bc

WOLF WARRIOR AND FATED SOLDIER( Tagalog )

book_age16+
152
FOLLOW
1K
READ
billionaire
fated
witch/wizard
luna
bxg
mystery
werewolves
soldier
supernature earth
superpower
like
intro-logo
Blurb

WOLFA - isinilang  na kakaiba mga magulang na may kaniya-kaniyang pinagmulan. Ang ina ay makapangyarihan mangkukulam at ang kaniyang ama ay isang malakas na lobo. Si WOLFA ang nakasaad sa propesiya ng mga lobo  na maging kasalag at tagapagtanggol ng dalawang lahing pinagmulan....

NATHANIEL- anak ng mga ordinaryong tao ngunit biniyayaan ng kakaibang talento. Sapamamagitan ng kaniyang panaginip ay kaya niyang makipag-ugnayan. At nakikita rin  niya ang mangyayari sa hinaharap. Siya ang nakatadhana para kay Wolfa na maging kalasag at tagapagtanggol ng mga tao at lobo.

chap-preview
Free preview
EPISODE 1: Nakatagong Isla
KASALUKUYANG naglalakad si Wolfa sa isla ng kanilang nasasakupan dahil nais niyang masiguro na walang kalaban na makapasok rito. Lalo na ang mga itim na lobo na mortal nilang kalaban. At sa pag-ikot-ikot niya ay natanaw nito ang bangkang de-motor na mayroong sampung sakay na mga lalaki. Maingat siyang tumakbo at lihim na lumapit at nagkubli. Minamanmanan niya ang mga ito at maya-maya pa ay may ibinaba silang malalaking mga kahon. Ipinipikit ni Wolfa ang mga mata niya upang alamin kung ano ang mga laman nito. Nakita niya sa loob ang mga mahahabang armas sa loob ng kahon at may mga granada ring laman. "Siguraduhin ninyo na may mahuhuli kayong mga lobo! Dahil malaking pera ang kikitain natin dito!" turan ng isang lalaki na sa tingin ni Wolfa ay ito ang leader nila. "Okay, boss." Nang marinig ito ni Wolfa ay agad siyang umaalulong bilang pagbibigay babala niya sa mga kasamahan. Natakot naman ang ibang mga armadong lalaki nang marinig nila ang alulong na iyon. "Maghanda kayo!" utos ng leader nila. Akala nila ay susugod ang mga lobo pero ang hindi nila alam na ang alulong ng iyon ay para magtago ang mga lobo. Gumamit ng orasyon si Wolfa, ginamit niya ang pagiging mangkukulam at nagtawag siya ng mga mababangis na insekto. "Boss, may narinig ka bang ingay?" tanong ng isa niyang tauhan. "Ano iyan?!" Gulat na reaksyon ng isa pang lalaki at itinuro ang kulay pula na insekto na halos hindi nila mabilang sa dami nito. "Barilin n'yo! Barilin n'yo!" paulit-ulit na sigaw ng kanilang leader. Babarilin na sana nila ito, subalit biglang nanigas ang mga kamay nila. Para silang mga robot na ginagamitan ng remote control. "Ano'ng nangyari?! Bakit hindi ako makagalaw?!" galit na sigaw ng leader nila. "Ako rin." tugon ng mga, tauhan niya. Huminto ang mga red bug sa harapan nila at kasabay ng paglabas ni Wolfa. Kalmado itong naglalakad papalit sa sampung lalaki. Huminto siya sa harapan at ibinaba ang hood na nakatakip sa ulo niya. "Sino ka?!" tanong ng leader sa kanya. "Sino ang nagsabi sa inyo na mayroong mga lobo sa isla na ito?" kalmado pa rin niyang tanong. "Isang negosyante! Siya ang nagsabi sa amin!" kinabahan nito tugon. "Magkano ang bili niya sa bawat lobo na nahuhuli ninyo?" curious niyang tanong rito. "Dalawang milyon." "Ano ang pangalan niya?" Matagal bago nakasagot ang leader at nag-iisip ito kung dapat ba niyang sabihin. Pero dahil sa sobrang takot nito ay napilitan siyang sabihin. "Vance Moore!" "Saan siya puwedeng matatagpuan?" kalmado pa rin na tanong ni Wolfa. "H-hindi ko alam, dahil sa phone ko lang siya nakausap. Pero ang business partner niya ang nagturo sa amin dito." "Ano ang pangalan?" "Raskha—" "Tama!" biglang sabat ng isang lalaki at lumingon siya. "Itim na lobo!" bulalas ni Wolfa sa isip niya. "Sino ka?" tanong ni Raskha, dahil hindi niya naamoy ang pagiging lobo ni Wolfa. Hindi rin nito alam na ang kaharap nila ngayon ay ang bagong heneral ng mga lobo. "Sa tingin mo ba magtatagumpay kayo?" kalmado pa rin niyang tanong. Ngumisi si Raskha at dahan-dahan na lumapit sa kaniya. "Hindi ang isang tulad mo ang makakaligil sa—" Hindi natuloy ang sasabihin nito sapagkat bigla siyang kinontrol ni Wolfa gamit ang isip niya. Nanigas ang katawan nito na tulad sa sampung lalaki. "Sino ka?! At bakit may kapangyarihan ka na kontrolin kami?!" gulat niyang tanong at nakaramdam ng konting takot. Hindi sumagot si Wolfa, bagkus inutusan niya ang mga red bug upang atakihin ang sampung lalaki at gano'n rin ang limang lobo na nag-aanyong tao. Kaniya-kaniyang sigaw ang mga ito at pagulong-gulong sa lupa. "Ang mga itim na lobo na tulad ninyo ay walang karapatang tumungtong sa islang ito!" pahayag niya, at ikinagulat ito ni Raskha. "Bakit mo alam?!" pagtataka nitong tanong. At mas lalong lumakas ang takot niya nang makitang umiitim ang mga katawan ng kasamahan niya at ganoon rin ang sampung lalaki. Sa lahat ng tanong ni Raska ay walang ni isang sagot si Wolfa. "Bibigyan kita ng isang pagkakataong mabuhay, pero sa susunod nating pagkikita ay sisiguraduhin kong mapatay na kita!" Nang maigalaw ni Raskha ang kaniyang katawan at agad itong nagpalit ng anyo at naging ganap na itim na lobo. Dahil sa sobrang takot ay kumaripas ito nang takbo. "Wolfa, ano ang nangyari dito?" tinig ng ama niya na biglang sumulpot. At kasama rin ang kaniyang ina. "May gustong manghuli sa ating lahi dahil sa halagang dalawang milyon." "Mga ordinaryong tao ito! Paano nila nalaman ang islang ito?" pag-alala na tanong ni Wolham, ang ama ni Wolfa. "Dahil sa itim na lobo." At sabay tingin niya sa limang bangkay na mga lobo. "Umatake ang aking kapatid?!" gulat na tanong ng ama nito at nilalapitan ang mga bangkay. "Ang anak niya, si Raskha." "Nasaan siya?" Galit si Wolham at palinga-linga ito sa paligid. "Pinakawalan ko siya, Dad." "Pero bakit, anak? Muntikan na niyang ipahamak ang lahi." pagtataka na tanong ng ina niya. "Dahil kailangan natin malaman kung saan ang bago nilang kampo at kung sino-sino ang mga ka business partner ng ama nila." "Uhmm, tama ang ginawa mo anak." Sumang-ayon ang ama niya sa plano nito. "Kailangan na malaman ito ng buong lahi, at kailangan na mag-doble ingat tayo," pahayag ni Wolfa. "Ako na ang bahalang magbalita sa buong lahi natin," turan ng ama niya. "Sige, Dad. Pupunta muna ako sa siyudad." "Mag-ingat ka, susunod na lang kami ng Daddy mo." "Okay po, Mom." Ginamit ni Wolfa ang bangkang de-motor. Sinadya niyang maglayag sa karagatan upang matingnan ang paligid, at siguraduhing ligtas ang isla nila. Hanggang sa nakatawid si Wolfa ng siyudad. Gamit ang isip ay tinawag niya ang insekto na inutusan nito para sundan si Raskha. Pagkalipas nang ilang minuto ay nasa harap na niya ang kulay itim na insekto. "Dalhin mo ako sa kampo nila," utos niya rito. Lumipad ang insekto at sinundan niya ito. Malayo rin ang narating ni Wolfa, dahil mula sa siyudad ay isang oras din ang kaniya nilakbay. Sa isang malawak na kagubatan ay natanaw niya ang isang malaking bahay at maraming mga tao sa paligid. Maingat siyang lumapit para siguraduhin na lahat ba ito ay lobong itim.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.0K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

His Obsession

read
72.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook