Walang ka Alam-alam

1173 Words
CHAPTER 8 TINAY POV Pagmulat ko ng mata kinabukasan, ang unang sumalubong sa akin ay yung amoy ng kape. Hindi amoy instant amoy serious brew, yung tipong mayabang pero masarap. Napabalikwas ako ng bangon, medyo hilo pa sa antok, pero paglabas ko ng kwarto ay nandoon siya. Sino pa ba. Manyacle. Naka-white shirt na maluwag, medyo gusot, nakabukas ang dalawang button sa taas, naka-kape habang nakasandal sa kitchen counter na parang nagpo-pose sa billboard. “Good morning, Sleeping Alien,” sabi niya habang nakataas ang kilay. “Alien agad?” “Oo. Kasi kahapon mukha kang pagod na pagod sa kaka-experiment. Akala ko sasabog ka.” “Tss. Hindi naman ako mutant.” “Sa akin, oo. Mutant ka na sa kilig.” “UNCLE!!!” Tumawa siya nang malakas, yung tipong parang siya lang ang nag-e-enjoy sa pang-aasar niya. Ako naman, tinatago ko na lang ang kilig sa ilalim ng patong ng pagtataray. Paglapit ko sa mesa, may nakahanda nang food garlic spam, sunny side up eggs, at toasted bread. Nilagyan pa niya ng hotdog. Alam na alam ko na, siya talaga nagluto. “Okay, bakit?” tanong ko. “Ba’t may special breakfast? Lagi ka na bang ganito? Nag-e-effort?” “Syempre,” sagot niya sabay tikim ng kape. “Kasi pag gutom ka… nagiging masungit ka. Tapos pag masungit ka… hindi ka cute.” “Excuse me,” sagot ko, “cute ako kahit tulog.” “Cute ka lang kapag hindi mo ako inaaway.” Umupo ako at nagsimula nang kumain. Siya naman, tumabi pa sa akin. Literal na tumabi. Yung halos magdikit yung braso namin. “Uncle…” sabi ko habang ngumunguya, “pwede bang lumayo ka nang konti?” “Ha? Bakit naman?” “Ang lapit mo.” “Eh bakit? Ang bango mo.” “Ang aga-aga mo, manyak ka na kaagad.” Tumawa siya. “Joke lang. Medyo.” Pero ayun na naman yung tension. Yung kilig na ayaw ko pero gusto ko. Yung parang may magnet na hinihila ako kahit gusto ko lumayo. Pagkatapos naming kumain, nagbihis na ako para pumasok sa trabaho. Suot ko na naman yung lab attire ko, medyo fit pero hindi ko kasalanan yun yun ang standard uniform namin. At siyempre, si Manyacle… tinitigan ako mula ulo hanggang paa. “Tinay…” “Ano na naman?” “Mas bagay sa’yo yung may jacket.” “Ha??” “Kasi… kasi…” “Teka, why?” Umikot siya palapit at marahang isinara ang zipper ng lab coat ko na hindi ko pa pala natataas nang buo. Hinawakan niya iyon nang ilang segundo. Tumingin siya sa mata ko. “Kasi ayokong tinititigan ka ng iba.” bulong niya. Shit. Napalunok ako. “U-Uncle naman…” “Anong ‘naman’? Tama ako.” Huminga ako nang malalim. “Aalis na ako.” “Sige,” sagot niya. “Pero bago ‘yan…” Lumapit siya ulit. Mas malapit. At bahagyang hinalikan ako sa noo. “Take care, Tinay.” Pak. Kilig ulit. “Um… thank you,” sagot ko, sabay talikod agad. Pagdating ko sa laboratory sa Cavite, bumalik ako sa mode na Scientist Tinay, hindi kikiligin-dahil-sa-Uncle Tinay. Pagpasok ko, nandoon na agad sina Sir Sergio at Dr. Jessa. “Tinay! Morning!” bati agad ni Dr. Jessa na parang laging hyper. “Good morning po.” Ngumiti ako kahit medyo sabog pa utak ko sa ginawa ni Manyacle kanina. Si Sir Sergio naman, seryoso as always. Nakasalamin, may hawak na tablet, nagbabasa ng mga graph at data. “Let’s review the samples from yesterday,” sabi niya. “Kung swerte tayo, makakakuha tayo ng mas stable na reaction.” “Ako po mag-a-ayos ng reagents,” sabi ko. “Good,” sagot niya. “Ikaw na pinakamabilis d’yan.” Pagpasok ko sa clean area, inayos ko ang gloves, nagsanitize, at nagsimula nang mag-setup. Habang inaayos ko yung mga vial, naririnig ko sa labas ang bulungan nina Jessa at Sergio. Hindi ko masyado pinansin sanay na ako na sila laging nag-uusap tungkol sa results at next steps. Kumuha ako ng sample tube ng human-animal reactive serum, inilagay sa rack, at sinimulan ang paghalo ng catalyst solution gamit ang micropipette. “Steady ka lang, girl,” bulong ko sa sarili. “Huwag mo isipin yung noo kiss. Focus, focus.” Pero hindi ko mapigilan eh. Bumabalik sa isip ko yung bigat ng kamay ni Manyacle sa balikat ko. Yung lambot ng boses niya. Yung init ng hininga niya nung sinabi niyang ayaw niyang tinititigan ako ng iba. Napakagat-labi ako. Diyos ko. “Tinay, okay ka lang?” tanong ni Dr. Jessa mula sa pintuan. “A-ah! Opo, Doc. Okay lang. Nagfofocus lang.” “Good. Kasi sa’yo nakasalalay ‘tong batch na ‘to. If successful, we’ll move to the next stage.” Tumango ako. Tuloy ang trabaho. Kahit may kakaibang tension sa likod ng utak ko na hindi ko ma-pinpoint. Habang nagmi-mix ako ng reagents, bigla na namang pumasok si Sergio at sumilip sa ginagawa ko. “Linisin mo yung outer layer kapag lumamlam ang color,” sabi niya. “Yes po, Sir.” Tahimik lang silang pareho, pero parang… may something. Hindi ko alam kung imagination ko lang, pero pakiramdam ko mas masigla sila ngayon. Parang excited sa hindi ko alam na dahilan. Pagkatapos ng halos isang oras, nagdala ako ng tray ng samples papunta sa incubator area. “At last,” sabi ni Jessa sabay ngiti na parang may tinatago. “Perfect timing.” “Ha?” tanong ko. “Wala! Good job, Tinay. Sobrang helpful mo today.” Ngumiti ako. Pero nagtataka rin ako. Habang nag-aayos ako ng documentation sa station ko, napansin kong lumapit sila Sergio at Jessa sa kabilang mesa. Nagbubulungan. Mabilis. Parang nag-uusap tungkol sa oras, schedule, at… next delivery? Pero alas, hindi ako nakikinig nang buo. Kailangan kong mag-focus sa encoding. Bobo pag nagkamali sa numbers. Kahit ganon, hindi mawala yung weird feeling sa tiyan ko. Pero agad ko ‘yung inalis sa isip ko. Marami lang siguro silang work. Gan’on talaga ang scientists—lagi may tinatago kapag may inooobserbahan. Tuloy ako sa trabaho hanggang tanghali. Nag-lunch lang ako saglit, pagkatapos balik agad sa pag-monitor ng samples. Umabot ako hanggang matapos ang shift ko, at kahit pagod, proud ako na productive ang araw. Masaya ako na may nagawa akong progress today. Masaya ako na hindi ako napagalitan. Masaya ako na… …mamaya, makikita ko ulit si Manyacle. “Bye, Tinay!” tawag ni Dr. Jessa habang palabas ako. “Ingats!” dagdag ni Sergio. “Thank you po! Ingat din!” sagot ko, sabay ngiti. Lumabas ako ng laboratory dala ang pagod, pero may kakaibang excitement sa dibdib ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa progress ng experiment… O dahil sa isang taong nagluluto ng sinigang kagabi. Okay fine. Alam ko. Alam kong si Manyacle ang dahilan. Habang naglalakad ako palabas, napangiti ako mag-isa. “Uncle… see you later.” At wala talaga akong alam na may ibang sikretong umiikot sa paligid ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD