ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ 1

1483 Words
DANE CRISJEN's POV "Hoy ano pang tinutunga-tunganga mo jan?! Linisin mo na yung mga lamesa. Punyetang batang to. Palamunin na nga hindi pa nagtatarabaho" Napahawak naman ako sa tenga ko matapos yun sabihin ng balyenang shark na tiya ko. Oo balyenang shark kase aside sa malaki yung tiyan niya na parang balyena ehh parang shark pa yung bunganga niya kung magsalita. Jusko po. Ang lapit lapit ng tao kala mo naman makasigaw nasa ibang barangay yung kausap niya. "Opo" saad ko na lang bago tinungo ang mga lamesa kung saan KAKAALIS pa lang ang mga customers na kumain dun. Oh di ba kakaalis pa nga lang ng customer akala mo naman kanina pa madumi yung lamesa. Yung bunganga talaga ng tiya ko napaka-ingay. Kala mo naman kanyon eh hindi naman. Nakakainis lang kase kakatapos ko pa nga lang mag linis ng sahig at maghugas ng plato eto na naman. Di ba pwedeng time-out muna? Hindi naman sa nagrereklamo ako ha (pero parang ganun na nga haha) ehh kase naman ehh.... 5 kaming mutcha-cha niya dito sa karinderya niya pero kung maka utos kala mo naman ako lang isa. Ang unfair ehh. nakakainis. Ginigigil niya ako. Gusto ko tuloy kurutin yung mga bilbil niya hahahaha. Tsk. Matapos kong punasan yung mga lamesang ginamit ng mga customers ay agad kong niligpit yung mga pinagkainan ng isang malapit sakin. Tumayo na kase yung magjowang kumain dito. Hahahaooows. Sanaorr may jowala. When everything is perfectly done ay napangiti ako. Sa wakas makakaupo na rin---- "Hoy Dane pakibigay daw tong order dun sa table #10" sabi ni Lita habang iniaabot sakin yung inorder nung nasa tablen #10. Nang tiningnan ko kung sino ang nag-order ay napasimangot ako. Isang tao lang naman yung nag-order pero ayokong dalhin yun dun. Aside sa malayo yung side na yun (kase po malaki po itong karinderya ni Tiya Abeng) ay tinatamaan na naman ako ng katamaran. At maka hoy tong isang 'to kala mo naman aso ako. Luhh. Manigas siya. "Ha? ako na naman?" nakakunot noong sabi ko habang tinuturo yung sarili ko. "Ikaw na lang please. Paupuin nyo naman ako ket 1 minute lang" dagdag ko. "Hindi pwede ehh baka magalit si Aling Abeng. Alam mo naman yun nagiging si Majimboo pag nagagalit. May niluluto pa kase kami sa kusina, yung apritada. Sige na ikaw na magbigay nito doon" sabi nito pero umiling ako. One thing I like about Lita is pareho naming binibigyan ng nickname is Tiya. Hahaha bad masyado? dyahe na, minsan lang yan mabait kaya di na nakakagulat na pati ibang tao may nickname sa kanya. And about sa order nung guy. Naah. No way. Bahala na magalit yung shark na yun basta ayoko. Putspa sumasakit na kaya yung likod ko. Give me a break please. "Ehh si Paula na lang kaya" Giit ko rito. "Hindi din siya pwede eh. Ex niya kase yung guy na yun" Sabi niya na ikinatanga ko. "Ha? Porket ex niya hindi niya ni-serve? ano yun? bitter pa rin? Di ako na-inform na may exemption na pala ngayon yung pagse-serve. Nice hah" sarkastiko kong saad. "Hindi naman sa ganun. Nakikipagbalikan kase yung taong yun kay Pau pero ayaw niya. Sige na please ikaw na lang" Napasimangot naman ako sa sinabi nito. Edi wow. Sila na talaga may lovelife. Putspa. At dahil wala rin naman akong magagawa ehh ito ako ngayon, naglalakad habang dala yung tray ng pagkain niya. Tsk. Nakakainis. Ang sakit na kaya nung paa ko dahil sa lakad ng lakad. Nakakainis. Ang dami namin dito pero ako yung kinakawawa at inaalila. Pag ako naging mayaman ipapatikim ko talaga sa kanila ang bagsik ng isang api. Tingnan lang nila. Hahaha chaars. Nang malapit na ako sa table #10 ay bigla akong kinilabit ng isang tao. Nakaupo lang ito sa isang mesa at wala pang kahit isang order. Mukhang kakarating pa lang nito. And teka teh....parang rich kid ehh. Ang gara ng damit. Ang disente, makikita mo talagang anak mayaman. Ano kayang ginagawa nito dito? ako ba yung sadya niya? hala! baka ito na si Mr. Future/ Mr. Right Guy na para sakin. owemjieeeeee kinikilig ako. Ashjlqqieueowuqpa may pa sunglass pang nalalaman si kuya kala mo naman walang bubong yung karinderya namin. Hahaha Chaars ok lang atleast mas gumwapo siya dito. Hahahaha anladi ko bwahahaha. "Ms? Hey, Ms?" I was back to my senses ng may nag-snap sa mukha ko. Tsk walang hiya sa mukha ko pa talaga? bastusan lang? "Yes Mr. Futu---- Ohw I mean ano po yun?" Wengya malapit nako madulas dun. Malapit ko ng masabi na Mr. Future Husband. Taenang kalandian to. Landi hormones layuan niyo po ako please. Tuksoooo layuaaan mooo akooo hsjalshsk (insert mental slap hahaha) "Tsk. Do you have any wifi's here?" ayy aba englishero. Masubukan nga yung english speaking ko dito. Don't english-english Mr. Sunglass under the shell. Don't english- english me because I will english you too. "Ahm first of all Mr. Sunglass under the shell, we are in the karinderya. We are not in the mall to have café café and wifi. Sorry to tell you this but we don't have one" ngiting-ngiting sabi ko. Yung ngiti bang ala-colgate commercial smile. Ganern hahaha. Pamatay pero nakakamatay hahaha. "What? What kind of s**t!---" Di niya natapos yung sasabihin niya kase bigla akong nawalan ng balance dahil sa kung sinong letche ang nagtulak sakin sa likod. Parang ang bilis ng pangyayari at nararamdaman ko na lang na babagsak na ako at sa isang tao pa. Ohh wait, tamang tao na ba siya hahaha. Gossh self lilikha ka na nga ng gulo maglalandi ka pa. Waaaaaaahhhhhh. Jusq ko lord paki pause naman ng time na to ehh. Para akong nalalagutan ng hininga. Gulat na gulat si Mr. Sunglass under the shell habang nakatingin sakin and dahil nga sa bilis ng pangyayari ay nakita ko na lang yung sarili kong pabagsak sa kanya at sabay kaming bumagsak sa sahig. At ngayon ay nakadagan ako sa kanya while yung order na dala ko kanina ay wala na. Nagkalat na ito sa mga damit namin and buti na lang is plastic yung mga plato ni tiya dito kaya walang basagan na nangyari. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako kase hindi glass yung mga plato dito at hindi kami nasaktan dahilbsa mga bubog kung nagkataon or magagalit sa kung sinong tumulak o magso-sorry sa taong dinagan kong kasabay kong bumagsak sa sahig. Imagine pati yung inuupuan niya ay sumabay samin. Inshort rip sa likod niya ngayon. Ohh my gosh. What have I done?!! Dali-dali agad akong tumayo at niligpit yung mga kanin at ulam na nagkalat ngayon sa sahig. For sure papatayin ako nito ni Shark. "Sorry talaga iha. Hindi ko talaga sinasadya" agad na paumanhin nung aleng aksidenteng tumulak sakin kanina. "Ok lang po" sabi ko. Kasalanan ko naman ehh. Tsk. Agad naman itong tumulong sakin upang magpulot pero sinabihan ko na lang ito na ako na lang. "f**k!" Malutong na mura ng taong kakabangon lang ngayon sa sahig. Nang tiningnan ko ito ay dahan-dahan nitong tinanggal yung shades niya and ohh-my gulay. Ang gwapo mga bess. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo nito kaya agad akong humingi ng tawad dito. Di ko naman siguro kasalanan diba? "Ano.... sorry talaga. Di ko talaga sinasadya. Sorry talaga" naiiyak ko ng saad. Galit na galit kase itong nakatingin sakin at sa shirt niyang ang dumi na ngayon. Pakshet dinumihan ko yung pang-mayamang get up niya. For sure pagbabayarin ako nito wala pa naman akong pera. "Now what will I gonna do? Aargh this is so embarassing!" Naiinis na bulong nito kaya agad ko itong tinungo at tinulungang alisin yung mga kaning kumalat sa damit niya. Ngunit agad nitong tinampal yung kamay ko kamay agad akong napalayo ng konti sa kanya. Tsk. Siya na nga yung tinutulungan siya pa maarte. Edi bahala siya sa buhay niya. "Susmaryosep Dane ano na namang kaguluhan tong ginawa----hala ka ka--kamahalan. I--ikaw po p-pala yan Prince Z-Zion. Patawarin niyo po sana tong ginawa ng katulong namin dito." napataas naman yung kilay ko sa sinabi ni Tiya. Ako? Katulong? At teka hakdog, ano daw? kamahalan? May narinig pa akong napasinghap at ang iba ay nagbubulungan na kesyo siya nga at ang iba ay patay na daw ako. Err? anong meron? Tiningnan ko naman si Mr. Sunglass under the shell. Nakatungo itong tumayo at pinagpagan yung kanyang pantalon at dali-daling lumabas. Para bang may tinatakbuhan ang mga ito. Pero teka? siya? prinsipe? You gotta be kidding me? "A-ahm ok na guys. Pasensya na sa katangahang ginawa ng worker ko dito." saad ni Tiya Abeng kaya bumalik na sa kanya-kanyang mundo nila ang mga tao dito. May mga napapailing pa habang nakatingin sakin. Luhh ganun na ba kalaki yung kasalanan ko? "Ikaw! Sundan mo ako" napatingin naman ako kay Tiya Abeng ng sabihin niya yun kaya napalunok ako. oh-ohww. For sure torture na naman to. Wag naman po sana. Huhuhu.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD