bc

It Ain't Me (The Arranged Marriage Series #1)

book_age4+
19
FOLLOW
1K
READ
spy/agent
drama
twisted
sweet
humorous
heavy
lighthearted
serious
mystery
male lead
like
intro-logo
Blurb

WARNING: (R-18) Some scene are not suitable for young readers and innocent one. So, read at your own risk. Thank you ❤

It Ain't Me (The Arranged Marriage Series #1)

Cassandra Kate Del Rious, the eldest and the most gorgeous heiress among 3 siblings, while Zymon Gabriel Sandoval, an agent and the naughty bachelor in his clan....

.... are in an Arranged Marriage situation.

Both are surprised but only Cassandra refused! Maybe, every girl does. Not because she does not like Zymon Gabriel, but because she knew he has a rumored girlfriend and this will be a big trouble! For sure!

This story is written in taglish.

-Princess Bham ❤

Alrights reserved

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
EVERY once in a while, someone comes into your life and you will wonder how you ever lived life without him..... "And that's what they called love...." Napapailing na isinatinig ko ang huling linya sa caption ng bestfriend kong si Reizeree Claine Santiago sa post niya sa i********: habang inlove na inlove sa boyfriend niyang half German na si Clenht Harrison Segovia. Kasalukuyan itong nasa New York kasama ang kasintahan because they we're celebrating their third year anniversary. Napasimangot ako at wala sa loob kong mag-compose ng comment sa comment section. "Love never lasts and not real." Iyan sana ang iko-comment ko sa post niya subalit nagdalawang isip ako. Naisip ko, baka putaktihin ako ng mga bashers at haters sa social media. Lalo pa't kilalang-kilala ang pangalan ko. Mahirap na. Ayaw kong masira ang image ko as a bitter person. At pagtatawanan lang din ako ni Reizeree. Hush... So, I immediately deleted my composed comment and took a deep breath. Kaagad kong inilapag sa ibabaw ng kama ko ang cellphone ko para magpunas ng tumatagaktak na pawis. It's summer and it's really really hot outside. Kagagaling ko lang din kasi sa gym.. of course to maintain my figure, duh! Hindi ako pwedeng tumaba dahil masisira ang career ko as a commercial model. Nagtungo ako sa veranda ng kwarto ko at doon muna nagpahangin. Tuloy, muli kong naalala ang post ni Reizeree.. She was so happy and so in love.. I smirked and shook my head. "I really really don't believe in love.." I was only thirteen when I realized that true love doesn't really exist and it never really felt by each and everyone of us. At hindi rin tumatagal. Nagkakasawaan din kaagad. Hindi na talaga ako naniniwala sa love na 'yan ever since. Because, if there is true love, magkasama pa sana sina Daddy at Mommy ngayon.. If there is true love, why do they have to walk in a separated way? Bakit kung kailan nabuo na kaming tatlo ng mga kapatid ko ay saka naman sila nagpasyang maghiwalay? And I remember what Daddy told me the day after Mommy left him.. He said, that they don't really love each other when they get married. It's just an arranged marriage so that they lived together. At kahit pa nga umabot na ng isang dekada silang nagsama ay hindi pa rin daw nila minahal ang isa't-isa. So, they decided to file an annulment and have a separated lives.. I and my sisters have nothing to do with that. Napabuga na lang ako sa hangin. Saktong pabalik na ako papasok sa kwarto nang makasalubong ko ang newly hired personal assistant ko na si Zeyriah Ameerie Zuñiga. Yumukod ito sa akin at ngumiti bilang pagbati. Lumabas tuloy ang maliliit na biloy sa gilid ng mga labi niya. She's so pretty. "Ma'am Sandie, ipinapatawag po kayo ni Don Claudio sa opisina niya. May paguusapan daw po kayong importante." aniya. Nakangiti pa din. Bahagyang nangunot ang noo ko at huminto ako sa paglalakad. Tumingin ako sa mga mata niya na naiilang pang tumingin pabalik sa akin. "Sa tingin mo, anong paguusapan namin, Zeyriah? Bakit naman niya ako ipatatawag, hmm? Alam naman niya na oras ng pahinga ko ngayon.." nangalumbaba kong tanong habang nakahalukipkip ang isang kamay ko sa bandang dibdib ko. Nagtatanong pati ang mga mata kong nananatiling nakadapo sa mukha niya. Ikinailing naman iyon ng P. A ko. "Hindi ko rin po alam, Ma'am Sandie. Nagulat nga rin po ako nang bigla akong tawagin ni Don Claudio." anya habang kumakamot ng sintido. "Naroon po ang Daddy niyo sa opisina niya at maghihintay daw po siya sa iyo ng sampong minuto." Nanliit ang mga mata ko sa sinabi niya. "Gano'n kabilis? Hush.. Alam ba niya kung gaano kalayo ang kwarto ko sa opisina niya? Duh! Si Dad talaga, kahit kailan!" napapapadyak kong sabi at saka dumeretso na sa loob. Sobrang pagod pa ako at gusto ko munang magpahinga ang kaso kapag oras na nagpatawag si Dad.. dapat ay oramismo, kumaripas ka na ng takbo patungo sa kanya. Napaka-istrikto ni Daddy. Mas lalo pa siyang naging mahigpit noong nagdalaga na kami nina Zekeira Fraine at Vreniah Reign. Pero, kahit naman istrikto 'yon si Dad.. super galante naman sa amin. Lahat ng luho namin, naibibigay niya. He's the best Dad for me, ever! Napapailing na lamang ako at dali-daling pumunta ng bathroom. I took a quick shower and then I get dressed. I am so thankful talaga na nandiyan si Zeyriah Ameerie para ihanda ang lahat kong kakailanganin. After magbihis ay mabilis kong kinuha ang make up kit ko at mabilis na naglagay sa mukha. Tinulungan na rin ako ni Zey, siya na ang nagayos ng buhok ko. Kailangang presentable ako kapag humaharap kay Dad dahil everytime na ipinapatawag niya ako ay kadalasan mayroon siyang mga unexpected visitors na pinapapasok niya sa private office niya. Exactly ten minutes ay natapos din ako. Masuyo ko munang kinilatis ang sarili ko sa whole body mirror bago ako humarap kay Zeyriah. "How do I look, hmm?" "You are beautiful as always, Ma'am Sandie.. Napakaganda mo po sa suot mong black fitted dress with matching silver purse and stiletto." nangingislap ang mga matang papuri niya sa akin. I smiled. "Hmm.. How about my make up? Baka pagalitan na naman ako ni Dad kapag nakapalan ko 'yan.." turo ko sa blush on ko. Umiling si Zeyriah. "Napaka-simple lang po ng make up niyo. Mukha ka nga pong walang make up, eh. Natural na natural po. Sobrang ganda niyo po!" napapapalakpak pa siya sa tuwa. "Hush... Parang palaging bago naman sa 'yo ang ayos ko, Zeyriah. One month mo nang nakikita ang ganda ko. Inuuto mo na lang yata ako, eh." kunwari'y maktol ko at sabay irap sa hangin. "Naku.. Hindi po, Ma'am Sandie. Hindi po kita inuuto.. Maganda ka po talaga.." umiiling-iling at pagkuwa'y nangiti. "And, you too.. You are pretty! Hush.. shy girl.." napapilantik ang daliri ko nang mamula siya pagkasabi ko no'n. "Hay naku! Halika na nga.. Samahan mo na akong bumaba. Baka nilalamok na 'yon si Daddy sa kakahintay sa 'kin." natatawa kong sabi bago nagpatiunang lumabas ng kwarto. Pagkarating namin ni Zeyriah Ameerie sa private office ni Dad ay agad niya na akong iniwanan dahil hindi siya pwedeng pumasok sa loob. No one allowed to get in except the family. Kakatok na sana ako sa pinto nang kusa na itong bumukas at agad na dumapo ang paningin ko kay Dad na nakakunot na ang noo. Natagalan yata ako. Ni hindi ko na napansin kung sino ang nagbukas ng pinto sa akin dahil deretso lamang ang tingin ko sa kinauupuan ni Dad habang magkasalubong ang mga paningin namin. "Good evening, Dad." bati ko kay Daddy at ginawaran ko siya ng mababaw na halik sa pisngi. "Bakit niyo po ako ipinatawag?" Imbes na sagutin ay sumenyas siya sa akin na maupo sa katabi nitong upuan. Nang umikot ako para maupo ay doon ko na nakita ang mga hindi ko nakikilalang mga bisita. Who are they? Hindi ko sila kilala. Hindi ko sila napansin kaninang pagpasok ko dahil na kay Daddy lang nakatuon ang paningin at atensyon ko. Malalayo ang agwat ng mga upuan na pabilog ang pagkakaposisyon at meron ding pabilog na lamesa sa gitna no'n. Hindi ko na nagawa pang lumapit sa mga ito. Kaya't bilang respeto sa mga ito ay yumukod muna ako sa kanila at bumati. "Hello everyone, Good evening po." tiningnan ko sila isa-isa saka tinapunan ng napakagandang ngiti. Subalit, napakunot ang noo ko sa lalaking nakaupo sa may kanang bahagi ng kinauupuan namin dahil sa hindi man lang niya ako tiningnan. Nakayuko lamang ito na parang walang narinig na mayroong nagsasalita. "Please be seated now, Cassandra." pormal na utos ni Daddy kaya naman ay agad na akong tumalima. "Totoo ngang napakaganda talaga niyang anak mo, Don Claudio. At mukhang napakamasunuring anak." nangingislap ang mga matang saad ng lalaki na halos kasing-edaran lang ni Daddy, nasa sixties lang din yata. Katabi nito sa pandalawang upuan ang napakaganda ring babae na kung titingnan ay mukhang mataray ngunit dahil sa napakaganda ng ngiting nakaguhit sa mga labi nito ay medyo nabawasan ng kunti ang mataray nitong mukha. I smiled at them. "Thank you po." agad akong sumagot sa papuri sa akin ng matandang lalaki. "I agree with that. She's really beautiful.. For sure, magkakasundo sila ni Zymon. Right, son?" ani naman ng babae at bumaling sa nakayuko pa ring lalaki. Umangat lamang ito ng paningin ng tapikin na ito ng ginang. Lihim akong napangisi nang magulat ito. Nang umangat ito ng tingin sa matandang babae ay napailing-iling ito. Kinisap-kisap din nito ang mata na animo'y bagong gising. Ako naman ang napailing katitingin sa lalaki. Kaya, ibinaling ko na lamang ang paningin kay Dad at para sana tanungin itong muli sa kung ano ang paguusapan namin ngunit umatras ang dila ko nang makita ko itong napakaseryoso ang mukha. Mukhang napakalalim ng iniisip. Muli ko na lamang ibinalik ang paningin sa mga bisita. Ngunit, bigla akong napakurap-kurap at bahagyang sumikdo ang dibdib ko nang magtama ang mga mata namin ng lalaking nakayuko kanina. Oh my, hush!! Siya 'yong makulit na ka-batch mate ko no'ng college! Tumiim ang titig niya sa akin na animo'y pinagaaralan ang mukha ko. "Cassandra Kate.." tumayo pa ito para lumapit sa kinaroroonan ko. Nakasunod ang mga mata ko sa kanya kaya't napatingkayad na ako nang lubusan na siyang makalapit at huminto sa harapan ko. "Zymon Gabriel Sandoval... I-Is that really you?" namimilog ang mga mata kong tanong. Hindi ko magawang ipuknat ang paningin sa kanya. He changed a lot. He's so gwapo na.. Inilahad niya sa harapan ko ang isang kamay niya. "Nice to see you again, Ms. Cassandra Kate Del Rious." ngumiti siya sa akin ng nakakaakit kaya't hindi ko na mapigilan ang sarili kong abutin ang kamay niya. "I didn't expect we will meet again." Ngumiti akong pabalik. "Yeah.. After six long years." sabi ko at agad nang binawi ang kamay ko sa kanya. "Yeah." tumango-tango siya at pagkuwa'y bumalik na siya sa dati niyang kinauupuan. Nanatili pa rin ang paningin namin sa isa't-isa habang napapasulyap rin ako sa tatlong matanda na kasama namin ngayon na napapansin kong lihim na napapangiti at napapatango sa isa't-isa. "So, marahil wala na rin namang problema sa bawat panig kaya't gusto ko na ring madaliin ang sasabihin." paunang sabi ni Dad na ikinalingon naming apat sa kanya. Ngunit, sa akin siya nakatingin. "Cassandra.. ipinatawag kita rito para sabihin sa 'yo at para malaman mo ito.." huminto si Dad sa pagsasalita at seryosong ipinaglilipat-lipat ang paningin sa amin ni Zymon. "You and Mr. Zymon Sandoval are getting married two months from now." Napaawang ang mga labi ko sa narinig. Natigilan ako at hindi makapagsalita. Parang kidlat ang sinabi ni Dad na bigla na lamang akong ginulat at niyanig...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.2K
bc

His Obsession

read
104.9K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.4K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook