Parekoy, Parekoy (part 3)

2285 Words
"PA 'wag mo akong iwan...." pagmamakaawa kong sabi sa kanya nang magpaalam siya na uuwi na raw siya sa bahay namin. "Baliw to oh!" Sabi niya. "Dito ka ka lang sa asawa mo!" Sabi niya. "Pero..." "Anak, kasal na kayo ni parekoy... Kaya dapat magsama na kayo..." malumanay na sabi niya. Lintek! Alam niyang hindi totoo to?! At bakit pinapalayas na niya ako?! Bakit tinatakwil na niya ako? "Pero pa..." ungot na sabi ko. Natatakot kasi ako! Nakalimutan ko ang pinakaimportante sa lahat! Honeymoon namin! Gabi na kasi. Nakapagpalit na rin ako ng damit! Pinaakyat na kami sa kwarto ng pamilya ni Jerome kaso bumaba ako para sana sumama kay tatay pauwi pero ang tatay ko ayaw akong isama! "Anak naman! Bumalik ka na doon sa asawa mo baka hanapin ka pa!" Pagtataboy niya sa akin at sumakay na siya sa jeep niya. Pinaandar niya yun at iniwan ako. "Pa!" Sigaw ko pero kinawayan niya lang ako! Asar! Nanlulumong bumalik ako sa loob ng bahay. Ngiti lang ang sinasagot ko sa mga bumabati sa akin. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makapasok ako sa kwarto. Napatingin ako sa kwarto at napalunok. Ito na... Pero wala yun sa usapan! Huminga ako ng malalim! Pumunta na ako sa kama at humiga! Kahit na anong gawin niyang pang-aakit hindi ako bibigay! Kapag pinagtangkaan niya ako sisigaw lang ako ng sobrang lakas at manlalaban ako! Tumagilid ako ng higa at pilit na natulog.... Narinig kong bumukas ang pinto hudyat na si Jerome yun! Biglang nagising ang dugo ko. Hindi ko alam kong ilang beses akong napalunok. May namumuo ring pawis sa noo ko. "Jena..." tawag niya at naramdaman kong umupo siya sa may kama. Umupo ako agad at hinarap siya. Napalunok ako ng makita kong naka white t shirt siya at naka short lang. Ang macho niya. Nakaligo na rin siya kaya ang bango-bango niya! Napailing ako! Huwag kang bumigay sa tukso! "Hoy lalaki wala akong balak na makipagsiping sayo ha!" Deklara ko at humiga ulit ako sa kama at tinaklubong ang kumot. Narinig ko naman siyang tumawa. Naramdaman kong humiga na rin siya ng kama. "Goodnight wife..." sabi niya. Pinigilan ko ang sarilibkong lumingon sa kanya. Pinikit ko ulit ang mata ko at pinilit na matulog.... Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang tilaok ng manok. Agad na napahawak sa katawan ko. Wala akong kakaibang nararamdaman. Tumayo ako baka nanakit yung nasa gitna ko kaso wala! Wala! Walang nangyari! Napahiga ulit ako sa kama. Napatingin ako sa kabilabg side ng kama ko. Walang bakas na doon na natulog si Jerome. Napabangon ako. Asan siya? Bumangon ulit ako. Pumunta ako sa cr at nagpunas. Nagmumog na rin ako para hindi bad breathe. Nang matapos yun sinuklay ko naman ang buhok ko gamit ang kamay ko. Lumabas ako sa cr. Nakita ko ang kabubuuan ng kwarto. Ngayon ko lang siya na-appreciate. Ang laki pala at sobrang ganda. Parang binibigyan niya ako ng vibes na 'mayaman ang may-ari' sa akin. Napailing na lang ako. Kahapon. Narealize ko na mayaman talaga si Jerome. Kaya pala tambay siya sa mga bar kasi may-ari siya ng bar! Graduate na rin pala siya ng HRM pero two years lang. Grabe! Nakakamangha ang asawa ko! Speaking of him. Lumabas na lang ako sa kwarto para hanapin siya. Nagapatingin-tingin pa ako sa paligid baka makita ko ang lola ni Jerome. Grabe maka-interogate ang isang 'yun! Nang ma-clear ang daan. Bumaba na ulit ako. May dalawang palapag ang bahay nila Jerome nasa taas ang kwarto namin. Bumaba ako at pumunta sa kusina... May naamoy kasi akong mabango. Pagkain! Ang bango ng pagkain! Grabe! Nagugutom ako! Pagkadating ko sa kusina, nakita ko si Jerome na hinahanda ang mesa... napatitig ako sa kanya. Ang cool niya! Hindi ko hunanga sa kanya at mapigilan ang mapangiti habang nakatitig sa kanya. Tumingin siya sa akin kaya napatayo ako ng tuwid. "Ah... Morning..." nakangiting bati ko. Ngumiti rin siya. "Morning!" Masayang bati niya. "Kanina ka pa?" Mabilis na umiling ako. "Hindi! Ngayon lang ako!" Dabi ko agad. Ngumiti lang siya na para bang alam na nagsisinungaling ako. Aish! "A-ano bang niluluto mo?" Tanong ko sabay lapit sa kanya. Nakita ko ang masasarap na putahe na nasa hapag. "Mga paborito mo..." sagot niya. Napangiti ako at lumingon sa kanya. "Thank you." Sabi ko. Ngumiti lang siya. "Upo ka na..." sabi niya at pinaghila niya ako ng upuan. Umupo naman ako. Wow. Gentleman! Umupo naman siya sa kaharap kong upuan. Mahaba kasi anh lamesa nila. Feeling ko 15 ang kasya doon. Siya mismo ang naglagay ng pagkain sa plato ko kaya nahiya ako. "Thank you..." sabi ko. "Kumain ka na..." "Kamusta?" Tanong niya. "Ang sarap!" Sagot ko. Ngumiti siya. "Ikaw nagluto?" Tanong ko. "Yes!" Proud na sagot niya. Ang yabang! "Tsk! Ako magluluto mamaya ha!" Sabi ko sa kaniya. "Uy.... Hindi magpapatalo ang asawa ko..." sabi niya sabay tawa. "Shut up!" Inis na sabi ko at pinagpatuloy ang pagkain! Nang malunok ko 'yun nagsalita ako. "Bakit ang tahimik? Nasaan 'yung mga tao rito kagabi?" Tanong ko. "Pinauwi ko na sila. Mag iingay lang sila dito sa bahay.... at hindi kita maso..." hindi niya natuloy ang sasabihin niya at napatingin sa akin. "Maso..." sabi ko para ituloy niya ang sasabihin niya. Napakurap siya. "Ah..." parang bigla siyang nahirapan sa sasabihin niya. "Wala! Naiirita lang talaga ako sa kanila!" Sabi niya sabay subo. Napatitig ako sa kanya. May nililihim sa akin ang lalaking 'to! Naramdaman niyang nakatitig siguro ako sa kanya kaya tumingin siya sa akin. "Kumain ka na...." sabi niya "Okay..." sabi ko sabay kain. Ang weirdo! "Yung mga gamit mo pala nasa kwarto na. Iniarrange ko na yung ibang damit mo sa closet." nabulunan ako sa sinabi niya. Napainom ako ng tubig. Hinaplos niya ang likod ko. Napaubo ako pero nang kumalma ako, tumingin ako sa kanya. Ini-arrange niya ang damit ko... Kung ganoon... "Pati panty ko?!" Tanong ko sa kanya. Napatigil siya sa paghaplos at napatingin sa akin. Nakita ko siyang napalunok. "N-no! H-hindi no!" Agad na sabi niya. "Oo! Nakita ko sa maleta mo yun pero, promise di ko ginalaw!" Sabi niya. Namula ako sa sinabi niya "T-talaga?" "Talagang-talaga!" Sagot niya. Okay! Napatango na lang ako. Nakakahiya naman kong siya ang gagawa noon para sa akin! Aish! ----- 'MS. Reyes. Please go to Supervisor's office before your shift today.' Naguguluhan ako sa text ng team leader ko sa akin. Okay. Napatingin ako sa orasan. Ang aga yata ng text niya. Ngayon na lang kaya ako pumunta. Three hours pa bago ang shift ko. Alas kwatro pa lang kasi ng hapon.. "Jerome..." tawag ko sa kanya. "Hmmm..." sabi niya tumigil siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin. Inaarangge kasi niya ang gamit namin sa closet. "Pupunta muna ako sa work ko..." paalam ko at tumayo na ako para magpalit ng damit at maghanda na para sa trabaho. "Hatid na kita." Sabi niya. Nagtaka naman ako dahil hindi siya nagtanong kung bakit ang aga kong pumunta sa work. Siguro wala siyang pakialam... "Okay..." sagot ko. Nagpalit na lang ako ng damit. Naligo na kasi ako kanina. Hindi ko alam. Parang naging conscious ako sa katawan ko. Dapat palagi akong malinis at mabango pag nandito si Jerome. Dalawang araw na kaming mag-asawa! At madami akong nalaman sa kanya. Hindi siya certified tambay! May trabaho siya-May negosyo siya to be exact! Yung bar na laging pinupuntahan ni papa sa kanya yun! Kaya naman pala! Hindi rin masamang asawa si Jerome! Napakamaasikaso at malambing niya. Yun nga lang binibwisit ko siya! Ang cute niya kasi kapag galit! Wala kaming ibang ginawa kahapon kundi magbukas ng regalo! Grabe ang dami! Hindi pa nangangahalati ang nabuksan naming regalo eh! Tapos kahapon nalaman ko, ang mansyon na to ang magiging bahay namin! Grabe! Naalala ko ang mukha ni Jerome kahapon. Kasi inasar-asar ko siya! Wala lang! Gusto ko lang! Wala kasi akong magawang matino kahapon eh! Naiiling ako sa ginawa ko. Hindi naman pala masama ang naging desisyon ko eh! "UMUWI ka ng maaga." Sabi niya sa akin pagkababa na pagkababa ko sa kotse. Pinagbuksan niya kasi ako ng pintuan! Napakunot ang noo ko para kasing minamandohan niya ako sa dapat gagawin ko. Atsaka hindi niya ba ako susunduin?! Walang modong asawa! "Baliw ka ba?" Inis na tanong ko. "Kahit gusto kong maagang umuwi hindi pwede. Tandaan mo ilang araw akong absent kaya dapat husayan sa trabaho ko..." inis na sabi ko sa kanya. Hindi kasi katulad mong milyonaryo! Gusto ko sanang idugtong pero tinikom ko na lang ang bibig ko. Ngumisi lang siya sa akin. "Okay... Sabi mo eh..." Sabi niya. Nagulat ako roon. Wala siyang isasagot sa sinabi ko? Nakakapanibago! "Pupuntahan ko si parekoy kaya hindi kita masusundo." sabi niya. "Isasama mo ba si papa sa bahay natin?" s**t! Gusto kong sapakin ang bibig ko. Bahay natin? Feel na feel din ni ate ang kasal nila ni totoy! Asar naman oh! "Kung sasama siya..." sabi niya. Tumango lang ako. "Sige-sige, aalis na ako..." paalam ko... "Ingat." Sabi niya. Napatigil ako sa paglalakad. Simpleng salita lang yun pero bakit ang lakas ng t***k ng dibdib ko. s**t! Napailing na lang ako at nagmamadaling pumunta sa building! Kailangan ko pang pumunta sa supervisor ko! "HI! Miss Reyes." Bati ng supervisor namin sa akin. Nasa loob kami ng office niya at nandito rin ang team leader ko. Napalunok ako. Nakaramdam agad ako na patay ako. May ginawa yata akong mali! "Pinakinggan ko lahat ng calls mo, okay naman lahat kaso bakit hindi ka nag-o-offer ng survey tapos hindi ka nag no-notes sa transaction mo?" Tanong niya. Nakagat ko ang labi ko dahil sa sinabi niya. Lagot talaga ako! "Kasi ma'am... Nakakalimutan ko po..." sabi ko. "Nakalimutan mo ng napakaraming beses?" Hindi ako nakasagot. Lagot talaga! "Alam mo ba nadisaapoint ako Jena sa mga nalaman ko sa 'yo. Naging top performer ka ng maraming beses tapos ganito..." may bahid ng inis ang boses ni ma'am. Patay talaga ako! "Ma'am... Sorry..." Tumingin rin ako sa team leader ko at humingi ng sorry. Pero tinitigan lang niya ako. Tsk! Nakalimutan ko gusto pala nito na mapalayas ako. Mainit kasi dugo niya sa akin! Ewan ko sa kanya! "Alam mo bang may nag president escalation sa yo..." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Parang binuhusan ako ng malamig na tubig! Te-teka! Diba 'yung presidential escalation yung customer ko, nagsumbong mismo sa may-ari ng flowerpot?! P-patay! "Ma'am?" Tanong ko. "Sabi ng customer. Rude ka daw kaya gusto niyang sumagot sa survey para bigyan ka ng singko pero hindi mo inoffer sa kanya yung survey kaya nagsulat na lang siya ng letter sa may-ari ng flowerpot!" Jusko! Gusto kong lamunin ako ng lupa ngayon! Hindi pwede to! Hindi ko alam ang sasabihin ko! Lagot ako! Lagot ako! "Miss Reyes..." sabi ni ma'am. "Kayo na muna mag-usap ng team leader niyo. Faye ..." tawag niya sa team leader ko. Iniwan kaming dalawa ng team leader ko ng supervisor namin. "So anong mangyayari sa akin Faye?" Tanong ko sa kanya. "Kung makapal ang mukha mo, mag tatrabaho ka pa rin pero kung hindi naman mag resign ka..." sabi niya. Nagulat ako sa sinabi niya. "Ano?" Gulat na tanong ko. Ang babaeng to! "Feelingera ka kasi! Porket c*m laude ka, ganyan ka! Yan tuloy!" Sabi niya. Hindi ako makapaiwala sa sinasabi niya. Team leader ba talaga siya? Bakit ganito siya? Imbes na pagsabihan niya ako sa dapat na ginawa ko para magawa ko ng tama ang trabaho ko sa susunod o di kaya tulungan ako, gusto niya na lang na umalis ako?! Baliw ba siya?! "Anong problema mo sa akin?" Tanong ko. Oo sa akin talaga siya may problema, hindi sa kwarto ko! "Wala!" Nakangising sabi niya. "Kasi sisisantahin kita!" Sabi niya. "Kaya kunin mo na yung gamit mo sa locker mo!" Nagulat ako sa sinabi niya. "You..." Ngumisi lang siya. Naikuyom ko ang kamay ko at hindi napigilan ang sarili kong sampalin siya! "Aalis ako hindi dahil sa sinesanti mo ako! Kundi aalis ako kasi hindi na ako makatagal sa ugali mo! I quit!" Sabi ko sabay alis sa kanya. Nagmamdaling umalis ako. Fuck! Bwisit siya! Walang kwentang team leader! Ano bang ginawa ko sa babaeng 'yun?! Bakit napakasama niya sa akin?! Pumunta akong locker at kinuha yung gamit ko. Bwisit! Pinigilan kong umiyak. Tatlong taon rin ako rito tapos.... Alam kong mali ako. Pero hindi ba nila ako bibigyan ng second chance. Si popoy nga binigyan ni basya. Ako pa kaya? Nakakainis! Biglang tumunog ang cellphone ko. Asar! Inis na sinagot ko ang phone ko. "Ano?!" Sigaw na tanong ko. Baka si Jerome na naman 'to! Alam kong mali na siya ang pagbuntongan ng galit ko basta bahala siya! Tumawag-tawag pa kasi! "Ah girl, si Alma to ah..." napatigil ako. Aish! "Ah sorry Alma..." hinging patawad ko. "Okay lang... Grabe nakakatakot ka palang magalit girl..." sabi niya at tumawa pa talaga. "Anyways, wag mong kalimutan party natin mamaya! 7 pm pala ang end of shift namin! Ikaw ba?" "Nag resign ako girl." Walang ka emosyong-emosyon na sabi niya. Hindi agad siya nakapagsalita sa sagot ko. "Oh...." sabi niya."Edi makakasama ka talaga mamaya eh!" Masayang sabi niya bigla. Eh? Hindi ba ako i-ko-comfort ng babaeng 'to? Hindi niya ba narinig ang sinabi ko?! Party lang ba talaga ang iniisip niya?! Bwisit! "Oo..." sagot ko na lang sa kanya. "Yehey!" Masayang sigaw niya. "Text na lang kita kong saan tayo magkikita ha! Hindi pa kasi finalize yung venue! Alam mo na kapag maayos ang plano 'yun pa ang hindi natutuloy! At yung pina-abrupt na lakad, yun pa ang natutuloy!" Masayang sabi niya. "Oh..." sabi ko na lang. Walanghiya ka pa rin! "Sige babush na! Magtatrabaho pa ako!" Sabi niya. Napasandal ako sa dingding! Sino ba ang kinakaibigan ko?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD