Parekoy, Parekoy (end)

2855 Words
"FRIEND pakilala kita sa ka-team ko sina Ivo, Susan, Glenn, Mark..." pinakilala niya sa akin 'yung kasama niya. Hindi ko na matandaan ang ibang pangalan. Nandito na kami sa bar. Ito na kasi ang night out namin. Nagpapasalamat talaga ako na sumama ako. Kasi gusto kong maglabas ng sama ng mundo ngayon! Nagpakasal ako sa lalaking hindi naman ako mahal! Tapos nasisante pa ako mali! Nag resign pala ako sa trabaho! Galing! "At ito pala si Alden..." sabi niya at lumapit siya sa akin tapos bumulong. "Type ka niyan girl. Lagi siyang nagtatanong sa akin tungkol sa 'yo..." sabi niya at humagikhik pa talaga sa dulo. Nailayo ko ang mukha ko sa kanya. Hindi naniniwalang tumingin ako sa kanya. "Weh?" sabi ko sabay tingin kay Alden. Cute si Alden pero sorry na lang siya may asawa na ako eh! "Oo nga!" sabi niya. "And guys, this is my friend, Jenarayan Reyes. Twenty-three and very much single!" napaubo ako sa huling sinabi niya. Ano bang pinagsasabi-Ah s**t hindi niya pala alam! Bukod sa amin tatlo nila tatay, Jerome at 'yung mga bisita namin sa kasal, wala ng ibang nakakaalam na kasal na ako! Dapat i-correct ko siya! "Ahhh... Alma..." "Party time guys!" sigaw ni Alma at pumunta na siyang dance floor! Lintek na babaeng 'yun! Napalingon ako sa kaibigan niya. "Hi guys..." bati ko na lang sa kanila. "I'm Jenarayan." pakilala ko ulit. Napatingin ako kay Alden. Nakatitig kasi siya ng malagkit sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya at uminom ng juice! Gago! Huwag kang magpa-cute! May asawa na ako! Napatigil ako sa pag-inom ng juice nang may naglapag ng isang bucket ng beer. Mabilis na kumuha ako ng isang bote at uminom! Kailangan ko 'to! "Tara dancefloor na tayo!" sigaw nung kasama namin sa mesa! Nagsitayuan sila kaya nakahinga ako ng maluwag. Atleast pwede akong maglasing dito. Uuwi rin agad ako dahil baka hanapin ako ng 'asawa ko'. Nag text naman din ako kay Jerome. Sabi ko lalabas lang kami ng kaibigan ko saglit! Hindi ko alam ang reply niya dahil sending pa lang ang message, binalik ko na siya sa bag ko. Napatingin ako sa mesa namin para kumuha sana ng pulutan. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Alden. Hindi pala siya sumama? Napatingin ako sa katabing upuan niya. Walang nakaupo at sa akin din. So kami lang dalawa? Anak ng! Baka ma-issue kami! Tumingin siya sa akin kaya napangiti na lang ako. "Jenarayan, right?" salita ni Alden. Huh? Nagulat ako doon. Akala ko ba crush ako ng isang 'to? Bakit hindi niya alam ang pangalan ko? Style niya lang ba 'to?! Tumango na lang ako. "Ang unique ng name mo.." nakangiting sabi niya. "Yeah! Never akong mahi-hit sa NBI!" sabi ko at tumawa kaming pareho. "Good for you." nakangiting sabi niya. "Bakit pala hindi ka sumama sa kaibigan mo?" tanong ko. I tried myself na hindi tunog pinapaalis ko siya. Hindi ako komportable sa kanya! "Pinapalayas mo ba ako?" nagbibirong tanong niya. Kinabahan naman ako. Ano 'to joke are half meant to be ba ang peg niya? "Hindi naman. Nagulat lang." sabi ko. "Eh, ikaw bakit hindi ka sumama?" siya naman ang nagtanong. "Nah! Gusto ko lang magpalasing sa gabing 'to. Bwisit kasi 'yung team leader namin!" sabi ko at uminom ulit ng isang redhorse. "Narinig ko ang nangyari..." sabi niya. "So nag resign ka?" Technically yes pero alam ko naman na simula pa lang ayaw niya na sa akin ng team leader namin at hinihintay lang niya ang chance na 'to para mapatalsik ako... Huminga na lang ako ng malalim at tumango. Ngumiti lang ako sa kanya. Nagkwentuhan kami ni Alden sa napakaraming bagay. Okay naman siyang kausap. Palabiro siya kaya palagi lang akong tumatawa! "Sayaw tayo!" yaya niya bigla. Inilahad niya pa ang kamay niya. Napatingin ako sa kamay niya. Biglang naging fifteen ang limang daliri niya sa kamay sa mga mata ko. s**t! Lasing na yata ako! Alam kong lasing na ako pero imbes na umalis ay at umuwi dahil baka magkaproblema pa ako... "Siga ba!" at iniabot ko ang kamay ko sa nakalahad niyang kamay. Lasing talaga ako! Ano bang ginagawa ko?! Pumunta kami sa dancefloor! Pumwesto si Alden sa likuran ko. Tumalikod naman ako sa kanya at nagsimula ng sumayaw. Bigay na bigay ako sa mga kembot ko. Hindi ko namalayan na pinagdikit niya ang katawan namin at sumayaw na rin siya sa likuran ko. Oh, he's not a bad dancer! Ilang minuto rin kaming nagsasayaw ng bigla niyang hinawakan ang bewang ko. "Ang hot mo..." bulong niya. Lumingon ako. "I know right!" malanding sabi ko. Tumawa lang siya. Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Alam ko kasing may sasabihin siya. Baka i-compliment niya ulit ako! "Wanna go somewhere?" Nawala ang ngiti ko sa tanong niya. Ew! Aalisin ko nasana 'yung kamay niya sa bewang ko kaso nawalan ako ng lakas at napahawak sa kamay niya imbes na alisin 'yun. "'Yung tayong dala-" hindi na natapos ni Alden ang sasabihin niya nang may biglang humablot sa kanya at sinuntok siya ng sobrang lakas kaya tumilapon siya! "Ald-- "Gago ka!" Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko kung kaninong boses na 'yun. Parang nawalan ng kulay ang mukha ko nang lumingon ako ay nakita ko ang nagpupuyos sa galit na si Jerome! "Jerome!" kinakabahang tawag ko sa pangalan niya. Lumapit siya sa akin kaya napaatras ako. Gusto kong tumakbo playo sa kanya pero alam kong mas lalo lang siyang magagalit sa gagawin ko. Marahas na hinawakan niya ang kamay ko. Napangiwi ako sa sakit! "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Jenarayan?!" galit na tanong niya. "A..ano kasi-" hindi ko napigilan ang mapaiyak. "Sorry, Jerome. Sorry. Hindi ko sinasadya." umiiyak sabi ko. "Ang gusto ko lang naman ay magliwaliw ngayong gabi dahil nag resign ako sa trabaho pero hindi ko aakalain na aabot sa ganito!" paliwanag ko. Itutulak ko naman si Alden eh kaso nawalan ako ng lakas! Hindi ko nasabi yun dahil nataranta na ako at ayokong mas magalit pa siya! Kasalanan ko talaga to eh! Bwisit! Dapat umuwi na lang ako eh! "Sorry na!" umiiyak na sabi niya. "Uuwi na tayo! Mag-uusap tayo ng masinsinan sa bahay!" ma-owtoridad na sabi niya. Tumango lang ako! Hinila niya ako paalis nang biglang magsalita si Alden. "Hoy, pare saan mo dadalhin ang girlfriend ko?!" sigaw ni Alden. Nanlaki ang mata ko at napalingon sa kanya. Ano ang pinagsasabi ng lalaking 'to!? Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak ng kamay ni Jerome at narinig ko ang napakaraming mura sa bibig niya. Lagot! "Girlfriend?" Puno ng galit na sabi niya. Napalunok ako at hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. "Jerome, hindi totoo ang pinagsasabi-" binitawan ni Jerome ang kamay ko at pumunta kay Alden! Sinutok niya ito sa mukha. "Gago ka!" sigaw ni Jerome! "Anong girlfriend?! Asawa ko ang babaeng 'to!" sigaw niya at pinagsisipa si Alden. "Jerome..." may lumapit sa kanyang bouncer at pinigilan siya. Lumapit na rin ako. "Gago ka! Gago ka! Gago ka!" sigaw niya habang pumipiglas sa mga bouncer ng bar. Yinakap ko siya galing sa likod. "Jerome, tama na. Umuwi na lang tayo please." pagmamakaawa ko. Baka mapatay niya pa si Alden! Hindi ako concern sa lalaking 'yun. Ayoko ko lang talagang mapasama si Jerome. Tumigil naman siya sa pagmumura at ramdam ko ang malalim na paghinga niya. "Tara umuwi na tayo!" sabi niya at hinawakan ako. Hinila niya ulit ako palabas. "Madami kang dapat ipapaliwanag sa bahay Jenarayan!" Tumango lang ako. Nag nasa may pintuan na kami ng bar sumigaw si Alden. "May asawa ka na?!" hindi makapaniwalang tanong ni Alden. Alam kong ako ang tinutukoy niya. Hindi na ako lumingon dahil natatakot ako. Natatakot ako sa mga ekspresyon na makikita ko sa mga taong nandoon. "Huwag mo na siyang pansinin." madiin na sabi ni Jerome at inakbayan niya ako habang palabas kami ng bar. ------ "DAMN it!" Sigaw ni Jerome nang makapasok kami sa kotse niya. Takot na takot ako sa kanya. Kasi ngayon ko lang siyang nakitang ganito kagalit! At sa akin pa siya galit! "J..Jerome.." tawag ko sa kanya. "Bakit ka nakikipagsayawan sa lalaking 'yun?!" Sigaw na tanong niya. "Jerome... Sorry talaga..." umiiyak na sabi ko sa kanya. Hindi ko rin alam talaga eh. Hindi ko alam kong anong napasok sa utak ko at nakipagsayawan ako sa lalaking 'yun! Lasing na siguro talaga ako! Pero hindi ko naman pwede sabihin yun kay Jerome dahil baka magwala lang siya! "s**t!" Sabi niya. "Ilang nainom mo Jenarayan?!" Sigaw na tanong niya! Napatalon ako sa inuupuan ko. "L-limang bote lang Jerome!" Natatarantang sagot ko. Naamoy niya ba ako? "That's it! Hindi ka na kailanman iinom na hindi mo ako kasama! Kasi kapag nakainom ka kung anu-ano ang pinagagawa mo! Tapos hindi mo maalala ang nagawa mo kinabukasan!" Sabi niya. Huh? Napatitig ako sa kanya. "Paano mo nalaman?" Tanong ko. Kaibigan ko lang ang may alam ng bagay na 'yun ha! Hindi nga alam ng papa ko na umiinom ako! "Yeah?!" Tumawa siya ng pauyam. "So tama talaga ako?" Tanong niya. Napatitig ako sa kanya. "Fine! Sasabihin ko sa 'yo!" Sabi niya at umarap sa akin. "Hindi yung pumunta ako sa bahay niyo bilang kaibigan ng tatay mo tayo unang nagkita! Nakita kita sa bar ng kaibigan ko. Kasama mo ang mga katrabaho mo! You were so beautiful at that night! Buong gabi lang ako nakakatitig sa yo! Habang ikaw inom ng inom at masayang nakikipagkwentuhan sa katrabaho mo!" Sabi niya. "Nang pumunta ka sa dancefloor, sinundan kita at damn... Yung ginagawa mo sa lalaking 'yun kanina, ginawa mo rin sa akin noon but never akong nag attempt na halikan ka kasi nirerespeto kita! Gusto ko lang makuha ang number mo para maaya kita sa isang matinong date!" Sigaw niya. Nakita kong namula ang pisngi niya. Teka... Napahawak ako sa dibdib ko dahil ang lakas ng t***k nito! "Kaso hindi mo nabigay ang number mo kasi nakalimutan mo 'to at hindi ka na bumalik nang nagpaalam kang iihi ka lang! Gabi-gabi ako sa bar ng kaibigan ko para makita kita pero hindi kita nakita! Hindi ka na bumalik. Kaya ang ginawa ko, hiningi ko ang cctv footage ng bar ng gabing yun at pagkatapos prinint ko ang mukha mo gamit noon para mapahanap ka..." Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya... "Nahanap kita pero hindi ko alam ang sasabihin ko at gagawin ko. Kasi baka matakot ka lang dahil para akong baliw na bigla na lang susulpot sa buhay mo kaya ang ginawa ko... Kinaibigan ko muna ang tatay mo..." nakita ko siyang ngumiti. "Oo! Patay na patay na ako sa yo, Jenarayan Reyes!" Sabi niya. Punung-puno ng emosyon ang mga mata niya. Napalunok ako! Ito na ba ang moment na sasabihin ko na ang haba ng hair ko!? "Kaso ikaw, parang kapatid lang ang turing mo sa akin. Ang manhid mo rin eh! Oo mas matanda ka pero, sinabi at pinaramdam ko naman sa yo simula pa lang na wala akong planong maging kapatid mo gusto kong maging boyfriend mo! At kapag sinuswerte ka naman, naging asawa pa kita.." sabi niya. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Totoo ba 'to? "Pero kahit anong gawin ko, hindi mo ako mamahalin kasi bata lang ang tingin mo sa akin..." malungkot na sabi niya. "No..." sabi ko bigla. Humarap ako sa kanya ng mabuti. Manghang tumingin siya sa akin. "Anong sabi mo?" Parang nabuhayan siya sa sinabi ko. "Jerome, mali ka ng iniisip! Mahal kita." Sabi ko. Hindi ko alam dahil ba sa nakainom ako kaya ang lakas ng loob kong sabihin sa kanya 'to! "Mahal kita!" sigaw ko sa kanya. Natulala siya sa sinigaw ko. "Oo inaamin ko hindi ko naaalala yung unang beses tayong nagkita! Pero noong unang pumunta ka sa bahay namin, nagkagusto agad ako sa yo. Sino bang hindi? Ang gwapo-gwapo mo, ang macho mo tapos ang bango-bango mo pa kaso noong sinabihan ako ni papa na wag akong magkagusto sa yo dahil mas bata ka pa sa akin, pinigilan ko ang sarili ko! Kasi baka magkasala pa ako sa yo!" Sabi ko. May tumulo pang luha sa mga mata ko. Hindi dahil sa malungkot ako kundi sobrang dami ng emosyong nararamdaman ko sa loob ko at parang ....hindi ko alam! Basta tumulo na lang 'yung luha ko! Yinakap niya ako ng mahigpit. "Damn! Ang saya-saya ko!" Sabi niya at bigla siyang lumayo sa akin at hinalikan ako sa labi. Nagulat ako. Pero mamaya lang ay napapikit ako. Ang sarap sa pakiramdam ng halik niya! May nararamdaman ako sa tiyan ko. Parang nagkagulo ang bulate doon! Siguro nga tama yung nababasa ko sa pocketbook noon. Kung hindi mo kayang i-express sa pasalita ang nararamdaman mo sa taong mahal mo, tiyak sa halik, doon maipaparamdam mo ang gusto niyong iparating! Biglang gumalaw ang labi niya. "Baby part your lips..." malambing na anas niya. Ginawa ko naman 'yun sinabi niya. Parang may mahika lahat ng sinasabi niya kaya sinusunod ko agad! Boltaheng-boltaheng kuryente ang naramdaman ko ng ginalugad ng dila niya ang loob ng bibig ko. Damn! Namungay ang mga mata ko at napapikit. Parang nahihilo ako at nanghihina... Alam kong nakainom ako pero bakit ganoon... Ang sarap sa pakiramdam ng ginagawa niya... Naging malikot na rin ang mga kamay niya. Yung kamay na nakahawak sa batok ko, bumaba na para bang hinahaplos ang likod ko. Napahawak ako sa balikat ni Jerome ng pinasok niya ang kamay niya sa loob ng damit ko. Hinawakan niya ang katawan ko. Gosh!! Hiningal ako bigla. Nakagat ko ang labi ko ng humaplos ang kamay niya pataas patungo sa dibdib ko. "Ah!" Malanding daing ko. "Jerome..." sabi ko sabay hawak sa kamay niya at pinigilan yun. Nailayo ko din ang bibig ko sa kanya. Narinig ko siyang umungol na para bang hindi nagustuhan ang ginawa ko... "Baby..." tawag niya sa akin. Gusto kong mapalatak dahil yung boses niya.... nakaka turn-on! Aish! Ang init-init na talaga! Hinawakan niya ulit ang batok ko at hinalikan ulit ako.... Pinatakan niya ng isang halik ang labi ko tapos hinalik-halikan ang mukha ko. Bumaba ang halik niya sa leeg ko. Oh damn it! Napasabunot ako sa buhok niya... "Jerome..." tawag ko sa kanya. "Yes baby..." malambing na sagot niya. Aish! Napaawang ang bibig ko habang nakapikit. Hindi ko na kaya! Hindi ko na kaya ang ginagawa niya! Mahal ko siya! "I love you..." mahinang saad ko. Mahal na mahal ko siya! Narinig ko siyang nagmura and damn! Ang sexy sa pandinig! Mas lalong nag-init ako! "Mahal na mahal rin kita baby..." sabi niya at hinalikan niya ulit ako sa labi ko. Nakipagsabayan na ako sa kanya sa paghalik... Ginaya ko lang ang mga galaw niya! Nagpalitan kami ng maiinit at mapusok na halik! My God! Ang init ng palad niya, ang sarap pa ng halik niya! Bumaba ulit ang kamay niya... Ngayon... Pababa ito sa pantalon ko.... Bigla akong napaso ng hinawakan niya ang gitna ko at pinisil 'yun kahit nakasuot pa ako ng pantalon! Naitulak ko siya. Nagulat ako sa ginawa niya. Ganoon rin siya, nagulat sa ginawa ko. "What's wrong?" Tanong niya. Shucks! Tinatanong niya pa talaga?! Dito ba talaga namin gagawin ang bagay na 'yun?! Damn it! First time ko 'to! Dapat romantic! "'Wag dito, Jerome..." sabi ko. Shucks! Hindi ko makilala ang boses ko. Nakita ko siyang naguluhan sa sinabi ko... Pero mamaya parang na-gets rin niya ang sinasabi ko... "Ah..." sabi niya tapos ngumiti sa akin. Nag-init ang pisngi ko dahil doon. "Ang bilis ko yata..." namimilyong sabi niya. Inirapan ko lang siya. "Ipagpatuloy na lang natin 'to sa bahay natin..." pilyong sabi niya at kinindatan pa talaga niya ako. Parang umusok ang ulo ko dahil parang doon lumabas ang sobrang init na nararamdaman ko sa may pisngi ko. "Jerome ha!" Sabi ko para sana awatin siya pero 'yung boses ko, babaeng-babae! Naku naman! Nakakahiya! Tumawa lang siya. "I love you..." sabi niya. Parang gusto kong kumembot-kembot sa kinauupuan ko dahil sa sinabi niya. "I love you too..." mahinang sagot ko. "Damn!" Mura niya. "Ang saya ko! Sa wakas mahal rin ako ng babaeng mahal ko!" Sabi niya. Napangiti ako. "Si parekoy pala ang dahilan kaya pinipigilan mo ang nararamdaman mo. Humanda siya sa akin hindi ko na siya ipapasyal sa bar ko!" Sabi niya. Hindi ko napigilan na kurutin siya. "Parekoy ka dyan..." sabi ko sabay sandal sa balikat niya. "Tatay mo rin siya kaya tawagin mo siyang papa..." sabi ko. Tumawa lang siya. "Nga naman!" Sabi niya sabay halik sa ulo ko at pinaandar niya ang kotse niya. Napangiti ako. Hindi ko aakalain na mangyayari to. Matagal ko ring tiniis ang nararamdaman ko sa kanya. Laging tinatatak ko sa utak ko na hindi pwede 'yung nararamdaman ko dahil mas bata siya sa akin! At tingin ko wala rin naman siyang feelings sa akin... Pero ngayon alam ko na pareho kami ng nararamdaman. At kahit hindi man typical ang pagkakasal namin, magiging mabuting asawa at ina ako sa magiging anak namin. Hindi dahil kasal na kami at wala na akong magagwa kundi dahil mahal na mahal ko siya. Mahal ko ang totoy na parekoy ng tatay ko! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD