Plan

1157 Words
CHAPTER 6 JESSA POV “Hindi pa rin niya alam, no?” bulong ko habang nakayuko sa microscope, kunwari busy sa pag-check ng slides pero ang totoo, nakangisi ako nang malalim. Si Tinay, kawawa. Talagang clueless pa rin sa totoong nature ng project namin. Para sa kanya, “medical breakthrough” daw, research para mag-develop ng bagong gamot. Pero sa totoo lang… hindi niya alam ang totoong dahilan bakit pinili siya ni Boss. “Tsk. Tanga-tanga talaga no’n minsan,” sagot ni Dr. Sergio habang nagtatype sa isang lumang computer na may sticker pa ng ‘Property of BioCore Labs’ na mukhang kasing tanda na niya. “Pero useful. Siya ang may pinakamataas na potential sa blood compatibility. Siya ang kailangan para sa Phase 3.” Napangiti ako. Hindi yung friendly smile yung tipong nakakatakot, yung pang-bida-kontrabida talaga. “I told you,” sabi ko habang tumatayo at inaayos ang lab gown ko. “Tinay is the perfect specimen. Sweet, mabait, walang kaalam-alam… at higit sa lahat, predictable. Pag inutusan mo, susunod. Pag sinabi mong may bagong test, ginawa agad.” “Kung alam lang niya na hindi para sa gamot ‘to,” sagot ni Sergio sabay inom ng malamig na kape. “Kung alam lang niya na ang mismong virus na ‘yan, tayong dalawa ang nag-design para kumalat. Para mag-trigger ng panic. Para kumita si Boss nang bongga.” Natawa ako. “As if may pake si Boss kung may mamatay. As long as may bibili ng antidote, wala siyang pakialam. We create the virus, we create the cure, we create the market. Classic strategy.” Habang nagsasalita ako, minamasdan ko ang glass chamber kung saan nag-i-inject ng viral droplets sa tissue samples. Nagpula ang indicator light — meaning active ang process. Ang sarap ng satisfaction na makita na unti-unti nang gumagalaw ang mga cells sa screen. Viral replication. Rapid mutation. Almost perfect. Hindi ko naiwasang mapalapit sa monitor. Parang art. Parang obra maestra. Isang bagay na nakakatakot pero nakakatuwa. Dangerous pero beautiful. Exactly the way I like it. Sergio leaned closer, halos nakadikit na sa balikat ko. “Jessa… naisip mo na ba kung paano natin gagamitin si Tinay sa final stage?” tanong niya. “Oh yes, of course,” sagot ko sabay hawak sa clipboard. “Siya ang carrier. Siya ang magiging unang living subject. Siya ang magpapalabas ng aerosol strain without knowing. The moment na ma-expose siya… tapos na. Every person na makakasalamuha niya, infected.” Hindi ko napigilang mangiti nang malalim. Hindi yung ordinaryong ngiti kundi yung tipong pang villain sa last scene. “Kawawa nga lang talaga siya,” dagdag ko. “Wala siyang kamalay-malay sa totoong ginagawa natin. Mas lalo pa siyang busy sa pag-aaway nila nung Manyacle niyang overprotective.” Napataas kilay ni Sergio. “Si Manyacle? Yung uncle-uncle-hindi-uncle?” “Yeah,” sagot ko sabay irap. “Overprotective masyado. Napansin mo ba kanina pa nagsesend ng voice note sa phone ni Tinay habang nasa lab tayo? As if may CCTV sa galaw natin.” “Jealous type?” tanong ni Sergio. “Uhm, hindi ko alam kung jealous ba o obsessed. Pero halata mong may something,” sagot ko sabay tawa. “Pero doesn’t matter. Hindi niya naman mapipigilan ang plano ni Boss.” Sumandal ako sa mesa at pinagmasdan ang mga tubes na may iba’t ibang kulay ng serum. Kung alam lang ni Tinay na lahat ng eto the blood samples, the “tests,” the “experiments” ay hindi para magpagaling. Kundi para magkalat. Para kumita. Para gumawa ng kontrol. Para sa bagong generation ng biochemical manipulation. Habang nagpe-prepare ako ng next batch ng reagents, bigla kong narinig ang boses ni Tinay sa hallway. “Good morning po ulit! May naiwan pala akong file sa locker!” Ah, perfect timing. Napatingin ako kay Sergio. “Nandyan na siya,” sabi ko sabay bagsak ng manipis na ngiti. “Act normal.” Pumasok si Tinay sa lab, pawis pa ng konti, siguro nagmamadali. Naka-lab attire, messy ponytail, yung typical niyang itsura pag excited sa trabaho. “Sorry po, na-late ako kaninang umaga,” sabi niya. “Um… traffic kasi kasi may accident” “Okay lang,” sagot ko na may malambing na tono. “Tinay, pwede mo bang i-check yung bagong blood samples na dumating? Need natin i-label. Ikaw lang kasi tiwala ko sa handwriting.” “Opo, Dr. Jessa!” sagot niya agad, masiglang-masigla. I smiled. I love how she follows commands without question. She walked to the cold storage cabinet, binuksan ito, at kinuha ang tray ng samples all while walang kamalay-malay na yung isa roon, yung vial na may red cap, ay mayroong active viral sequence. Not harmful… yet. Pero kapag na-activate namin ang full strain later, sisimulan na ang tunay na plano. Sergio approached me at marahang bumulong. “Sure ka ba… she’s ready?” “She doesn’t have to be ready,” sagot ko. “She just has to be here.” Lumapit ako kay Tinay, may dala-dalang lab notebook. “Tinay, paki-lagay ‘yan sa tester table ha? At iwasan mong mabasag ‘yang pula. Sensitive yan.” “Yes po, Doc!” Sensitive. Sensitive na kapag nalaglag niya… bye. Pero hindi pa ngayon. Hindi pa time. “Doc, ang weird ng smell nito ha,” sabi ni Tinay habang inaamoy ang cotton filter sa isang sample. “May parang chemical” Hinawakan ko balikat niya. “Huwag mo masyadong idikit sa ilong, baka sumakit ulo mo.” “Oo nga no,” sagot niya sabay tawa. “Ang dami ko pong tanong.” “’Yan ang gusto namin sa’yo. Curious ka pero sunod ka pa rin.” I smiled sweetly. Sergio looked at me like he understood everything. Tinay continued working, masipag, masaya, walang halong pagdududa. Para siyang batang naniniwalang safe ang mundo basta kasama ang mga “scientist na marurunong.” Kung alam lang niya. Kung alam lang niya na ang mismong pagpasok niya sa lab araw-araw… ay countdown na ng buhay niya. Pero kailangan ko siyang protektahan hindi bilang kaibigan. Kundi bilang resource. At higit sa lahat, dahil may mas malaking plano si Boss. A plan that involves Tinay. A plan that involves chaos. A plan that involves millions. Habang naglalakad siya papunta sa kabilang counter, nakita kong umikot ang hangin at umalon ang buhok niya, at may bahagyang sumingaw mula sa tester tube. A very faint vapor. Almost invisible. At kita ko ang bilis ng pulso ko. “Jessa…” bulong ni Sergio. “Relax,” sagot ko. “Hindi pa ‘yun. Low-level lang yan. Para lang ma-check natin kung sensitive siya.” Tinay turned to us, smiling. “Doc Jessa… Doc Sergio… okay na po ‘yung labels!” Isa lang ang naisip ko habang pinagmamasdan siyang nag-aayos ng gamit: Poor little Tinay. Wala ka talagang alam. Pero malapit mo nang malaman ang lahat whether you like it or not.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD