Chapter One
Michelle Mercado
"Michelle, bilisan mo na! Male-late kayo nang mga bata!" sigaw ni Troy mula sa labas ng kwarto namin.
Hindi namin ugali ni Troy ang mag-prepare nang mga gamit namin, uso ang last minute rush. Hindi namin alam kung bakit, pero siguro, nakasanayan na rin. And now, I'm preparing all of Emman's stuff, from his milk, baby bottles, pacifier, diapers, wet wipes, extra shirts even some toys. Toka ko ngayon ang pag-aalaga kay Emman since may importanteng meeting ngayon si Troy at hindi niya 'to mababantayan.
Wala kaming kinuhang nanny na mag-aalaga kay Baby Emman. Why? Mahabang paliwanagan but I will make it shorter. First, ayaw naming i-asa kila Mama, sa mga katulong or kahit kanino ang pag-aalaga sa sarili naming anak. Kung busy kami, busy rin sila. To be fair kumbaga. But there are times na sila Mama ang kumukuha kay Emman at pinapasyal ito. Second, uso daw kidnapping ngayon. Mahirap na daw magtiwala kung kani-kanino. Ayaw naman namin mangyari `yong mga napapanuod namin sa news kaya as much as possible, kailangan namin gampanan ang pagiging magulang; to take care of our kids.
Sorry, mahaba pa rin pala explanation ko. After preparing all the stuff, kinuha ko na `yong bag ko at lumabas na kung saan nag-aabang naman si Troy. Kinuha niya `yong mga bag na dala ako bumaba na.
Naabutan namin ang mga bata, kasama sila Mama at Papa na karga-karga si Emman. Tinignan ko naman sila ZJ at Sophie at alam na nila ibig sabihin no’n. It's time to say goodbye.
"Bye Lolo and Lola!" masiglang sabi nila at humalik na sa kanila.
Kinuha ko naman si Emman mula sa pagkaka-karga ni Papa at nagpaalam na rin sa kanila. "Mag-ingat sa pagmamaneho, Troy. Kids, study hard. Okay?”
"Ma, Pa, mauuna na po kami." paalam ko kila Mama at Papa at humalik na sa pisngi nila.
"Mag-ingat kayo, Michelle. Bye baby, kiss na si Lola."
Humalik na si Emman kay Mama at nagpatuloy na kami papunta sa garahe. Before I newly forgot, almost a year na ang lumipas. One year old na si Emman, the usual. Kumukulit siya lalo, namimili na rin minsan ng kakainin niya at dumadaldal na rin. Pero hindi naman ganoon kahirap palakihin si Emman dahil nasa tabi niya palagi ang Kuya ZJ at Ate Sophie niya. Madali nilang napapasunod si Emman at natuturuan sa mga bagay-bagay, which is a very big help for us.
At tungkol naman sa kambal, Grade 3 na sila ngayon. Mabilis ang paglipas ng panahon at kapansin-pansin din ang pagbabago nila. They are more mature somehow and they’re being responsible. Sa pagiging nakakatanda kay Emman at sa pagiging responsible sa bahay namin.
It’s almost a year since Troy and I decided to get our own house. I wanted to teach my kids on how to be independent, to be responsible while they’re growing up. Medyo na-s-spoiled kasi sila sa mga magulang namin ni Troy at ayokong lumaki silang umaasa sa iba. Though, I understand them dahil sila ang unang mga apo nila kaya ganoon nalang sila sa mga anak namin.
Sa halos isang taong lumipas, marami nang nangyari sa mga buhay namin. Si Drew at Iyah, kasal na after magsilang si Iyah ng isang baby girl. Sila Kent at Rachelle, sila pa rin, pero nasa long distance relationship. Masaya naman ako sa kanila at nagwo-work ang ganoong set-up sa kanila. Yvonne and Cedric, recently, naganap dito sa Pilipinas ang church wedding nila, plus the news of having a new member in their family. A baby girl named Yvette. Sa nangyari kay Yvonne, may napatunayan ako. Hindi pala pagsisisi ang nasa huli. Minsan, nandoon rin `yong pagbabago.
Kasing bilis ng mga pangyayari sa mga buhay namin ang byahe namin papunta sa school. Nandito na kami sa loob ng office ko since thirty minutes before magsimula ang klase.
"Baby's, I have to go. I still have a meeting at nine. Study hard. Behave.” humalik na si Troy sa pisngi nang mga bata at naglakad papuntang pinto.
Inilapag ko muna si Emman sa tabi nila ZJ at Sophie at sinundan si Troy sa labas. “Sunduin ko kayong mamayang lunch."
"Okay. Pero ihatid mo rin kami agad sa bahay. Pinapapunta ako ni Mama sa bahay para sa last will ni Papa."
"What took it so long? Bakit ngayon niyo lang makikita `yon?"
"`Yon `yonh utos ni Papa sa secretary niya. Sige na, male-late ka pa. mag-ingat sa pagmamaneho, huh? I love you."
Humalik na si Troy sa akin at naglakad na." Of course, I will. Kayo rin, mag-ingat. I love you."
Nag-wave na ako sa kanya as a sign of goodbye at naglakad na. I don't know but I always have the feeling na para akong teenager. Kinikilig. Seriously. I'm already 25 pero nararamdaman ko pa rin `yon. Kasal na kami pero nagiging possessive pa rin ako. Though, alam kong akin na akin na talaga siya, but still, hindi sa pagyayabang, may mga nakakakilala sa akin sa tuwing lumalabas kami nang mga bata. Sinasabing, ang swerte ko daw dahil si Troy ang napakasalan ko. Remember those days? Proposal niya sa Tri Noma at ang wedding namin na inakala kong part ng movie ni Sushi. They’re all over the news for a time. Kaya siguro nakilala rin ako.
Ano ba 'tong iniisip ko? Pumasok na ako sa office at inabutang naglalaro ang mga bata. Nakisali ako sa kanila at hinintay nalang magsimula ang mga klase.
—————★——————
"Mommy, when can we see Tito Kent?” sabi ni. Sophie.
Nasa byahe na kami ngayon papunta sa bahay namin. Dalawa lang kami ni Sophie dahil naiwan sila ZJ at Emman kay Troy sa restaurant niya dahil wala daw kalaro `yong anak ni Iyah. "I don't know, Baby. Busy si Tito Kent sa studies niya, pati sa business.” I responded.
"Pwede naman po siya ditong mag-aral `di ba? Bakit sa far place pa po? Nami-miss na po namin siya ni Kuya, even Tita Rachelle."
"Nandoon kasi `yong real family niya. Besides, if you really love your Tito Kent, no matter how you missed him, you'll support him. It's for his own sake, para sa future niya, sa future nila ni Tita Rachelle niyo.”
Mula sa pwesto niya sa likuran ng driver seats, lumipat siya sa pwesto ko at naupo sa lap ko. "Mommy, magkaiba po `yong love namin ni Kuya kay Tito at `yong love ni Tita Rachelle kay Tito. I'm just curious, Mommy. What really love is and how it's magic work?" out of the blue na tanong niya.
That statement jerked my mind. At her very young age, aware na siya sa ganitong bagay. Siguro nga, curiosity niya nga at okay lang naman siguro ang ganitong topic. "Listen to me, Sophie. At your age, siguro iisipin mong diferent ang love. Yes but no. No but yes. Love can hurt, love can be great. Love is complex. And that's the magic, you can feel everything without knowing it so. But remember this, you cannot asked someone to define or explain love, it was never meant for it. It supposed to be felt.” I explained to her.
"Wow," she said amazingly. Halata sa mga ngiti niya "Tatandaan ko po palagi `yon, Mommy. I learned something new. Thank you. "
"Thank your Daddy for that. Sa kanya ko rin natutunan `yon."
"You really love Daddy that much, huh?”
Nginitian ko nalang siya at hinayaang isipin ang gusto niyang isipin. Of course, I really love my husband. I really do. Sa dami nang mga pinagdaanan namin, sapat na `yon para patunayan ang pagmamahalan namin.
Nang makarating na kami agad sa bahay, naabutan naming nag-uusap sila Mama at `yong secretary ni Papa, si Sir Gilbert. Hinintay namin sandali si Rachelle dahil nasa school pa siya bago kami makapag-simula sa diskusyon.
—————★—————
"To my beloved family, I give and bestow the following property to wit:
a. The 25% of my properties will be given and should share equally to my daughters: Michelle Rodriquez and Rachelle Rodriquez. The another 25% will be given to all my grand children,”
Mali ang expectation ko. I thought, equally divided ang shares namin ni Rachelle into 25%, but now, naghahati na kami sa 25% na `yon. `Yon kasi ang nabasa ko sa will ni Papa noon.
Tinignan ko naman si Mama and she just shrugged her head. Mukhang pati si Mama, walang idea sa revision ng last will ni Papa, "Gilbert, napag-usapan na namin ng asawa ko na walang mapupuntang shares sa kahit sino sa 'ming dalawa in case na may mawala sa 'min.” sabi ni Mama
"Na-inform rin po ako ni Sir Albert regarding that. And to finish this statement, hindi nga po sa inyo mapupunta `yong last 25% ng shares and stocks niya. As the will said, the last 25% of his properties will be turn-over to his daughter, Victoria Ledesma.”
"Daughter?"
Halata rin sa mukha ni Mama ang pagkagulat sa sinabi ni Sir Gilbert kung kanino mapupunta ang huling parte nang mana ni Papa. maging kami ni Rachelle, walang kaide-ideya doon. Bakas sa mukha ni Mama ang pagkadismaya. How come na naitago ni Papa sa 'min ang tungkol doon? Of course, for a lady like me, I can feel na masakit sa part ni Mama `yon. Nawala nalang si Papa na hindi nalalaman ang tungkol doon.
Matapos mapag-usapan ang lahat-lahat, nagpaalam na si Sir Gilbert para sa isang meeting na dadaluhan niya. Nanatili naman si Mama, kasama sila Rachelle at Sophie sa sala. Dahil hanggang ngayon, hindi pa rin makapaniwala si Mama na may iba pang anak si Papa sa ibang babae. Nagpaalam na muna ako sa kanila at sinabing pupunta muna saglit sa kwarto ko, pero ang totoo, sa kwarto ni Papa ang tungo ko.
I almost forgot, nakita ko na one time `yong Victoria Ledesma na sinasabing kapatid namin through a picture sa desktop ni Papa. The question is, who is she?