahabol siya.
Pero hindi pa tapos.
Yung zombie COMMENDED ANG GALING NIYA nakatingin kay Becky na parang confused pero hindi umaatake. Parang gusto niya rin yung attention. Parang artista talaga sanay sa fans.
Bigla siyang nagpose ng parang nasa poster. Chest out. Abs out. Slight turn ng ulo.
“Girl…” sabi ko, tulala. “Nagpo-Pose siya?”
“YESSS!!! CELEBRITY ZOMBIE TO!!!” tili ni Becky. “TINAY! GANDA KO DIBA?!”
Pero hindi pa nagtatapos ang kabaliwan.
Napansin ko si Manyashik sa gilid, nakatingin sa amin, lalo na sa zombie-pogi. Unti-unti siyang naglalaway nang mas grabe. Nagdi-deep growl. Parang galit.
“Ummm… Tinay…” sabi ni Becky habang nakatayo sa gitna ng dalawang zombie. “Girl… parang… nag-aagawan sila sa akin?!”
“Hoy! Hindi ikaw ang issue dito!” sagot ko. “Si Manyacle nagseselos kasi lumalapit ka sa ibang zombie! Hayop ka Becky!”
“OH MY GOD! MAY LOVE TRIANGLE?!” tili niya.
Napahawak ako sa dibdib ko. “Beh… wag mo kaming gawing K-drama sa gitna ng apocalypse!”
Pero ayun na nga. Naglakad si Manyashik papalapit sa pogi-zombie. Nagtititigan sila. Ungol dito, growl doon. Parang nag-uusap sila in zombie language.
“Grrrrr… mine…” sabi ni Manyashik habang nakatingin sa akin.
“Oo girl,” sabi ni Becky. “Sinabi niyang kanya ka!”
“A-Ako nga ba???” tanong ko.
“Oo, ghorl. Kahit laway form, may feelings talaga siya sa’yo,” sagot niya.
Namula ako.
Tangina.
Zombie apocalyptic s**t pero kinikilig pa rin ako.
“Grrrraaahh… Ti… nay…” bulong ni Manyashik habang lumalapit sa akin, hawak ang braso ko.
Napasinghap ako. Kasi kahit malamig ang kamay niya, parang may natitirang init. Parang may memory siya ng dati niyang sarili. Parang alam niya kung sino ako.
“Manyacle…” bulong ko.
“Eeeeeeeeeeeeeeeehhhhhh!!!” sigaw ni Becky habang umiikot. “Girl! GIRL! Zombie boyfriend material!!!”
Tinignan ko si Becky na hindi ko na alam kung iiyak ko ba o tatawa.
“Becky… please. Kumalma ka. Hindi ako makapag-focus.”
“Girl! Ikaw pa magsasabing kumalma ako??? Eh ikaw tong nilalandi ng zombie! HAHAHAHAHA!”
Bago pa ako makareact, biglang hinila ako ni Manyashik papalapit sa dibdib niya. Tapos
Shit.
Shit talaga.
NILAPIT NIYA ANG NOO KO SA NOO NIYA.
“Grrr… pro… tek… ta…” bulong niya.
Hindi ko alam pero may kumislot sa puso ko. Para bang kahit wala na siyang salita, naiintindihan ko pa rin siya.
“Manyacle…” bulong ko ulit. “Hindi mo kami iiwan, diba?”
Umungol siya ng malalim. Parang oath. Parang sumpa.
“Grraaaaah… you…”
Hindi pa niya natatapos yung salita pero nagkakahulugan na.
Si Becky naman nasa gilid, umiiyak na parang nanalo ng Miss Universe.
“Ay girl… ay girl… ibang level ang love story mo…”
Pero biglang sumigaw ulit siya.
“Teka!!! Yung zombie date ko!!!”
Kasi yung pogi-zombie, lumapit ulit. Tapos humawak sa bewang niya.
“Ayyyyy babyyy ang clingy moooo!!!”
Natawa ako nang sobra.
Kahit end of the world na, itong bakla ko pa rin ang pinakamasaya at pinaka-wild.
At sa gitna ng kaguluhan, sa gitna ng laway, dugo, kaba, takot, at abs ng isang celebrity zombie… napagtanto ko:
Hindi kami basta-basta magugutom.
Hindi rin kami basta-basta bibigay.
At kahit zombie ang iba…
May love. May tawa.
At may chance kaming mabuhay kahit puro katangahan ang ginagawa namin.