Pagpapanggap Bilang Zombie

1238 Words
CHAPTER 14 THIRD PERSON POV “Aaaaay wait lang! Tinay! Tinay! Tinay! Tangina, bakit ang lapot ng laway ng jowabels mo?!” sigaw ni Becky na halos mabilaukan habang pinupunas ang malapot, malamig, at mabahong laway na ipinahid ni Manyashik sa pisngi niya. Ngising-ngisi si Manyashik kahit zombie na. “Grrraaaah… b-b-beeeh… k-ka… pag… a… min… z-zom… zooombie… p-p-paaara… s-safe…” garalgal nitong boses na parang galing sa sirang blender. “TANGINA KA! Bakit parang epoxy??! Amoy patay na daga na nilublob sa suka!” tili ni Becky sabay talon palayo pero hinila na siya ni Tinay. “Tigil na kakareklamo, beh! Kailangan natin ‘to para hindi tayo maamoy ng mga zombie!” sabi ni Tinay habang pinapahid din ang laway sa braso niya habang nakapikit dahil sobrang kadiri. “Hmp! Kung magiging Darna ako pagkatapos nito, okay lang! Pero kung hindi… Diyos ko, sayang naman ang beauty ko!” drama ni Becky habang nanginginig ang baba. Tumulo pa lalo ang laway ni Manyashik sa baba niya at bigla nitong kinuha ang isang dakot, tapos walang sabi-sabi PINAHID PA ULIT SA NOO NI BECKY. “AaaaaaAAAAAAY PUTANG INAAA!” hysterical na sigaw ni Becky na tumili nang mas mataas pa kaysa sa mga butiki sa kisame. “TINAY!!! Bakit parang may kumikiskis na mantika ng kawaling di hinugasan sa noo ko?!” Tinatawanan na si Tinay kahit kinakabahan. “Beh, mas ok na yan kaysa maagaw utak natin.” “Girl, kung ako ang kainin ng zombie, dapat cute! Hindi ganitong pawis at laway combo meal!” reklamo pa ni Becky habang nag-aalburoto. Sa gilid naman, si Manyashik nakatayo lang, tulala, pero may halong kakaibang glow sa mata tuwing tinitingnan si Tinay. Kahit zombie na siya, ilang ulit pang gumulong ang laway mula bibig niya. “Ghhhrrrr… T-Ti… naaay… g-ganda…” ungol niya na parang may auto-tune na nasira. “Oo na Manyacle, salamat sa laway service,” sagot ni Tinay sabay facepalm. Naglabas si Becky ng isang malaking notebook na puno ng doodles, stickers, at glitter. “Ito na, girls… ang pinanghahawakan ko sa buhay… ang BECKY SURVIVAL GUIDE TO CHAOTIC APOCALYPSE AND CHAROT!” Napasimangot si Tinay. “Seryoso talaga ‘yan?” “Girl, wag mo kong minamaliit! Ako lang ang baklang may guidebook na may Chapter 4: Paano Pumasok sa Convenience Store na Parang May Runway Call Time!” Nagpa-zombie sound pa siya habang nagfliflip ng pahina. “Hrraaaah… Unnnghhh… O ha! In character kagurl!” Nagroll eyes si Tinay habang pinipigilan tumawa. “Beh, ang arte mo kahit end of the world na.” “Artista ata ako sa past life! Hindi ko choice maging fabulous!” sagot ni Becky habang sumasayaw pa ng konti. Lumakad na silang tatlo palabas ng lumang gusali. Kasama nila si Manyashik at isa pang zombie na kasama nito isang payat, kalbo, at simangot na zombie na may tag na “B-13” sa damit. Wala naman itong naiintindihan, pero sumusunod lang siya kay Manyashik parang bodyguard. Pagbukas pa lang ng pinto, tumambad sa kanila ang sangkatutak na zombie na naglalakad-lakad, umuungol, nagluluwa ng dugo, at may halong langaw sa katawan. “Ay beh… beh… ano bilang nila? Parang isang barangay,” bulong ni Becky na nanginginig. “Heto na,” sabi ni Tinay. “Magpanggap na tayo.” “GRRAAAAAHHHHH” biglang sigaw ni Manyashik. “Hoy! Wag ka sumigaw! Ma-attract mo sila!” sermon ni Becky sabay pitik sa noo ni Manyashik. “Grrrr… s-sorry… b-bebe…” bulong ng zombie habang sumasabog ang laway. “Ay, tinawag ka niyang bebe,” kantiyaw ni Becky. “Ghorl, kahit patay na siya, charing pa rin sa feelings!” Namula si Tinay. “Hindi ko yan papatulan” Pero bago pa siya matapos magsalita, biglang lumapit ang zombie Manyashik, hawak ang braso niya, at hinila itong palapit. Nakatitig sa mukha niya, parang may natitirang alaala. “Ghhrrr… pro…tek… tan… kita…” At bigla itong lumuya, tapos dinilaan ang isang daliri niya at mas maingat na pinahid sa leeg ni Tinay. Napasinghap si Tinay. “Manyacle… sobra na ‘yan…” “Girl…” sabi ni Becky na may ngiting malandi, “may asim pa talaga ang friend ko kasi kahit zombie nagpapahid sa kanya parang lotion.” “Ano baaaa!” sigaw ni Tinay sabay talikod, pero halatang kinikilig. “Tama na kilig! Let’s go!” sabi ni Becky. Huminga silang malalim literal na pigil ang hininga dahil amoy patay na pusa ang paligid. Naglakad sila nang mabagal, gumagalaw na parang zombies. “Grrraaah…” kunyari ni Tinay. “Unggghhhh…” kunyari ni Becky na parang nagpapakitang gilas pa sa acting. “Girl, dapat may sway! Zombie na fierce!” Sumayaw pa ng konti ang balakang niya. “BECKY!” bulong ni Tinay. “Fine, fine… pero dapat realistic!” Biglang dumaan sa harap nila ang apat na zombie. Huminto sila. Pigil hininga. Pigil galaw. Unti-unti silang nilapitan ng isa. Naamoy sila. Pumapalpit ang dibdib ni Tinay. Tumingin ang zombie sa kanya, halos ilalapit ang ilong sa leeg niya. “SHET. SHET. SHET. SHET,” bulong ni Becky. Biglang naglabas ng tunog si Manyashik malalim, garalgal, at parang nagwa-warning. “GRRRRRR… AAAAAAHHHH… AAAHH!” sabay tapik sa balikat ng kabilang zombie. Parang kinilabutan ang zombie at umatras. Sumunod ang iba. Parang ina-assert ni Manyashik na territory niya si Tinay. “Becky…” bulong ni Tinay. “Inangkin ako” “Oo girl, gusto ka! Zombie na nga, possessive pa rin! Sana all may shota sa apocalypse!” sabay palo ni Becky sa hangin. Nagpatuloy sila sa paglakad papunta sa convenience store. Pagdating nila doon, sobrang daming zombies sa paligid. Nagtitilian sa loob, may nagkakaladkad ng softdrinks, may nagpapagulong ng cart, may zombie na nakaposas sa aisle. “Okay…” sabi ni Becky habang nagbubukas ng notebook. “Chapter 4: Entering a Convenience Store Gracefully While Surrounded by Dead People.” “Becky… Hindi ‘to time magbasa!” bulong ni Tinay. Pero bago pa sila makagalaw, biglang lumabas ang isang matangkad na zombie na may perfect abs kahit bulok ang katawan. Napatili si Becky. “Ayyyyy puta siya!!! May ABS!!! ZOMBIE PERO MAY ABS??? GRABE LORD ANG BIASED MO SA MGA POGI!” Tumigil ang zombie at tumingin kay Becky. “Gwwrrrraaah?” tanong nito na parang confused na confused. Umirap si Tinay. “BECKY! Gumalaw ka!” Pero hindi gumalaw si Becky. Tumitili. “TINAY! ANG POGEEE!!! KAHIT BULOK! KAHIT MAY MATA PA SA KILAY! MAY ABS PA RIN! AY MAY SHREDDED n*****s AAAH!” Biglang lumapit ang zombie na pogi. Lalapit sana kay Becky Pero hinarangan ni Manyashik. “GRRRRRRRRRRRR!!!” boses niya na may echo at galit. Nag-stare down ang dalawang zombie. “OMG!!!! NAG-AAGAWAN SILA SA AKIN???” sigaw ni Becky na sobrang excited. “Hindi BECKY! Hindi ikaw ako!” sagot ni Tinay. “Ay oo nga. Sorry. Feelingera ako minsan.” Nag-away growl ang dalawang zombie parang dalawang aso. Sa huli umatras ang abs-zombie. Mukhang nah intimdate kay Manyashik. “HAAAAY!” buntong-hininga ni Becky. “Muntik na ‘kong maging zombie bride!” “Focus!” sabi ni Tinay habang hinihila ang dalawa papasok sa convenience store. At doon nagsimula ang kaguluhan. Zombies sa loob. Zombies sa labas. Si Becky nagtitili. Si Manyashik naglalaway. At si Tinay… hindi na alam kung paano siya nakaligtas sa pagiging halimaw-snack. At ang lakad nila, gulong ng buhaybat laway ni Manyacle ay magsisimula pa lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD