Parekoy, Parekoy (part 2)

4989 Words
NAGISING ako dahil sa hikbi ng isang tao. Napatingin ako sa orasan sa may bedside table ko. Alas nwebe na ng umaga. Napakamot ako sa ulo ko at babalik ulit sa pagtulog ng may narinig naman akong umiiyak. "Huhuhuhuhuhu..." Huh? Bumangon ako sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto ko. Hindi na ako nag-ayos! Kami lang naman ni papa ang nandito eh! Mamaya pang ala una ang punta ng asungot na 'yun dito sa bahay namin! Nakita ko ang papa ko na nasa sala at umiiyak habang nakatingin sa cellphone niya. "Pa?" tawag ko sa kanya. Lumingon siya sa akin at parang nadurog ang puso ko ng makita ko ang mukha niyang malungkot at may mga luha na umaagos galing sa mata niya. Nawala agad ang antok ko. Mabilis na lumapit ako sa kanya. Tumabi ako ng upo sa kanya. Hinawakan ko ang kamay niya. "Pa, bakit ka umiiyak?" concern na tanong ko. "Anak..." umiiyak na saad niya. God! Mapapatay ko ang sinumang nagpaiyak sa tatay ko?! "Po?" tanong ko. "Si parekoy.. aalis na... Pupunta siya sa isang malayong lugar." Sobrang lungkot na sabi niya. Nanigas ako sa sinabi niya. Aalis na ang parekoy niya? Si Jerome aalis? At 'yun ang iniiyakan niya? "So?" tanging nasambit ko. Hindi ko kasi alam ang dapat sabihin ko. Natutuwa ako dahil sa wakas aalis na siya sa buhay namin ni papa. Mawawala na sa wakas ang asungot na 'yun sa buhay ko. Kaso ang papa ko, ayokong makitang nagkakaganito ang papa ko dahil sa lalaking 'yun! Ganoon ba kahalaga ang lalaking 'yun sa papa ko? Mukha silang mag-jowa! Tumango lang si papa. "Oo! Naligo kasi kami dapat ng dagat kaninang mga 6 am tapos sabi niya baka 'yun na ang huling labas namin dahil aalis na siya..." sabi ni papa at umiyak na naman siya! Lihim na napaikot ako ng mata! Masasapak ko ang mokong na 'yun! Bakit pinapaiyak niya ang tatay ko?! Atsaka kung iiwan niya rin pala ang papa ko dapat sa simula pa lang hindi niya na sinanay ang papa ko na lagi lang siyang nandyan sa tabi namin- I mean ng papa ko! "Saan naman ang punta niya?" tanong ko sa papa ko habang hinahaplos ang likod niya. Baka naman kasi OA lang ang papa ko. Baka sa tabi-tabi lang pala lilipat ang gunggong na 'yun! "Sa Amerika raw." Sagot ng papa ko. "Amerika?!" hindi makapaniwalang tanong ko. Ang layo noon ah! "Anong gagawin niya doon?!" Teka lang! Kalma, Jenarayan! Mukhang mestizo si Jerome. 'Yung mga features niya kasi pang Amerikano o di kaya Latino kaya gwapo talaga ang lalaking 'yun. Isa ba sa pamilya niya ang foreigner? At kukunin siya? "Doon na siya titira." Sagot ni papa. Oh so tama ako! "Bakit daw?" Tanong ko. Hindi ako nangangalap ng impormasyon no, gusto ko lang pakalmahin ang papa ko! "'Yung tita niya kasi pinapauwi na siya doon. Kaya kahit ayaw ni parekoy umuwi, kailangan niyang umuwi! Nakakatakot daw kasi ang tita niyang 'yun." Ahhh... Napatango ako. "Pa..." tawag ko sa kanya. "Okay lang 'yan. May skype naman at may wifi tayo kaya kahit nasa malayo siya, makakausap niyo pa rin siya." sabi ko. Tama na ang pagpapanggap! Umiling ang papa ko. "Kahit may ganoon pa anak, ma-miss ko pa rin ang parekoy ko." Nakuyom ko ang kamay ko. Anak ng! Parekoy? Parekoy na lang palagi! Bwisit! "Pa, sumama na lang kaya kayo sa parekoy mo!" inis na sabi ko sa kanya. Napatayo ako sa pagkakaupo, "Parekoy ka ng parekoy! Baka nakakalimutan mo, kaibigan mo lang 'yun at anak mo ako!" inis na sabi ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko! Tumayo na ako at umalis sa harapan niya! Punung-puno na ako! Nang dumating yang Jerome na yan sa buhay namin, wala na siyang ibang bukambibig kundi 'Ganyan si parekoy!' 'Ganito si parekoy!' 'Ang galing ni parekoy! Parekoy siya ng parekoy! Oo nagseselos ako! Sila na lang 'yung palaging magkasama! Sinasama naman nila ako pero iba pa rin talaga 'yung tungo ni papa sa kanya at minsan pabida din talaga ang Jerome na 'yun! Asar! "Bwisit! Bwisit! Bwisit!" Inis na wika ko habang tinapaktapakan ang sahig namin! Bwisit na Jerome na 'yun! -- "ATE may large po ba kayo nito?" Tanong ko sa isang saleslady sabay pakita sa kanya nung isang red polo shirt. "Meron ma'am..." sabi niya. Lumapit siya sa akin at siya na mismo ang naghanap nun. Napabuntong hininga na lang ako. Alam kong nagtatampo ang papa ko dahil sa pagsigaw ko sa kanya kanina. Hindi niya na kasi ako pinapansin pagkatapos eh. Idagdag pa na umalis siya at hindi nagpaalam sa akin. Napabuntong hininga na lang ulit ako. Kaya ito ako ngayon. Nandito sa mall at bumibili ng damit para kay papa. Sorry gift ko sa kanya. Nag grocery na rin ako para sa bahay at para makapagluto ng paboritong ulam ni papa which is adobong manok! Hindi ako magtatrabaho ngayon dahil igugol ko ang isang buong araw ko kay papa. "Ma'am ito na po..." sabi nung babae. Tinitigan ko 'yung damit. Sinuri ko 'yun kung maayos ba ang pagkakatahi o di kaya may defect 'yung butones. Maayos naman. "Bibilhin ko 'to." Deklara ko. "Diretso na ba 'to, miss?" Tanong ko. "Opo ma'am..." sagot niya. Okay. Tumango-tango na lang ako. "Salamat..." nakangiting sabi ko. Naglakad na akong papuntang cashier. Inilagay ko sa counter ang damit at kumuha ng pera sa bag ko. "1, 480 pesos po ma'am." rinig kong salita ng cashier kung magkano ang damit na yun kaya kumuha ako ng pera sa pitaka kong nasa loob ng bag ko. Kumuha ako ng 1, 500 at binigay sa cashier. Naglabas na din ako ng pamasahe pauwi nang biglang tumunog ang phone kung nasa loob din ng bag. Kinuha ko 'yung phone ko at sinirado ang bag ko. Napatingin ako sa screen. Si papa ang tumatawag! Sinagot ko agad 'yun. "Pa, bakit napatawag ka?" Tanong ko. Napakunot ang noo ko nang may narinig akong classic music sa background niya. Saan siya? Bakit may ganoon akong naririnig! "Ah 'nak asan ka?" Tanong niya. "Nasa mall. Bakit?" Tanong ko at siya rin namang bigay sa akin nung cashier sa mga pinamili ko. Naglakad ako palayo roon sa counter dahil may nakasunod sa akin. Tumigil ako sa paglalakad dahil hindi ko narinig ang sagot ni papa. "Pa?" Tawag ko sa kanya. "Ah nak pwede ka bang pumunta dito sa Shino's pagkatapos mo dyan sa mall..." Naitaas ko ang isang kilay ko. Teka lang. Alam ko ang lugar na 'yun ah! Restaurant 'yun! Dinala kami ni Jerome noon doon. Nilibre niya kami! Napangiti ako. Nagpapadespidada party yata si totoy... "Sige ba... Papunta na ako." sabi ko agad kay papa. Sa wakas! Mawawala na sa landas ko ang asungot na 'yun! "Sige hihintayin ka namin!" Masayang sabi ni papa at narinig ko pa siyang huminga ng malalim na para bang nakahinga siya ng maluwag dahil sa sinabi ko. "At kung pwede sana nak bilis-bilisan mo ang pagpunta rito..." sabi ng papa ko. Hindi makapaniwalang napatingin ako sa phone ko. Walang hiya! Talaga bang sinabihan ako ng papa ko ng ganoon?! Bwisit talagang Jerome na 'yan dahil sa kanya naging ganito ang papa ko! Nakapaka bad influence niya! Binalik ko ulit ang phone ko sa tenga ko. "Opo pa..." malambing at nakangiting sabi ko. Nang pinutol ni papa ang tawag mabilis na nawala ang ngiti ko sa labi. Bwisit! Bad influence talaga ang mokong na 'yun! Pero okay lang, aalis na naman siya eh! ---- THIRTY minutes bago ako nakarating sa restaurant na 'yun! Ang dami kong natanggap na text mula kay papa at puro laman 'asan ka na?', 'bilisan mo!' at 'dalian mo!' Tawag pa siya ng tawag sa akin! Ano ba yan? Kung makatawag siya parang may mag sho-show na clown at ako ang clown kaya pinapamadali niya ako, kasi hindi magsisimula ang show kung wala ako! Asar talaga! Aish parang tiniterorize ako ng ama ko. Nag reply lang ako sa text niya ng makarating na ako sa restaurant. Pumasok ako sa restaurant at parang gusto kong bumalik sa mall dahil pinagtitinginan ako ng mga tao. Sino bang hindi?! Ang dami kong dala! Hello galing kaya ako nag grocery! Sinabihan nga ako ng guard kanina na hindi daw sila nagpapa solicit o nagpapasok ng nagbebenta ng mga pagkain... Asar! Masasapak ko talaga ang dalawang 'yun mamaya! Dahil sa kanila kung anu-ano ang kahihiyang bagay ang na e-encounter ko! Pang mayaman din kasi ang restaurant na 'to! Buti na lang maayos ang mukha ko. Naglakad na lang ako at hinanap sila. Unang nakita ko ay si Jerome! Napatayo siya ng makita ako kaya tumingin si papa sa banda ko. Parang nakahinga ng maluwag ang papa ko ng makita niya ako. Napatingin ako sa mesa nila. May kasama silang babae na may kaedaran na rin pero nakapa-sospikada! Lumapit ako sa kanila. Sinalubong naman ako ni Jerome. "Buti nakadating ka..." sabi niya. Ngumiwi lang ako sa kanya. Talagang pupunta ako rito! Hello huling beses na nating pagkikita to no! Giniya niya ako sa lamesa nila at pinaupo niya ako sa tabi niya-bali nasa gitna nila akong dalawa! Si papa sa kaliwang side ko at si Jerome sa may right side ko. Inalalayan pa ako ni Jerome sa pag-upo. Napatitig ako sa mukha niya. Anong nakain niya? Bakit nag papakagentleman siya ngayon? "Aherm!" Napatingin ako doon sa babaeng tumikhim. Napanganga ako. Ang ganda niya sa malapitan. Para siyang artista! Napatitig ako sa babaeng nasa harapan ko. Sana ganyan ako kaganda 'pag tumanda na ako! "Naku Rome, kaya pala ayaw mong umuwi ha dahil may kinagigiliwan ka rito sa Pilipinas..." salita nung babaeng nasa harapan ko. Tumingin ako sa kanya. "Ang ganda niya ha..." sabi niya habang titig na titig sa akin. "Oh!" Sabi niya bigla. Tumingin siya kay Jerome at tinitigan niya ito ng masama. "Nakalimutan mo akong ipakilala." Inis na sabi niya kay Jerome. Tumingin siya sa akin. "Hi Jenarayan, I'm Celeste Montecillo your future tita..." nakangiting sabi niya. What the hell?! Future tita?! Bakit nasabi niya 'yun?Bakit ganoon siya makatingin sa akin?! Ano ang nangyayari?! Napatingin ako sa papa ko. Binuka ko ang bibig ko para sana magtanong kung ano bang nangyayari pero hinawakan ni papa ang kamay ko ng mariin at pumikit rin siya ng mariin na para bang sinasabing tumahimik ako. "Tapos ka na ba sa pag-aaral hija?" Tanong niya sa akin. "Opo..." sagot ko kahit naguguluhan ako sa mga ganap ngayon. "Talaga?! Ang galing naman! Anong kurso mo?" Tanong niya. Binitawan ni papa ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Nginitian niya lang ako. Naguguluhan na talaga ako. Humarap ako sa babaeng nasa harap ko at sinagot ang tanong niya. "Accounting technology po." Sagot ko. "Mag pro-proceed ka ba ng accountancy?" Tanong niya. Bakit hindi matapos-tapos ang tanong niya? "Hindi ko pa po alam eh... Nagtatrabaho kasi ako..." sabi ko. At bakit ang tsismosa niya?! Tanong siya nang tanong sa buhay ko?! Gagawan niya ba ako ng documentary?! Nagulat ako ng bigla niyang hinawakan ang pisngi ko. The hell! "Ang sipag mo pala... Magkaibang-magkaiba kayo nitong pamangkin ko..." sabi niya at hinahaplos ang pisngi ko. Ngumiti ako ng alanganin. "Tita..." rinig kong sabi ni Jerome. "Sana pagpasensyahan mo ang pamangkin ko ha. Minsan nakakairita talaga siya pero napakabait na bata niyan at sobrang malambing pa kaya hindi ka magsisi sa kanya kung kayo man ang magkatuluyan habambuhay..." sabi niya. Nanlaki ang mata ko. Ano daw? Bakit may ganito siyang sinasabi sa akin?! "Ah tita, kumain na po tayo..." sabi ni Jerome. Hindi ko siya nilingon. "Busog pa ako." Sagot noong babae. Tinanggal niya ang kamay niya sa pisngi ko. "Kumain ka muna, hija..." sabi nung babae. Inilagay ko yung kamay ko sa mesa at kumain. Bahala na! Kakakain na ako kahit naguguluhan ako sa nangyayari! Kanina pa ako nagugutom! "Jerome, kailan ang kasal?" Nanlaki ang mata ko ng itanong 'yun ng tita ni Jerome sa kanya. Kaya ba uuwi si totoy sa Amerika dahil magpapakasal siya? Tsk! May girlfriend pala to?! Hindi man lang makwento sa akin! Oh well, hindi naman kami close. Umubo naman silang dalawa ni papa sa tanong na 'yun kaya napatingin ako sa kanila. Nakita kong umiinom sila ng tubig. Sabay pa talaga! "Pa okay ka lang?" Tanong ko ng maubos nila ang tubig na iniinom nila. Napakunot ang noo ko nang makita ko na parang namutla silang dalawa ni Jerome. Teka... Anong nangyayari sa dalawang 'to?! Tumikhim si Jerome at seryosong tumingin sa tita niya. Napatitig ako sa kanya. "Ah... tita... kasi... ganito- "Hey!" Putol ng tita ni Jerome sa kanya kaya sa kanya naman ako nakatingin. Nakita ko siyang nakatayo at nakapameywang habang nanlilisik ang matang nakatingin kay Jerome. "Jerome Jake Montecillo..." madiin na sambit ng tita niya sa buong pangalan ni Jerome. "Hindi kita pinalaki na irresponsable! Hindi porket nakapagtapos ka na ng pag-aaral, may sarili ka ng negosyo at kaya mo ng tumayo sa sarili mong paa, hindi na ako makikialam sa buhay mo!" Madiin na sabi ng tita niya. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng tita niya. Ano daw? Mabilis na napatingin ako sa lalaking katabi ko. Totoo ba 'yun? "Pakasalan mo ang girlfriend mo! Gusto ko sa lalong madaling panahon! Baka matsismis siya dahil sabi mo buntis siya kaya hindi ka makakauwi sa atin! Alam mo naman ang mga tao ngayon! Lalo na sa Pilipinas! Wala silang magawang matino! Baka anong sabihin nila sa girlfriend mo at ma-depress siya tapos may masamang mangyari sa baby niyo!" Pinal na sabi ng tita niya sabay upo sa upuan niya kanina. Wow! Iba din mag-isip ang tita niya! Pero... Eh! Napatitig ako sa lalaking kasama ko-kay Jerome! Tsk. Tsk. Tsk. Tama nga ako. May ginagawa silang kabalastugan ni papa tuwing naglalakwatsa sila! Babaero! Hay naku, mga gwapo ngayon! Tapos ayaw pa niyang panagutan! Tsk! Irresponsable! Gagawa ng bata tapos hindi pananagutan?! Gago ah! Pagkauwi na pagkauwi namin ni papa sasabihin kong 'wag na siyang makipagkaibigan sa lalaking to... "Jena..." Napakunot ang noo ko ng tawagin ako ng tita ni Jerome. Nagpakilala ba ako sa kanya? Hindi naman yata ako nagpakilala! Pero diba tinawag niya ako sa buong first name ko kanina? Bakit niya alam ang pangalan ko? Pinagtsitsismisan nila ako kanina, noong wala ako? Tsk! "Tita..." tawag naman ni Jerome na para bang pinipigilan ang tita niya sa gagawin o sasabihin nito sa akin! "Shut up, irresponsable jerk!" Sabi ng tita ni Jerome sabay hawak sa kamay ko. "Kamusta ka?" Tanong niya. Huh? "Ah... Okay lang po..." sagot ko kahit naguguluhan ako sa tanomg niya. "Hindi ka ba nagsusuka o nahihilo tuwing umaga?" Concern na tanong niya. Kumabog ang dibdib ko sa tanong na 'yun! Teka lang! Parang.... Napatingin ako kay Jerome. Guiltying-guilty ang expression niya sa mukha tapos yumuko siya. Tumingin naman ako kay papa na nakayuko na rin ang ulo. Ang dalawang 'to.... Kaya ba pinapunta nila ako rito? Kaya ba ganoon na lang itsura ni papa kanina? Mga tarantado! Naramdaman kong pinisil ng tita ni Jerome ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. "More importantly, ilang weeks na ba ang baby mo?" Masayang tanong niya. What the f**k! Nakailang ulit akong napalunok sa tanong niya! Tang-inumin mo! Ano to?! Parang gusto kong magwala sa tanong na 'yun! Nanlilisik ang matang tiningnan ko ang dalawang mokong na to! Humanda sa akin ang dalawang 'to mamaya!! ------ "JENA! Magpapaliwanag ako anak!" Agad na sabi ng papa ko ng makalabas kami sa restaurant at pumunta sa parking lot! Humarap ako sa kanya. Kaming dalawa lang dahil nakikipag-usap pa si Jerome sa tita niya at pinag-uusapan ang 'kasal' kuno namin! Biglang uminit ang ulo ko dahil doon! "Sige ipaliwanag mo ng mabuti kung bakit naging girlfriend ako ng lalaking 'yun! At kung bakit naging ina ako ng magiging anak niya!" s**t! Never akong napunlaan ng lalaking 'yun! "Pa naman! Never akong nagkaboyfriend dahil napaka-strikto mo! Tapos ngayon! Para akong gamit na pinaglalaruan niyong dalawa! Pinamimigay mo ako sa kanya! Ano bang pinakain sa iyo ng lalaking 'yun at nagagawa mo sa akin 'to?!" Galit na tanong ko. Pinigilan ko ang sarili kong mapaiyak! No! Never akong iiyak! "Ganito kasi 'yan anak... Diba sabi ko pinapauwi si parekoy sa Amerika at ayaw niya. Eh sinabi ko sa kanya na sabihin niya na lang sa tita niya na hindi siya makakauwi dahil nabuntis niya ang girlfriend niya..." "At ako ang girlfriend na tinutukoy niya?" Nang-uuyam na tanong ko. "No! Hindi anak!" Mabilis na sagot ni papa. "Ganito kasi 'yun! Imaginary girlfriend lang dapat 'yun!" Imaginary? Kailan pa natuto ang papa ko ng ganyan?! "Kaso biglang pumunta ang tita ni parekoy dito para i-confirm yun at dahil wala naman siyang girlfriend naisip kong ikaw na lang muna... Tutal magpapanggap ka lang naman. Hindi ko naman alam na aabot sa ganoon!" Sabi ni papa. "Kahit na pa! Hindi niyo matatama ang mali ng isa pang mali! Bakit hindi sinabi ng parekoy niyo sa mukha ng tita niya na ayaw niyang umuwi sa kanila! Napakaduwag naman niya! Huwag siyang mang-aagrabyado ng iba! Bwisit siya!" Inis na sabi ko sabay walk-out! "Anak!" Tawag niya. Bahala siya sa buhay niya! Galit ako! Galit ako sa ginawa niya! Tatay ko siya dapat pinoprotektahan niya ako! Hindi ganito! "Anak sorry na!" Sigaw ni papa. Hindi ako lumingon! Baka kasi may masabi ako kay papa na hindi maganda! Ayoko noon! Mahal ko pa rin siya at gusto kong hindi mawala ang respeto ko sa kanya. "Parekoy!" Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang sigaw ni Jerome. Napalingon ako at nanlaki ang mata ko nang makita ko si papa nakasalampak sa sahig! Parang naging halimaw ang kaba ko at kinain ako dahil sa nakita ko! Nataranta ako bigla. "Pa!" Sigaw ko at tumakbo pabalik sa kanila. Karga-karga na siya ni Jerome! "Anong nangyari sa 'yo?!" Kinakabahang tanong ko. Hindi siya sumagot! Nakapikit ang mga mata niya! Kinabahan agad ako! "Jena! Buksan mo ang pintuan ng kotse na nasa likod ko!" Sabi ni Jerome. Napatingin ako sa kanya. Huh? "Buksan mo na dali! Kailangan nating dalhin sa hospital si parekoy!" Sigaw niya kaya ginawa ko ang pinapagawa niya! ----- "DOC, anong nangyari sa papa ko po?" Tanong ko ng matapos siyang i-examine. Ang daming ginawa sa kanya. Tiningnan ang blood pressure niya, temperature at kung anu-ano pa! Nasa emergency room lang naman kami! Hindi ba ilalagay ang papa ko sa ICU? "Anak ka ba niya?" Sabi ng doctor at tiningnan ako ulo hanggang paa. "Opo." Sagot ko nang nasa mukha ko na ang paningin niya. Nakita kong ngumiti siya sa akin. Anak ng! Kinilabutan ako! "Tsk!" Rinig kong sabi ng lalaking katabi ko-si Jerome! "Doctor, tell us what happen to my friend! Stop flirting with your daughter's patient!" Madiin na sabi ni Jerome! Inis na lumingon ako sa kanya. Siniko ko siya! Bwisit walang modo! Narinig kong tumawa ng mahina ang doctor sa sinabi niya. "Okay, mister 'patient's friend'..." sabi naman ng doctor na para bang natutuwa na makitang naiirita ang mukha ni Jerome. "Hey!" Palag ng isa! "Jerome tumahimik ka!" Inis na sabi ko. "Atsaka doc pwede ba sabihin niyo kung ano ang nangyari sa tatay ko! Huwag kayong mag-asaran ng lalaking to! Ihampas ko ulo niyong dalawa sa pader eh!" Banas na sabi ko. Tumawa siya. "What a fiesty girl you have here, Jay-Jay?" Sabi niya sa akin sabay tingin kay Jerome. Jay-Jay? Palayaw ni Jerome? "Tumahimik ka na nga, Enzo! Sabihin mo na kung anong nangyari kay parekoy!" Confirm! Magkilala ang dalawang to! "Parekoy huh?" Nang-uuyam na tanong nito kay Jerome. Sinamaan lang siya ng tingin ni Jerome. "Anyways, okay lang naman ang papa mo. Hindi naman siya malubha. Inatake lang siya ng high blood pressure niya." Oh... "Pero sana iwasan niyo na ma-stress siya. Kasi baka mas malala ang atake niya next time at malagay siya sa peligro." Kinabahan ako. Hindi ko alam na may high blood si papa! "May ireresita din pala akong gamot para sa kanya. Ipapadala ko lang sa nurse mamaya..." sabi niya sa akin. "Salamat po doc." Nakangiting sabi ko. "Walang anuman. At pwede na kayong lumabas rito pagkagising ng tatay mo." Sabi ng doctor sa amin. Nakahinga ako ng maluwag doon. Pero teka... tama! Yung bayad sa hospital! Kailangan ko pa lang umuwi, naiwan ko kasi yung card ko para sa philhealth! "Pinapalayas mo ba kami sa hospital mo?" Tanong agad ni Jerome. Asar! Ito na naman siya! Napatingin ako kay Jerome! Itong lalaking 'to, lagi na lang naghahamon ng away! "Come on, cous! Hindi no!" Sabi niya pero nakangiti kaya hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi! "Baka kasi maging busy kayo sa kasal niyo at kailangan niyo ng tulong ng tatay ng girlfriend mo!" Sabi niya at tumawa ng mahina. Nanlaki ang mata ko. Cousin?! Pinsan niya to?! Atsaka... Kalat na ang tsismis na 'yun sa pamilya niya?! Tumingin sa akin yung doctor at kininditan ako. "Nice meeting you, Jay-jay's girlfriend." Masayang sabi niya sabay takbo palayo sa amin. "Bwisit! Papatayin kita!" Inis na sigaw ni Jerome sa kanya. Tumawa lang ang pinsan niya. Naiwan kaming dalawa ni Jerome. Ilang minuto ding tahimik ang paligid namin. Dahan-dahang siyang tumingin sa akin. Magsasalita sa ako pero hindi ko alam ang sasabihin ko. "Ahm..." nahihiyang sabi niya. Tinikom ko ang bibig ko at biglang naalala ang nangyari. Bwisit! May atraso pa pala sa akin ang lalaking 'to! Naikuyom ko ang kamay ko at bigla siyang sinutok sa tiyan. "Jena!" Sigaw niya at napasapo sa tiyan niya. "Para yan sa pagsisinungaling mo!"sigaw ko. Sinampal ko siya sa kaliwang pisngi. "'Yan sa pagiging duwag mo at dinamay mo pa talaga ako sa problema mo at..." hindi ko napigilan ang sarili ko na sipain ang kaibigan niya sa baba. Napaluhod siya dahil doon. Rinig ko ang sighapan ng mga taong nasa paligid namin. "Jena..." namimilipit sa sakit na tawag niya sa pangalan ko. "Nanggigil na talaga ako sa 'yo!" Inis na dugtong ko. Tumayo ako sa harapan niya at pinameywangan siya. "Makinig ka sa akin.... Bantayan mo ang papa ko dahil uuwi muna ako at kukunin ko 'yung card ko naiintindihan mo?!" Sabi ko. Kagat labi siyang tumango! "Kapag bumalik ako at wala ka rito sa tabi ng tatay ko, hindi lang yan ang aabutin mo sa akin, Naiintidihan mo?!" Sigaw na tanong ko sa kanya. "Opo!" Sagot niya kahit na para ng nahihirapan siyang sumagot dahil sa sakit. Good! Tumango lang ako at umalis! Nakita ko ang pagtingin ng mga staff sa hospital sa akin. May ibang mangha sa ginawa ko at ang iba ay parang galit sa akin... Lalo na 'yung mga babaeng nurse. Inirapan ko lang sila at naglakad. Bahala sila sa buhay nila! ----- "MA'AM bayad na po talaga ang bill ng papa niyo..." sabi ng cashier sa akin. "Sure ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko! "Opo." Sagot niya. Alam kong naiinis na ang babaeng to dahil sa maraming beses kong pagtanong sa kanya. Impossible kasi ang sinasabi niya! Bayad na daw bill ng papa ko. Sino naman magbabayad? "Pero miss impossible yang sinasabi mo hindi pa ako nakakapagbigay ng kahit na piso sa inyo..." Huminga ng malalim ang cashier at tsinek ulit. "Sabi po rito ma'am bayad na po daw ang papa niyo..." madiin na sabi niya. Naku! Naku! Huwag niya akong malditahan! Makikita niya ang hinahanap niya! "Sino nagbayad?" Tanong ko. Impossible kasing ako! Kadarating ko lang naman! "Si... Oh! Si sir jay-jay po!" "Jay-jay?" Naguguluhang tanong ko. Isa lang naman ang kilala kong ganoon. "Si Jerome Jake Montecillo ang nagbayad?" Tanong ko. "Ahm... parang ganoon po ma'am..." sabi niya. Parang ganoon? Ang g**o yata! "Ganito po kasi ma'am.. Dahil po kay sir jay-jay na cleared na po sa bayarin ang tatay niyo pero hindi po siya nagbigay ng pera kasi po isa po sa may-ari ng hospital na 'to ang pamilya ni sir kaya libre po kayo. Ini-inform niya lang po ang head namin..." sabi niya. Huh? "Talaga?" Parang nabaliw ako sa narinig ko. Mayaman si totoy- I mean Jerome! Teka... Noong hinatid namin si papa sa hospital, kotse ang sinakyan namin. Tapos pinsan niya yung doctor tapos ngayon isa sa mga may-ari ng hospital ang pamilya niya? "Opo." Nakangiting sagot niya. Oh God! Kaya ba ang sama ng tingin sa akin ng iba kanina doon sa emergency room?! Kasi ang isang tulad ko, binugbog ang amo nila! Naman oh! Para akong zombie na naglalakad papunta sa kwartong sinabi sa akin noong nurse sa emergency roo. Inilipat daw kasi ang tatay ko. Nang nasa pintuan na ako ng kwartong yun, wala sa sariling binuksan ko 'yun. Nakita ko si papa at Jerome na masayang nakikipag-usap. "Oh! Anak nandyan ka na pala!" Bati ni papa. "Magpasalamat ka kay parekoy! Sila pala ang may-ari ng hospital na to!" Proud na sabi ni papa sa akin. Napatitig ako kay Jerome. Bwisit! Minaliit ko siya! Tapos malalaman kong ang yaman-yaman pala ng lalaking to! Para lang kaming maid sa kanya. Nakakahiya ako! "Ahmmm... Thank you.... Jerome..." nahihiyang sabi ko. Ano ba ang pwese kong gawin para naman mabayaran ang pangmamaliit ko sa kanya noon... Teka... Ngumiti lang si Jerome sa akin. Tsk! "Walang anuman. Para naman kayong iba sa akin, Jena..." sabi niya. Tama! Yun ang dapat gawin ko para mabawasan naman ang pang-aapi ko sa kanya noon! Pasasalamat na rin sa ginawa niya ngayon. Pero... Lihim na napangiti ako sa sinabi niya kanina-kanina lang. Hindi kami iba sa kanya? Iba ka sa amin! Di ka ma-reach, Jerome! Sa edad mo tapos sa estado mo sa buhay! Hindi kita ma-reach! Huminga na lang ako ng malalim. Tumikhim ako para makuha ang attensyon nila. "Jerome pwede ba kitang makausap sa labas?" Tanong ko. Nagulat siya sa sinabi ko. "Parang seryoso yata yan anak ha..." sabi ni papa. Ngumiti lang ako. "Dito na lang pala tayo mag-uusap." Sabi ko. Gusto ko rin marinig ni papa ang sasabihin ko. "Sige ba..." sabi ni Jerome. "Ano yung sasabihin mo?" Tanong niya. "Payag na ako." Seryosong sabi ko. Nakita ko ang naguguluhang itsura nila. Huminga ulit ako ng malalim. "Payag na akong magpakasal sa 'yo." Sabi ko. Hindi ko alam kung tama ba ang rason ko pero parang ito ang sinisigaw ng puso ko na maging desisyon ko... Baka dahil dito, sa wakas ma-reach ko na rin siya! Mag meet kami half way! Napangiti na lang ako. "Seryoso ka?" Sabay na tanong nila. Tinaasan ko lang sila ng kilay. "Gusto niyong bawiin ko?!" Inis na tanong ko. --- KAHAPON lang nang pumayag ako sa kasal namin kuno ni Jerome tapos ngayon, ikakasal na kami. Busy ang mga tao! Si papa busy sa pakikipag-usap sa mga kamag-anak ni Jerome. Huminga ako ng malalim at umupo sa kama. Kasal na namin ngayon. Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko pero hindi na ako makaatras! Para to kay papa at Jerome! Ayaw ni papa na mawala ang kaibigan niya kaya ginagawa ko to! Nandito rin ang buong angkan ni Jerome at pag tumakas ako baka ipa shoot to kill kami ni papa! Wala na takagang atrasan na to! Tiniingnan ko ang sarili ko sa salamin. Ang ganda ko sa magandang gown ko. Perfect ang lahat sa kasal ko kaso hindi ko pa rin kayang maging masaya. Hindi ako mahal ng mapapangasawa ko! Asar! Bumaba na ako sa mansyon nila Jerome-Oo mansyon! Dito siya nakatira! At dito gaganapin ang kasal namin. Bali sa garden lang nila. Hindi naman kasi pucho-pucho ang garden nila Jerome! Ang gada rin! Hwes ang magkakasal sa amin. Bumaba na ako. Nakita kong sumigaw ang mga tao na nandito na daw ang bride. Huminga na lang ulit ako ng malalim. Naglakad na lang ako palapit kay Jerome na nasa tabi ng judge. Nakatingin siya sa akin na para bang ako lang ang mag-iisang babae sa lugar na 'yun at ang ganda-ganda ko. Hindi ko napigilang ngumiti. Nang makalapit na ako sa kanya, nagsimula na ang seremonya. Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko kaya nahirapan akong huminga. Mas kinabahan pa yata ako sa paghawak niya sa kamay ko kaysa sa paglakad ko kanina eh! Napalunok ako. "Okay ka lang ba? Parang hindi ka na humihinga?" Biglang bulong niya. "Okay lang. Ba't ang daming tao?" Tanong ko na lang. "Para maging makakatotohanan." Sabi niya. Nakonsensya agad ako. Kasi pinapaniwala namin ang mga taong nandito na mahal na mahal namin ang isa't isa  kaya magpapakasal kami. May usapan kasi kami na after six months magapapa-annul kami! Ipapalabas namin na nalaglag ang baby kaya yun... Panay opo ang sagot naming dalawa sa mga tanong noong huwes. Nang matapos na ang seremonya ay biglang nag-anusyo na kasal na kami at sinabi noong huwes na "You may kiss your bride..." kinabahan agad ako. Bwisit! Nakalimutan ko ang bagay na to! Hindi siya ang first kiss ko. May nahalikan na rin ako pero yung pa twetums lang na halik hindi french kissed! Lintek talaga! Sana pa twetums lang ang halik ni- Hindi ko natapos ang iniisip ko ng bigla akong pinaharap ni Jerome sa kanya at iniangat ang belo ko. Nanlaki ang mata ko ng hinawakan niya ang batok ko at hinalikan ako sa labi. Mariin. Mapusok. Pero gustong-gusto ko naman. Napapikit ako at napahawak sa batok niya para mapadiin pa siya sa akin. Natigil lang kami sa paghahalikan ng biglang sumigaw ang mga tao! Nahihiyang naghiwalay kami. Damn Jena! Ang landi mo. Inakbayan ako ni Jerome. Sumikip ako. Nakita kong nakangiti siya na para bang ang saya-saya niy! "Kaya pala nabuntis eh..." rinig kong sabi ng isa. Parang kumulo ang dugo ko dahil doon. Ano, dahil malandi ako?! "Oo nga. Patay na patay ba naman si Jay-jay sa kanya..." Aw..... Ganoon naman pala... Napangiti na lang ako. Kainan, kwentuhan at inuman ang naging sunod na nagyari. Ang dami naming regalo! Ginawa rin namin yung ginawa sa reception! Nagsubuan ng cake, nagsayawan at binato ko yung boquet. Nag enjoy talaga ako. Pero bwisit lang tong isa, halik ng halik sa akin! Sa labi pa talaga! Namimihasa! Hindi ko naman masiko kasi nakatingin lahat sa amin. Kaya hinahayaan ko lang!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD