Unsuccessful Invention

1193 Words
CHAPTER 9 THIRD PERSON POV Sa mismong araw na iyon, habang abala si Tinay sa pagsasalin ng mga labeled blood vials sa cold storage compartment, hindi niya alam na sa kabilang dulo ng laboratory ay may nangyayaring hindi niya dapat makita. Tahimik ang buong pasilidad, mas tahimik kaysa sa normal. Wala ang mga usual na biruan ng staff, wala ring maingay na pag-click ng mga machines na parang may sariling buhay. Ang tanging naririnig ay ang pag-ikot ng ventilation system at kaluskos ng mga glove nila habang nagtatrabaho. Sa loob ng isang restricted room, naroon sina Sergio at Jessa kasama pa ang tatlong senior researchers—lahat seryoso, lahat nakatayo na parang may kinukubli. Doon nakahiga ang isang lalaki na kinuha nila mula sa isang injection experiment volunteer program, pero hindi alam ng volunteer ang totoo—hindi iyon gamot. Hindi iyon vaccine. At lalong hindi iyon para sa anumang regulatory-approved trial. Ito’y parte ng black project ng kanilang Boss. “Tama na ang adjustments. Ipasok na,” utos ni Jessa habang pinapahid ang pawis sa noo kahit malamig ang aircondition. “Ayusin mo ah,” bulong ni Sergio sa intern niya. “’Wag kang papalpak. Isa lang dapat ang outcome nito.” Nanginginig ang kamay ng intern pero maingat niyang itinurok ang glass syringe sa braso ng lalaki. Mabagal ang pasok ng likido kulay mapusyaw na berde, halos parang glow-in-the-dark kapag tamaan ng ilaw. Tahimik lamang ang lahat habang mino-monitor ang vitals sa monitor. Isang minuto ang lumipas. Dalawa. Sa pangatlo, biglang bumilis ang t***k ng puso sa monitor at naglabas ng malalim at guttural na ungol ang lalaki. Nagtinginan ang lahat, pati si Sergio napaatras. Kumislot ng malakas ang volunteer, para bang bigla itong binuhusan ng apoy. Tumayo ito nang hindi dapat nakakatayo, halos tumilapon ang restraints. “Tangina… hindi na naman stable…” bulong ni Jessa, nanginginig. “Side reaction na naman!” “Hindi side reaction ‘yan failed na naman!” sagot ni Sergio. Bigla itong nagwala. Sumigaw nang malakas, parang hayop. Unti-unting nagbago ang balat, nagkaroon ng mumunting sugat na humihiwang parang may gustong lumabas mula sa ilalim. Namutla ang mga mata, tila walang kaluluwa. Lalong lumala ang pag-ungol, naging garalgal, mababa, parang sa isang nilalang na hindi tao. “Buksan ang sedation valve!” sigaw ni Sergio. “Hindi gumagana!” sigaw ng isa. Mabilis na tuwid ang katawan ng lalaki at biglang lumundag pababa sa kama. Isang iglap lang, tinulak nito ang malaking metal cabinet at napabagsak ang ilaw, dahilan para magsimula ang chaotic alarm. “RUN!” sigaw ng isang staff. Nang madala nito sa pinto ang bigat ng katawan nito, napilas ang lock. Walang inaantala, lumabas ang nilalang sa corridor—at doon nagsimula ang totoong impiyerno. Sa kabilang pasilyo, nagulat si Tinay nang biglang mag-red alert ang hallway lights. Napalinga-linga siya, hawak pa ang isang tray ng blood samples. “Ha? Earthquake drill ba ‘to?” Then narinig niya ang sigawan. Mabilis. Sunod-sunod. At may halong matitinis na hiyawan na hindi pang-drill. “Tinay, tumakbo ka!” sigaw ng isang staff na dumaan sa harap niya at halos matumba. “Bakit? Anong nangyayari?” tanong niya, pero hindi na siya sinagot. Takbo ang lahat. Takbo nang may halong takot, takbo na parang may sumisilo sa kanila. Kung hindi lang bumukas mismo ang pinto ng Research Corridor 4, hindi sana nakita ni Tinay kung ano ang lumabas doon. Isang nilalang, dating tao, pero hindi na iyon ang nakahiga kanina. Nakayuko ang ulo, nanginginig ang mga braso, may dugo sa leeg. Isang staff ang kumawala sa corridor, pero bigla itong sinunggaban ng creature at doon unang tumama kay Tinay ang totoo. Hindi iyon experiment. Hindi iyon vaccine. Isa iyong halimaw. At nabubuhay. Nanigas ang buong katawan ni Tinay habang nakikita ang pagkagat ng creature sa braso ng staff, halos mapunit ang laman. Umalingawngaw ang sigaw sa hallway. Tumalsik ang dugo sa sahig, pati sa lab coat ng isang nakatayo sa malayo. “TUMAKBO KA, TINAY!” sigaw ni Sergio mula sa kabilang dulo, pero hindi tumitingin sa kanya. Takbo lang siya nang takbo, hinahatak ang isang nurse. Pero hindi makagalaw si Tinay. Parang nakadikit ang sapatos niya sa tiles. Hindi niya napansin na may isa pang cage sa loob ng corridor na nabasag sa pagsalpok kanina. Doon lumabas ang dalawa pang hayop isang unggoy at isang malaking bio-modified dog. Parehong may pula at dilaw na ugat na kumikislap sa ilalim ng balat. At bigla silang tumakbo sa direksiyon ng mga tao. Isa-isang nagtakbuhan ang lahat. May kumalamon, may natumba, may sumigaw, may nadulas sa sarili nilang dugo. Chaos. Pure chaos. Hinila ni Tinay ang sarili. Tinalikuran ang lagim at tumakbo nang mabilis. Muntik na siyang madapa sa bandang pinto, pero naabutan siya ng isang babae mula sa admin section. “Tinay! Dito tayo!” Ngunit sa mismong paglingon ni Tinay, nakita niya si Jessa nakangiti. Nakapamulsa. Hindi tumatakbo. Parang nanonood ng sine. Hindi niya iyon maiintindihan. “Dr. Jessa, bakit hindi ka” Ngumisi ito. “Hindi naman ako target. Hindi ako kasama sa disposable list.” “Ha?!” “Tinay, umalis ka na. Hindi ka dapat mamatay today. Hindi ka part ng plano.” Plano? Hindi na ito nasagot dahil biglang may sumabog na test chamber. Niyanig ang buong pasilidad. Lumipad ang glass shards. Nawala ang ilaw at naging pulang emergency lights lang ang nagbigay-kulay sa lahat. Napalakas ang takbo ni Tinay, halos hindi na humihinga. Tumalon siya palabas ng shattered window sa side hallway papunta sa fire exit. Sumakit ang tuhod niya pag-landing, pero tumakbo pa rin. Mas mabuti nang masaktan kaysa maging pagkain ng halimaw sa loob. Pagdating niya sa parking area, sumalubong sa kanya ang limang staff na may sugat at puro dugo ang damit. “Tinay, bakit ka dito?! Ligtas ka daw sabi ni Ma’am Jessa!” sigaw ng isa. Pero wala siyang sagot. Wala siyang oras. Wala siyang lakas para mag-isip. Nakita niyang papalabas ang isa pang creature mula sa basag na glass wall. Patakbo. At gutom. “RUN FOR YOUR LIVES!!” At tumakbo ang lahat. Parang nagkandarapa. Parang mga langgam na ginulo ang kolonya. Nang makalabas si Tinay sa gate, hingal na hingal, nanginginig, halos hindi makapagsalita, naramdaman niyang bumagsak ang luha niya. Hindi niya alam kung takot, gulat, o dahil sa hindi niya maintindihan ang sinabi ni Jessa. Disposable list? Hindi kasama? Bakit siya ligtas? At anong klaseng experiment ang ginawa nila? Nang makasakay siya sa isang dumadaan na shuttle papuntang main highway, napayakap siya sa sarili. Ang kamay niya nanginginig pa rin. May bahid ng dugo na hindi niya alam kung kanino. Ang isip niya magulo. Pag-uwi niya sa mansion, walang ibang laman ang utak niya kundi ang eksenang iyon: Isang lalaking naging hayop. Mga kagat. Dugo. Sigawan. At ang tanong na mas nakakakilabot: Sinadya ba nilang pakawalan? Sa labas ng shuttle, nakita niya ang unang news alert sa giant billboard na sinisira ng static: “UNIDENTIFIED OUTBREAK SEVERAL DEAD AUTHORITIES ON HIGH ALERT.” At doon nagsisimula ang horror ng Pilipinas. At ang sikreto ng mga kasama niya sa laboratory. At ang bangungot na hindi niya inasahang sasakmal sa buong mundo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD