DANE's POV
Hindi ko alam kung may problema ba sakin o sadyang may balat lang talaga ako sa pwet. Ehh kase naman eh. Sa lahat ba naman ng parusang binigay sakin ni Tiya Abeng dahil sa mga katangahang ginawa ko eh itong pagpapalayas sakin ang pinaka torture sa lahat.
Waaaaah huhuhu san ako pupunta ngayon? Nakakatakot pa namang maglakad twing gabi. T_T
Napatingin naman ako sa cellphone ko ng mag-ring ito. May tumatawag pala and thank God it's Lita. Bago ko ito sagutin ay tiningnan ko muna ang oras at putspang shark magqua-quarter to 10 na pero andito parin ako sa labas at nagpaligoy ligoy.
Pipindutin ko na sana yung answer buttom ng biglang namatay yung cellphone ko kaya napasigaw ako dahil sa tinding frustration na nararamdaman ko.
Walangyaaaaaaaaaaaa. Sa lahat ng oras bat ba ngayon pa naisipang ma-lowbat ng cellphone ko. Lord naman ehh. Andun na sana yung tulong kaso di pa na tuloy. Huhuhu san ako matutulog ngayon? ayoko namang magpagala-gala sa dis-oras ng gabi. Babae kaya ako at hindi yun pwede. Haayst.
Nakakainis si Tiya. Alam ko namang malaki yung kasalanan ko kaya ganun pero bat kailangan pang mauwi sa ganito ang lahat? Oo malaki yung kasalanan ko sa Prinsipeng sunglass under the shell na yun pero di talaga ito makatarungan.
♕︎ Flashback ♕︎
"Ikaw! Sundan mo ako" napatingin naman ako kay Tiya Abeng ng sabihin niya yun kaya napalunok ako. oh-ohww. For sure torture na naman to. Wag naman po sana. Huhuhu.
Pagkapasok ko sa mini-office ni Tiya dito sa karinderya niya ay bigla na lang nagrambulan yung puso ko. Alam kong malaki yung kasalanan ko kaya willing akong tanggapin yung parusa basta ba alam kong makakaya ko ito.
"Tangina Dane Crisjen anong kagaguhan yung ginawa mo sa labas?!" bulyaw nito sakin na nagpagulat sakin.
"Ka-kase Tiya a-aksidente po kase yung nangyari. Ganto po kase yun---" Hindi ko natapos yung sasabihin ko ng bigla ako nitong sinampal.
"Hindi ka na nahiya. Palamunin ka na nga puro problema pa yung dala mo." Napayuko naman ako sa sinabi nito. Hanggang kailan ba titigil si Tiya kakasumbat ng bagay na yan sakin?
"Patawad po tiya" naiiyak ko na saad.
"Patawad? Alam mo ba kung gaano kalaki yung kasalanang ginawa mo sa Prinsipe. Tangina Crisjen Prinsipe yun. Isang makapangyarihang prinsipe! Eh ikaw? isa ka lamang hamak na hampaslupa"
Sige tiya ipagsumbatan niyo pa. Ipagsigawan nyo pa. Alam kong may nakikisusyo na ngayon sa labas. Sa lakas ba naman ng sigaw ni Tiya sino ba namang hindi macucurious kung sino ang pinapagalitan nito.
"Pano na lang kung balikan ka dito? may magagawa ka ba? may magagawa ka ba kung pati ako, kami at itong karinderyang pinagkakabuhayan ko ay madadamay? Puta Crisjen magtino ka. Punong-puno na yung pasensya ko sayo. Mas mabuti pa kayang mawala ka sa landas ko ehh. Puro ka problema." dagdag nito na nagpahinto sakin.
Agad naman akong lumuhod sa harapan nito at nagmakaawa. Alam kong nakakawala ng pride ko bilang tao yung ginagawa ko pero mukhang kailangan ko talaga itong gawin. Alam ko kung saan na pupunta ang usapan na ito. Alam kong matagal na akong gustong palayasin ni Tiya mula ng mamatay si Papa. Ang kaisa-isang taong naniwala at nagmahal sakin ng buong puso.
"Ma-maawa po kayo tiya. Kung ano pong binabalak niyo please po wag niyo pong gawin. T-tiya ayaw ko pong mamuhay mag-isa. Tiya please wag nyo pong gawin sakin 'to." umiiyak na saad ko sa kanya at nagmakaawang wag akong palayasin nito ngunit itinulak lang ako nito kaya tumama yung likod ko sa isang matigas na bagay. Napakasakit nito at napaubo pa ako pero ininda ko lamang ito para malapitan ulit si tiya.
"Wag mo kong bigyan ng ganyang mukha bata. Hah! akala mo maaawa ako sayo dahil lang sa pamangkin kita? hahaha pwes umalis ka na at wag ng bumalik dito. Hanggang langit yung malas na dala mo. Pwe!" Sabi nito at bigla na lang lumabas. Tinry ko pa itong pigilan pero hindi na talaga siya nagpaawat kaya nng ginawa ko ay umiyak na lang ng umiyak.
Bakit ganun? sarili mong kadugo gagantuhin ka? diba pagkadugo mo magtutulungan kayo? di niyo pabababayaan ang isa't isa? pero bakit si Tiya iba? bakit palagi siyang ganyan? bakit palagi niyang ipinapakita saking isa akong napakalaking peste na dumating sa buhay nila ni Papa.
Magkapatid si Tiya Abeng at Papa. Ang bait nito nung nabubuhay pa si papa pero nung nagkasakit si Papa at malaki yung pera niya ang nagastos para maipagamot ito ay nagbago siya. Nagbago si Tiya. Palagi na niyang ibinubunton sakin ang lahat na kesyo nagkaganito ang lahat dahil sakin. Ano ba talaga ang kasalanan ko? kung kasalanan ko ang mabuhay sa mundong ibabaw ako ay humihingi ng patawad mula sa kaibuturan ng puso ko.
Pagkatapos mag walk-out at umalis ni Tiya sa karinderya ay di na ito umalis. Hanggang gumabi ay di na ito bumalik pa. Ewan ko ba kinakabahan ako sa tinuturan ni Tiya.
Pagkatapos kong i-lock ang karinderya ay nagmamadaling dumiretcho na ako sa bahay. At ng makarating ako doon ay inisip ko na lang na sana hindi na dumaan ang araw na ito. Lahat ng gamit ko nasa labas. As in lahat. Isang malalaking maleta at isang back-pack na sure akong naglalaman ng iba kong gamit.
Napalunok ako ng laway ng wala sa oras. This can't be happening!
Nakita kong lumabas si Tiya kaya agad ko itong nilapitan. Kasama nito ang dalawang anak niyang kaedad ko rin na sina Daniella at Losie na kapwang nakangisi sakin. Psh. Di ko talaga alam kung bakit galit na galit ang mga ito sakin.
Sa mga oras na makalapit ako sa kanya ay siya namang pagsaksak nito ng mga salitang tila karayom at kutsilyong tumusok sa puso ko at sa buo kong pagkatao.
"Oh ayan na ang mga gamit mo. Lumayas ka na dito bago pa dumilim yung pnningin ko. Puro ka talaga perwisyo kaya mas mabuti pang lumayas ka na lang" matigas na sabi nito.
"Tiya naman wag po kayong magbiro ng ganyan" sabi ko at akmang hahawakan ito ngunit bigla na lamang ako nitong tinulak. Nakarinig pa ako ng mga pagsinghap tanda na marami ng nakakakita sa pag-eeskandalo na ginawa ni Tiya.
"Sa tingin mo ba nagbibiro ako. Umalis ka na mg mawala na tong malas sa buo kong pamilya" sabi nito at isinara ang pinto na sobrang lakas.
Walang tigil naman sa pagbuhos nung mga luha ko habang kinukuha ko yung mga gamit ko. Now where will I go? what will I gonna do?
Huhu taena. Sa sobrang sakit napapaenglish tuloy ako.... Lord send help!
Napatingin naman ako sa mga chismosa naming kapitbahay na nakichismis. Ang iba ay naaawa at ang iba ay napapa-iling na lamang. Alam kong wala ni-isa ang gustong tumulong sakin ngayon o magpatuloy kahit isang gabi man lang. Malas kase yung tingin ng lahat sakin kaya di na ako magugulat pa. Haayst.
♕︎ Present ♕︎
Waaahuhuhuhu anong gagawin ko ngayon. Wala pa naman akong kahit isang sentimos ngayon? san ako matutulog? san ako pupunta ngayon?
Napayakap naman ako sa sarili ko ng umihip ang sobrang lamig na hangin ng gabi. Naiiyak na naman ako. Wala na talaga akong mapupuntahan. Dito na yata ako mamatay.
Ayaw kong sisihin ang kung sinong tumulak sakin kanina kaya nagkadelekche-leche ang lahat. Kasalanan ko naman ehh. kung sana naging alerto lamang ako sa paligid ko hindi sana mangyayari ang lahat ng ito.
Pero yung prinsipeng iyon. Siya talaga yung may kasalanan. Kung hindi niya sana ako tinawag ehh wala sana ako dito sa labas ngayon. Kasalanan niya talaga 'to! Pero kung hindi din dahik sa kanya hindi ako makakalabas sa kulungang buhay na meron ako. Kung hindi dahil sa kanya hindi ako makakawala sa pang-aalipusta ni Tiya. Pero waaaaah kung hindi din dahil sa kanya may matutuluyan pa sana ako ngayon. Kahit shark yung nakatira mapagtiya-tiyagaan ko pa iyon kase alam kong mabubuhay ako hindi tulad nito.
Narinig naman ang ng sipol kaya napalingon ako sa likod. Ng makita ko ang tatlong mukang adik na mga lalaki ay bigla akong kinabahan. Hindi pwede 'to! Dali-dali akong naglakad habang hinihila yung maleta ko. Halos lakad takbo na nga yung ginagawa ko para di ako maabutan ng mga m******s na ito.
Napasinghap ako ng maramdaman kong naabutan ako nito. Agad ako nitong pinalibutan kaya napayuko ako habang taimtim na nagdadasal na sana ay may tumulong o sumagip sakin ngayon. Matinding kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ako tanga para hindi malamang may masama itong binabalak sakin.
"Hmm ang bango pare" saad nung isa habang inaamoy-amoy yung buhok ko kaya agad akong lumayo dito.
"A--ano ba layuan niyo nga ako. Ang babaho niyo" sabi ko as a matter of fact. Eww. Uso ba sa kanila ang maligo?
"Ang arte mo kala mo naman maganda ka" sabi naman nung isa na malaki yung tiyan. Tsk. Parang butete.
aisssh pwede ba Dane Crisjen! mamamatay ka na nga manglalait ka pa.
Pero ano daw? ako panget? Napahawak naman ako sa parte ng heart ko at umaktong nasasaktan. Hiyang-hiya naman ako sa kagwapuhan nila eh. Edi kayo na may mukhang maipagmamayabang.
"Oo di ako maganda kaya pwede ba padaanin niyo na ako" naiirita kong saad sa mga m******s na ito.
"Hindi ka nga maganda pero mapagtiya-tiyagaan naman." sabi ng pangatlo na parang sabog dahil sa nest-like hair nito. Tsk. Hula ko may mga ibon na namamahay dito.
Tumawa naman yung dalawa at may patango-tango pa kaya yumakap ulit sakin ang kabang meron ako mula pa kanina. Agad namang hinawakan nito yung mga braso ko kaya bigla na lang ako nagwala.
"Pwe-pwede ba wag niyo nga akong hawakan. Ta-take your filty hands off me. Nakakadiri kayo" histerikal na saad ko pero kahit anong pwersa kong pagbawi sa mga kamay ko ay wala pa rin. Ang lalakas nila.
"Tu-tulong!! tulong--lxnkxnkkpqmxlw"
Naramdaman ko namang hinawakan ng isa yung bunganga ko para pigilan yung pagsigaw ko.
"Shhh.. wag kang maingay. Mag-eenjoy tayo dito" bulong ng isa sa tenga ko kaya napaiyak na ako.
Tulong. Kung sino man ang nandiyan ay tulungan niyo ako. Parang awa niyo na.
Dinala ako ng mga ito sa isang madilim at sirang istablishimyiento kaya mas lalo akong nagwala. Pero kahit anong gawin ko ay parang wala parin ito sa kanila. Ang hina ko talaga. Mukhang dito na ako mamamatay.
Naramdaman ko namang nagsimulang maglakbay ang mga kamay nito kaya mas lalong tumulo yung luha ko at mas lalo akong nagwala.
Please Lord.... tulungan niyo po ako-----
"Tsk. Aren't you guys disgusted of what you are doing?Hindi ba kayo nahihiya sa ginagawa niyo?" Isang malamig na tinig ang nagpahinto sa tatlo mula sa kanilang ginagawa.
Nang tinry kong tingnan kung sino ang nagsalita ay di ko man lang maaninag kung sino ito dahil sa dilim na namamayani sa buong building. Ang buwan lamang nagbibigay liwanag ngayon and too bad di man lang natatamaan ng ilaw nito ang kinatatayuan niya.
"Hahaha gusto mo rin bata? halika dito at hahayaan naming ikaw ang mauna" saad nung butete kaya kinalabutan ako ng husto ngayon. Iyak lang ako ng iyak na tila wala ng bukas.
"F*ck" mura nito and in an instance wala na yung isang nakadagan sakin. Umatake naman yung alipores ni butete kaya nakakuha ako ng pagkakataon upang pumunta sa ligtas na side at isiniksik ang sarili ko. Nanginginig na talaga ako sa sobrang kabang meron ako ngayon.
Tiningnan ko naman ang misteryosong binatang tumulong sakin ngayon. Nakatalikod ito sakin kaya di ko makita yung mukha nito.
"Sa likod mo!" sigaw ko ng makita kong hahampasin na sana siya ng bakal ni nest-like haired boy pero buti na lang nailagan niya ito at binigyan ng isang malakas na sipa ang mukha nito kaya ang resulta tulog.
Napahinga naman ako ng maluwag ng makitang tulog na yung tatlong m******s na gustong gumahasa sakin kanina. Kahit sobrang kaba ay pinilit kong tumayo at dahil parang kinuha ng lahat ng nangyayari yung lakas ko ay bigla akong nawalan ng balanse at buti na lang ay agad akong sinalo ng taong tumulong sakin.
"Sa-salamat" pagkatapos kong sabihin iyon ay bigla ng nag-uunahan yung mga luha ko habang sinasambit yung salitang salamat.
Nang mahismasmasan ako ay tiningnan ko ang taong tumulong sakin at laking gulat ko ng mapagtanto ko kung sino ito.
"Pri-prince Zion?" hindi ko alam pero isa lang ang pumasok sa utak ko ngayon. Sa pangalawang pagkakataon ay sinalo na naman ako nito.
"Tsk." sabi nito at bigla na lang akong binitawan kaya ang resulta ay nasubsob ang mukha ko sa sementadong sahig ng abandonadong building na'to. Napadaing naman ako sa ginawa nito.
"Antipatiko!! Walang modo!" sigaw ko dito ngunit malamig lamang ako nitong tiningnan at tuluyan ng umalis sa abandonadong building. Tsk. Kilala ngang prinsipe pero kung makaasta parang hindi.
"Ikaw na nga yung tinulungan may gana ka pang sabihan ako ng ganyan. Can you just shut your mouth you dimwit" napamaang naman ang labi ko sa sinabi nito. At bago pa ako makapagsalita ulit ay umalis na ito. Urggh!! ang gwapo niya! ang gwapo niyang antipatikong napakasarap ipalapa sa shark.
Oo na. Thankful ako sa kanya pero ang antipatiko niya pa rin.
"Isa kang prinsipe ng kadiliman. I hate you!!!" naiinis na saad ko.
Arrg!! nakakainis siya. How could he even do this to me? Hindi ba niya alam na muntik na marape yung taong tinulungan niya tapos ngayon iiwan niya lang ng parang walang nangyari. Tsk.
Nakarinig naman ako ng tunog ng
papaalis na motor. At yun na po guys. Ang huli kong pag-asa ay iniwan na naman po ako. Buset! Nakakainis siya! alam ba niyang di sana mangyayari ang lahat ng ito kung hindi dahil sa kanya? nakakainis siya! I swear, sana hindi ko na makita yung pagmumukha niya. Nakakainis. Nakakaimbiyerna.
Inayos ko muna yung sarili ko bago pinulot yung mga gamit ko. Tumaas naman yung kilay ko ng makakita ko ng isang calling card. Err? kanino galing to? Sa prinsipe ng kadiliman ba to galing? nahulog niya ba ito habang binubugbog ang tatlong malapit ng gumahasa sakin kanina?
"Roshie's Cup and Cakes 24/7" Basa ko dito. Oh well, tutal wala naman akong mapagkikitaan ng trabaho kase nga under age pa po ako, baka dito pwede.
Nang maayos ko ma ang lahat ay dumiretcho na ako sa pupuntahan ko. 24/7 ang nakagay so there's this possibility na open pa ito ngayon. And mukhang malapit lang naman ito dito kaya lalakarin ko na lang.
Bago ako umalis ay pinagsisipa ko pa ang tatlong bugok na nakahiga at walangalay ngayon. Serves you right. Gusto ko sana silang ireport sa pulis pero mukhang wala namang maniniwala pag sinabi kong tinulungan ako ni Prince Zion. Baka sabihin pa nila nananaginip lang ako or else baka kasapi ko pa yung tatlong bugok na yun kaya no way. Pero sana wala na silang mabiktimang iba. Nakakatakot kaya yung ginawa nila. Nakakatrauma.
Pero kanina pa ako napapaisip, anong ginagawa ng isang prinsipe doon?
Nung malapit na ako sa shop na nasa calling card ay napahinto ako ng makita kong sinasarado na ito ng isang babae na tila ilang taon ang tanda sakin. Eh? akala ko ba 24/7 'to? Anyare?
"Teka!!!!!!" sigaw ko at tumakbong pumunta sa direksyon ng babaeng nakanunot ang noo ngayong nakatingin sakin ngayon. Nang makarating sa tabi nito ay agad kong hinawakan yung braso niya na nagpakunot noo sa kanya. For sure iniisip nito na baliw ako. Ohh well sino nga bang hindi?
"Ahm excuse me miss?" naguguluhang tanong nito.
"What can I do for you? The shop's bout to close. Balik ka na lang bukas" dagdag na tanong nito.
"Hindi pwede! I mean-- please po kunin niyo na po akong worker niyo dito" saad ko na nagpagulat lalo sa kanya. Ngunit hinawakan ko yung kamay nito kaya hindi agad ito nakalayo salin.
"Ano bang----" hindi nito natapos ang kanyang sinasabi ng biglang dumilim yung paningin ko. And one thing I knew is that nawalan ako ng malay at ang taong sumalo sakin ay ang babaeng kaharap ko. Ow men! bat ang hilig ko bang matumba ngayong araw?
At bakit sa twing natutumba may taong sumasalo sakin? Just wow ehh.