CHAPTER 7
MANYASHIK POV
Pagod na pagod ako buong araw sa kumpanya. Ang daming pinirmahang papeles, mga meeting na parang walang katapusan, at mga empleyadong hindi marunong mag-decide nang hindi ako tinatanong. Kaya pag sumapit ang gabi, automatic Tinay na naman ang pumapasok sa isip ko.
Shit. Bakit ba ang hirap kalimutan ng itsura niya kaninang umaga?
Ang lab attire na halos yakap-yakap ang katawan niya.
Yung dibdib na walang bra…
Yung tikwas ng ngiti niya…
Napahawak ako sa ulo ko. “Tangina, Manyacle, tama na. Focus. Hindi ka manyak… hindi ka manyak… minsan lang.”
Pinilit ko na lang tapusin ang natitirang pirma bago ako tuluyang umuwi.
Pagkarating ko sa mansion, tahimik. Walang ilaw sa sala. Walang maingay na yabag. Walang “Uncle, I’m home!!”
Napatigil ako sandali.
Wala pa si Tinay.
Kaya nagluto muna ako.
Kahit hindi ako chef, marunong naman ako. Fried chicken, garlic butter rice, tapos sinigang yung tipong comfort food kasi alam ko pagod siya sa laboratory. I set the table habang naka-apron pa ako na may nakasulat na “Kiss the Cook.”
Hindi ko alam bakit ko sinuot ‘yun.
Automatic ko lang kinuha.
Siguro… umaasa lang ako. Hehe.
Nang biglang KLAK! bumukas ang front door.
“Uncle Manyacle??” mahina pero pagod na boses.
Ayun na.
Naglakad ako palabas ng kusina, at pag nakita ko siya boom.
Para siyang giniling sa pagod. Pawis, halatang hinila-hila ng trabaho, parang minasa ng buong laboratory nila.
“Uy,” sabi ko. “Akala ko mamayang hatinggabi ka pa uuwi. Buti umabot ka bago ako mag-suicide sa pag-aalala.”
Napailing siya. “Uncle, grabe ka. Traffic lang po saka ang daming ginawa. Nakaka-stress.”
Lumapit ako at tiningnan ang mukha niya.
Nakapikit pa siya habang hinahawi ang buhok.
Para siyang batang ginutom ng sampung taon.
“Halika na, kumain ka na. Niluto ko lahat ‘to.”
Napataas ang kilay niya. “Kayo? Nagluto? Hindi ka nagpasabog ng kusina?”
“Hoy, marunong ako no. Hindi lang halata kasi gwapo ako.”
Napailing siya pero ngumiti. Ngunit pag-angat niya ng tingin, bigla siyang natigil.
Napako ang mata niya sa apron ko.
“Uncle… bakit may ‘Kiss the Cook’ dito?”
UMINIT MUKHA KO.
TANGINA.
“A-ah. E-yun kasi ang nalabhan. Yun ang nasa ibabaw ng drawer… at saka… aesthetic,” palusot ko, sabay pose na parang model. “Bagay ba?”
“Parang gago lang,” sabi niya pero nakatawa na.
Hinila ko siya papunta sa hapag-kainan at pinaupo. Sinilbihan ko ng pagkain. Para akong waiter pero pogi.
Pag-upo ko sa tapat niya, pinanood ko siyang kumuha ng kanin.
Yung maliliit na kilos niya… yung kagat-labi niya habang nagtatanggal ng pagod… nakakasira ng ulo.
“Uncle… ang bango ng sinigang ah.”
“Syempre, nilagyan ko ng love.”
“Kadiri”
“‘Wag kang choosy, Tinay. Hinalikan ko pa ‘yang apron para malasahan mo pagmamahal ko.”
Nabulunan siya.
As in literal.
Nag-ubo.
“U-UNCLE!!! BA’T MO HINAHALIKAN APRON???”
“Teka, joke lang! Grabe ka agad!”
Pero sa loob-loob ko… hindi siya handa kung gaano talaga ako kabastos kapag hindi ako nagpigil.
Habang kumakain siya, bigla siyang napahinto. “Grabe, ang sarap nito, Uncle.”
NAPANGITI AKO.
Hindi ko alam bakit ang kilig ko pag pumupuri siya.
“Pwede akong mag-asawa bukas ng isang batang scientist na ang pangalan ay nagsisimula sa letter T,” sabi ko sabay kindat.
“Ha?”
“Wala. Joke.”
“Hindi funny.”
“Cute ako dapat natawa ka.”
“Mas cute yung sinigang.”
Ay putik. Natalo ako ng sabaw.
Pagkatapos ng ilang sandali, medyo lumambot na ang ekspresyon niya.
Tiningnan niya ako ng matagal.
“Uncle…”
“Hmm?”
“Thank you ha? Ang bait mo ngayon.”
“Ngayon lang? At least better kaysa never.”
“Hindi, I mean… sobra akong pagod kanina. Tapos pag-uwi ko may pagkain na. Alam mo ‘yon… parang”
“Parang may nag-aalala sa’yo?”
Tumango siya.
Tumingin ako sa mata niya. Diretso. Walang paligoy. “Hindi ako nag-aalala, Tinay.”
Natigil siya.
Halos makalimutan niya huminga.
“I’m WORRIED,” dagdag ko. “As in sobra. Every second na wala ka dito, nasisiraan ako.”
“U-uncle naman…”
“Bakit? Totoo naman.”
Napayuko siya, naglalaro sa rice sa plato.
Yung mga pisngi niyang mapula-mula tangina ang sarap pagmasdan.
“Uncle…”
“Hmm?”
“Pwede bang… huwag mo akong tingnan nang ganyan?”
“Bakit naman?”
“Kasi… kinakabahan ako.”
Napaurong siya konti pero hindi niya alam mas lalo ko siyang nilapitan.
Tumayo ako, saka dahan-dahang naglakad papunta sa tabi niya.
“Nakakabahan? O… kinikilig?”
“Uncle!” tinakpan niya mukha niya.
Hinawakan ko ang kamay niya at marahan kong inilayo sa mukha niya.
Tumingin siya sa akin, close-up, yung tipong isang ihip lang ng hangin magtatama na labi namin.
“Hindi kita sasaktan, Tinay…” sabi ko mahinahon. “Pero hindi ko rin itatanggi na gusto kitang inisin, kiligin, at tawanan habang buhay.”
“Uncle… ang corny mo.”
“Pero effective.”
“Andito ako, kumakain pa rin.”
“Exactly. Hindi ka tumatakbo palayo.”
“Pero kinakabahan ako.”
“Mas nakakakilig kapag kinakabahan.”
Umayos ako ng upo, pero hindi ko binitiwan ang kamay niya.
Hinimas ko ng daliri ang likod ng palad niya.
Nanginginig siya pero hindi niya binawi.
“T-Tapos ka na po ba kumain, Uncle?” tanong niya para lang mabali ang tension.
“Hindi pa.”
“E bakit parang”
“Kasi mas gusto kong kainin yung”
“UNCLE!!!!!!”
“Tao lang!”
Tumawa siya. Yung tawa niyang matagal ko nang namiss.
Yung tipong nakakahawa at mapapatango ka na lang sa saya.
Inabot ko ang tubig at iniabot sa kanya.
“Ubusin mo ‘yan. Hindi ka pwedeng ma-dehydrated. Madami kang kailangan bukas.”
“Experiments?”
“Oo… at may gusto rin ako itanong sa’yo.”
“Ano po ‘yon?”
“Tinay…” huminga ako nang malalim. “…may napapansin ka bang weird sa trabaho niyo lately?”
Natigil siya bigla.
“Why po, Uncle?”
“Tingin ko… may hindi sinasabi sa’yo mga kasama mo.”
“Kaya ka worried?”
“Kaya sobra akong worried.”
Nagtagpo ulit ang mga mata namin.
At sa unang pagkakataon ngayong gabi, hindi na siya tumawa.
“Uncle… promise… hindi mo ako iiwan kahit anong mangyari, diba?”
Hinawakan ko pisngi niya.
At marahan kong hinila papalapit.
“Hindi ka iiwan, Tinay. Kahit kailan.”
At kung hindi ko lang kinontrol sarili ko… siguro hinalikan ko na siya sa labi.
Pero kumuha ako ng hangin, tumalikod, at ngumiti lang.
“Halika na, hugas plato na tayo.”
Nagkibit-balikat siya. “Ha? Ganon lang yun?”
“Aba, syempre. Para sa next chapter natin… mas exciting.”