EPISODE 2

1791 Words
ARE you crazy?!" namilog ang mga mata ko sa sinabing iyon ni Zymon at bahagya pa akong napaurong. "H-Hindi pa naman tayo kasal, ah? Eh, ba't kailangan na tayong magsama sa iisang room?? No way, Zymon! Find your own room! Hindi ako sanay na may kasamang matulog sa kwarto! Get out now!" iminuwestra ko siyang lumabas na ng pinto ngunit imbes na lumabas ay nakangisi pa itong lumapit sa akin at saka huminto ito ng may isang dipa ang layo sa akin. "That is why we need to be in a one room together. Kailangan mong masanay para kapag magasawa na tayo ay di na tayo magkaka-ilangan pa, right?" nakangisi pa rin niyang saad. Umiling-iling ako. "No, no, no. A-Ayoko pa rin. Please! Lumabas ka na, Zymon. Inaantok na talaga ako!" Nawala ang masayang aura ni Zymon. Bigla itong naging seryoso. Ilang saglit pa itong natigilan habang nakatitig sa akin. Pagkuway tumango at humugot ng malalim na buntong hininga. "Okay fine. You may rest now, babe.. But, tomorrow night we will sleep there in bed together, alright? No but's and no if's. Goodnight, beautiful," anya at bigla na lamang akong hinalikan sa pisngi at saka agad na akong tinalikuran. Nakaawang pa ang mga labi ko habang nakatingin sa pintuan nilabasan niya. Nabigla ako sa ginawa niyang paghalik sa akin. Oo nga at sa pisngi lang iyon pero parang may biglang kumiliti sa katawan ko dahil do'n! Paano na kapag naging magasawa na kami? Kung saan-saan na siya hahalik sa akin niyan? Hush! Ugh! Dali-dali akong tumungo sa banyo at agad na humarap sa salamin. Damn it! Pulang-pula ang mukha ko! Hindi ako sigurado kung nakita niya ito pero sana naman ay hindi. Pero.. eh, ano naman kung nakita niya ang pamumula ko? Hush! Mabilis akong naligo at agad nagpatuyo bago sumalampak ng higa sa kama. Nakapikit na ako't lahat ay hindi pa rin maalis-alis sa isip ko ang ginawa ni Zymon! Inaantok na ako ngunit hindi ako makatulog! Ano ba 'yan... What did you do to me, Zymon Gabriel Sandoval! Hindi mo ako pinapatulog! Ugh! Tanghali na nang magising ako dahil na rin sa nararamdaman kong pagkalam ng sikmura ko. Hush! Anong oras na ba ako nakatulog kagabi? Alas tres na yata ng umaga 'yon.. Hay naku! Bumangon ako sa kama at tumungo sa banyo para maligo. Nagbabad pa ako ng ilang minuto bago ako nagpatuyo at nagbihis. Paglabas ko sa kwarto ay agad akong pumunta sa kitchen para maghanda ng makakain ko. I know na walang maids dito dahil nasabi iyon ni Zymon kagabi kaya obligado akong magluto ng pagkain ko. Subalit, pagpasok ko sa dining area ay nakita kong naroon si Zymon habang abala sa pagaayos ng table at may kausap sa phone at... napakalawak ng ngiti! Tsh! Sino kayang kausap neto... Hindi kaya... 'yong girlfriend niya? Hindi pa rin ako nito napapansin kaya mas lumapit na ako kaya dinig na dinig ko ang pinagsasasabi nito. "Okay. Okay. Yes, I'll be there, My Precious Jade! Okay, bye!" Precious Jade? Tsh! Girlfriend niya nga! Nakita ko ang ngiti sa mga labi ni Zymon nang saktong paglingon nito ay magkaharap ang mga mukha namin. Agad namang napalis ang ngiti nito nang taasan ko ito ng kilay! "N-Nandiyan ka na p-pala.." utal nitong saad. Mukhang nagulat pagkakita sa akin. Hindi ako sumagot. Seryoso akong tumingin sa kanya kaya naman naramdaman ko ang bahagya nitong pagka-ilang. Pinilit nitong maging kaswal ang kilos pagkuway. "Come on, I've cook our lunch," yaya nito sa akin. Tumango ako at agad na ring tumalima dahil bukod sa kumakalam na ang sikmura ko ay biglang sumama ang pakiramdam ko. I need to take my lunch.. dahil kapag ganitong gutom ako ay naiinis ako sa paligid ko! "Bakit ang tahimik mo?" dinig kong tanong ni Zymon kaya ibinaba ko muna ang kubyertos na hawak ko at saka inangat ang paningin ko sa kanya at nagkatitigan kaming dalawa. "I'm sorry.." Nangunot ang noo ko. "Hmm? For what?" Huminga muna ito ng malalim bago muling tumitig sa akin. "Hindi kita ginising ng maaga para makapag-breakfast. I'm worried na baka magalit ka sa akin kapag naistorbo ko ang tulog mo kaya hinintay ko na lang na magising ka," anya sa malumanay ngunit baritonong boses. Ngumiwi ako. "You don't have to say sorry. Ganitong oras talaga ako kung gumising." kumibit balikat ako saka muling itinuon ang atensyon sa kinakain. I heard him sighed heavily.. Tsh! Parang si Daddy! "Sandie.." Tumigil akong muli sa pagkain saka muling tumingin sa kanya. "What?" "May pupuntahan ako bukas. Baka ilang days akong hindi makauwi. Isla kasi 'yon, eh. So—" "It's okay." hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya. Narinig ko naman na kanina, eh! Pero bahagya din akong nagtaka kung bakit aabutin siya ng ilang araw doon. Tsh! Spending time with his girlfriend for the last time.. Napabuga ako sa hangin. "You can go wherever you want, Zymon. I don't mind it. Yeah..it's okay with me." pilit akong ngumiti. Ilang saglit pa niyang pinagaralan ang kilos ko bago ko pa siya nakitang tumango at kumibit ng balikat niya. "Nagpapaalam ako sa 'yo dahil nakadepende na sa 'yo kung ano ang gagawin ko. Kung gusto mo ba akong umalis o hindi. Dahil kapag hindi mo 'ko pinayagan, hindi ako aalis. Syempre! Sabi ng magiging asawa ko, eh.. Desisyon mo na ang susundin ko. Your going to be my boss and my queen," nakangiting anya. Hindi ko rin tuloy maalis sa kanya ang paningin ko dahil sa narinig kong pinagsasasabi nito. "Bakit nakadepende sa 'kin? Ikaw pa rin ang masusunod sa kung anuman ang gusto mong gawin sa buhay mo kahit pa asawa mo na ako. Hindi ka robot na de-remote para sundin ang kagustuhan ko. Kaya, malaya ka sa lahat ng bagay, Zymon.." "Pero iyon ang gusto ko, Sandie. Ikaw ang susundin ko. Kaya, ngayon na may tatrabahuhin ako sa malayong Isla, papayagan mo ba akong pumunta do'n?" anya at hinawakan ang kamay ko. Napatingin muna ako sa kamay niya na marahang hinahaplos-haplos ang ibabaw ng palad ko. Napalunok ako sa kiliting dulot ng ginagawa niya ngunit hindi ako nagpahalata. Napaangat ang paningin ko sa kanya at bahagya pa akong napatalon nang makita kong titig na titig siya sa akin. Huminga ako ng malalim. "I-I told you, you can go wherever you want, Zymon. It's okay with me." sabi ko at agad na binawi ang kamay kong hawak-hawak niya. "Okay.. Sige. Tatapusin ko kaagad ang trabaho ko doon para makabalik ako agad. Aasikasuhin na natin ang nalalapit nating kasal pagbalik ko." Tumango ako. "Sige." tugon ko saka ko ibinalik ang atensyon sa pagkain. Nang matapos ay ako na ang nagpresinta na hugasan ang pinagkainan namin. Sa una ay ayaw niyang pumayag dahil ayaw niya raw masira ang malambot kong kamay ngunit wala naman siyang magagawa dahil isang tingin ko lang sa kanya... tiklop na siya. Ewan ko ba! Bakit ganyan siya? Hindi ko na lamang pinansin. So, after washing the dishes, dumeretso na ako sa room ko. Pero nagulat na lang ako nang maabutan ko si Zymon na nakasalampak sa kama ko habang prenteng nakahiga at nanonood ng movie! "What are you doing here?" untag ko dito kaya agad naman itong napalingon sa akin. "I'm watching tv, babe," ngumisi pa ito habang itinuturo ang tv na nasa harapan namin. Tsh! Pilosopo! Umikot tuloy ang mata ko. "I know your watching! Wala ka bang tv sa room mo? Bakit dito ka pa nakikinood?" napapailing ako habang hinahanap ang phone sa drawer. Napalunok ako ng i-pause niya ang tv at saka seryosong humarap sa akin ng nakatagilid. Nakapatong ang ulo niya sa isang kamay niya. "Bakit, ang sungit mo?" "This is me. Ganito na ako noon pa man." seryoso ko ring tugon. Tinitigan niya ako ng matiim. "Paano ko mababawasan ang pagiging masungit mo? Tell me." "Wala. Ginusto mo ang arrangement ng kasal natin kaya pagtitiisan mo ako," sabi ko at saka bumaling sa cellphone na hawak ko. "I wanna see you smile and laugh just like before.. Nung mga bata pa tayo, ikaw ang mahilig magpatawa sa akin. So, I'll do it to you in return.. Just tell me how to make you happy," bumangon na ito sa kama at saka lumapit sa kinatatayuan ko. Hindi ako makakilos. "Sabi mo noon sa akin.. ngumiti lang ako at itawa lang ang lahat ng problema at bumabagabag sa akin.. And you tough me how to do that.. I'll do everything for you just to see you smile. Kaya, gusto ko, ako naman ang gagawa no'n sa 'yo ngayon," anya at hinawakan ako sa pisngi. Nakatingala ako sa kanya dahil sa sobrang lapit niya sa akin at dahil rin sa sobrang tangkad nito. Aabot lang ako sa balikat nito, eh. Hindi ako makakilos at ni hindi ko maigalaw ang mga paa ko para humakbang papaatras at maging ang mga kamay ko ay nanatiling kalmado. "Tell me, babe.. How can I make you happy?" bahagya pa itong yumuko para magkalapit ang mukha namin. Nailang ako. Halos maduling ako sa sobrang lapit namin. Hindi ako makapagsalita! Kinakabahan ako. Ngunit, para naman akong binuhusan ng malamig na tubig nang maalalang may girlfriend ito.. Inilihis ko ang paningin ko at saka humugot ng malalim na buntong hininga. "I don't know, Zymon. Hindi ko alam kung ano o sino ang makagagawang pasiyahin ako. For now.. hindi ko maiwasang maging ganito dahil hindi ko pa rin matanggap ang naging desisyon ni Daddy. Hindi pa kasi ako handa, eh. Ayaw ko pang magasawa. Pero, dahil sa wala naman akong magagawa kaya kailangan ko siyang sundin." Rinig ko ang mahinang pagngisi niya kaya naoatingin akong muli sa kanya. Nakatitig na naman siya sa 'kin. "Pumayag kang magpakasal sa akin dahil takot kang maghirap, right?" Napaawang ang mga labi ko sa sinabi niya. "No! Hindi gano'n 'yon! Takot lang akong itakwil ng Daddy ko!" inis akong umatras papalayo sa kanya. "Iyon kasi ang dating, eh. Pumayag ka sa kasunduan dahil ayaw mong maipasara ang bank accounts mo at ayaw mong mawala sa 'yo ang mamanahin mo." "No! How can you say that, Zymon? Okay lang sa akin na mawala ang lahat ng iyon! At alam mo bang sa mga oras na iyon ay gustong-gusto ko ng mag-walk out, ha? Natakot lang ako kay Daddy! 'Yon lang 'yon!" pangungumbinse ko dito. "Kung hindi ka ba natakot sa Daddy mo, hindi ka talaga papayag na magpakasal sa akin?" Nagatubili akong sumagot. Sasabihin ko ba kung ano nga ba ang dahilan ko? Siguro nga.. Kailangan niyang malaman ang totoo. "Hindi mo ba ako gusto, Cassandra Kate Del Rious?" nagulat ako sa tanong niyang iyon! "Ako ba.. Gusto mo ba ako?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD