bc

My Husband's Mistress is my Sister

book_age18+
2.8K
FOLLOW
7.4K
READ
love-triangle
love after marriage
manipulative
dare to love and hate
drama
twisted
bxg
campus
city
lies
like
intro-logo
Blurb

[My Son's Teacher is his Mother BOOK 2]

Isang taon ang lumipas, nakamit ng pamilya Mercado ang hinahangad nitong masaya at malayo sa gulo na pamilya. Pero nagbago ang lahat ng makilala nila Michelle amg kapatid nito sa ama sa ibang babae, si Victoria Ledesma at muling magbalik ang isa sa dati nitong kasintahan na si Michael Ancheta. Ang masayang pamilyang hinahanagad nila, unti-unti na namang bumabalik sa magulo at puno ng misteryo na kaganapan. Paano lulutasan ng mag-asawang Mercado ang mga parating na unos? Makakamit na ba talaga nila ang mga hinahangad nila para sa kanilang pamilya?

chap-preview
Free preview
prologue
Hindi ako pwedeng magkamali. Si Troy nga yun. The father of my kids. My beloved husband. Agad akong bumaba sa sinasakyan namin at sinundan si ZJ na kasalukuyang nasa harapan na ni Troy, yakap-yakap ito. As the moment I reached them, I quickly gave him a very tight and warm hug. Matagal nawala sa 'min si Troy at ngayong nagkita na kami, hindi ko alam kung gaano ako kasayang nagkita na kami at sabihing bumalik na sa 'min. "Troy, hindi mo alam kung gaano kami nag-alala sa 'yo. Saan ka ba nagpunta? Anong nangyari sa 'yo? Namiss kita, pati nang mga anak natin." Bumitaw ako sa pagkakayakap niya at hinarap siya. May mali. A lot of questions ran through my mind. Hindi ba siya masaya na nakita niya kami? He patted ZJ's head and gave him a wide smile. Ngini-ngitian rin naman siya ni ZJ. "Sorry to interrupt you two, Troy, umuwi na tayo. Magiging masaya sila Mama at Papa 'pag nakita ka nila. Lalo na si Emman." Hinawakan ko na ang mga kamay nila at hinila sila papunta sa kotse. Nasasabik na ko. Ang daming tanong ang gumugulo sa isipan ko ngayon. Pero hindi ko muna paiiralin ito ngayon. Mas gusto kong makauwi na kami at malaman ng iba na nahanap na namin si Troy, na mabubuo na ulit ang pamilya namin. Gusto ko na malaman lahat lahat ng kwento kung bakit siya nawala nang ganoon katagal. Nang makapasok na si ZJ sa loob, bumitaw sa pagkakahawak ko si Troy. Humarap naman ako sa kanya at nagtaka, "Bakit, Troy? May problema ba?" Napahawak lang siya sa batok niya at bahagyang minasahe ito. "Sorry, miss. Hindi ko kayo kilala. Naghihintay na sa bahay `yong asawa't anak ko. Mauuna na 'ko. Pasensya na.” Sa pagtalikod at paglalakad niya palayo sa 'kin, sobrang sakit nang naramdaman ko. Matagal kong hinintay ang pagkakataong magkita at magsama ulit kami, tapos ito lang mapapala ko? Sobrang naguguluhan na ako. Hinabol ko si Troy at sinubukan siyang pigilan. Hinarap ko siya sa akin at mukhang nagtataka naman siya sa inasal kong iyon. “May problema ba, miss?” panimula ni Troy. Unti-unti nang bumabagsak ang mga luha ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari o nangyari sa kanya, It’s been a month or two since the last time we’ve been together. Bigla nalang siyang nawala at naiwan kaming lahat na clueless. At ngayong nagtagpo ang landas namin, akala ko matatapos na ang lahat ng paghihirap at kalungkutang nararamdaman ko. “Ano bang nangyayari sa `yo, Troy? Paanong hindi mo ako nakikilala? Ako ang asawa mo at `yong batang nasa sasakyan, anak natin `yon. Sumama ka na sa akin sa bahay. Do’n na tayo mag-usap. Please,” pagmamakaawa ko sa kanya. He stared at me intently. Sana, nagbibiro lang siya at nagpapanggap lang na hindi ako kilala. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko na siyang kinagulat ko. “Miss, pasensya na talaga. Baka nagkakamali talaga kayo pero kung nasaan man ang mister mo ngayon, babalik din siya sa inyo. Pasensya ka na, kailangan ko ng mauna. Naghihintay na `yong pamilya ko sa bahay. Mag-iingat ka.” Nadurog ang puso ko sa mga narinig kong sinabing niya. Binitawan na niya ang mga kamay ko at mabilis na naglakad palayo sa `kin. Napako naman ako sa kinatatayuan ko at hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapahagulgol sa nangyayari. Troy, kung ano man `yang nangyayari sa `yo ngayon, alam kong mas matutulungan ka naming maging mabuti dahil kami ang pamilya mo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Husband's Mistress

read
298.1K
bc

NINONG II

read
619.9K
bc

Broken Angel

read
4.0K
bc

His Cheating Heart

read
41.7K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
27.6K
bc

Unexpected Romance

read
38.6K
bc

Married By Mistake

read
171.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook