DANE's POV
Naalipungahan ako sa bangong naaamoy ko sa hangin. Ang bango. Sino kayang nagluluto? Ang bait naman ata ni Tiya at hindi niya ako ginising ngayon upang maghanda ng agahan bagkos siya pa ang nagluto. Nagbago na ba si tiya ko?
Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at dun ko napagtantong hindi ito yung higaan ko. Hindi din ito ang kwarto ko. Nasan na nga ako?
"Gising ka na pala" napatingin naman ako sa babaeng nagsabi nito. Kakapasok lang nito sa loob ng kwarto. Nakaapron din ito meaning siya yung nagluluto. Lumapit ito sa kama at umupo sa tabi ko.
"Ok ka na ba? may masakit ba sa iyo?" nag-aalalang tanong nito sakin.
Napahawak naman ako sa ulo ko.
"Teka ano bang nangyayari? nasan ako?" tanong ko rito.
"Nahimatay ka kagabi sa harap ng shop ko. Sa tyansa ko nawalan ka ng malay kagabi dahil sa gutom at sobrang pagod. Hindi ko naman alam kung san ka nakatira kaya sa condong pagmamay-ari ko na lang kita dinala" sabi nito at tila sinampal ako ng realidad ng marealize ko kung ano ang nangyayari. Pinalayas nga pala ako ni Tiya at wala ni isa akpng mapuntahan ngayon. Walang-wala din akong pera ket piso. Mas masahol pa ata ako sa daga at pusang gala ngayon eh.
Tiningnan ko naman ang babaeng nasa harapan ko. Maganda ito. Para siynng manika sa maganda nitong mukha. Maliit din ang ang pangagatawan nito pero mahihinuha mong sexy at gifted ito. Matangkad din siya na may wavy brown hair. May maliit at mabilugang mukha, brown eyes at fluffy lips. Para talaga siyang buhay na manika. May lahi kaya 'to? Ang ganda niya talaga. Walang-walang panama ang pangmanang kong pangangatawan at mukha.
But wait, sure akong mabait siya at matutulungan niya ako. Kaya kahit nakakahiya ay lalamunin ko na lang ito at magmakaawa. Nakita ko pang nagulat ito ng bigla kong hinawakan ang kamay niya.
"Please po kunin niyo po akong trabahante sa shop niyo. Kailangang-kailangan ko po kase ng mapagkakakitaan ngayon eh. Please po. Maawa na po kayo"
"Haha ikaw talaga, wag ka ng mag po sakin. Nakakatanda kaya besides 23 pa lang ako noh kaya pwede na yung ate"
"23? akala ko po 18 pa lang kayo"
"Hahaha yan din naman ang sinasabi nila. By the way, I'm Roshie Smith. Ikaw?" tanong nito at nag-aya ng shakehands kaya tinanggap ko ito at pormal na nagpakilala.
"Dane Crisjen Lee po" sagot ko na ikinatango nito.
"Ilang taon ka na pala?"
"17 po"
"17? So it means hindi pa kita pwedeng tanggapin as my worker kase menor de edad ka pa"
"Waah please po. Tanggapin niyo na po ako. Kailangan na kailangan ko po kase ng trabaho. Wag po kayong mag-alala hindi ko po kayo bibiguin"
"Haayst. Sige na nga pero again, bawas bawasan mo na yung kaka-po sakin. Pektusan kita jan eh"
"Hahaha op--" pinandilatan ako nito ng mata kaya napatawa ako.
"haha aye-aye captain Roshie"
"haha ikaw talaga. So Ms. Lee, bakit ka nga pala pagala-gala kagabi habang may maleta. Don't tell me--" bago niya matapos ang kanyang sasabihin ay tumango ako at nagsalita.
"Tama po kayo a--ate Roshie. Pinalayas ako. Pinalayas po ako ng tiya ko" mahinang sabi ko. Nagulat ako ng bigla itong tumayo.
"Ano? pinalayas ka? that's absurb? do you know that we can sue your aunt for doing such thing? Wala ka pa sa tamang edad para palayasin niya. What kind of guardian she is? she's such an horrible person. Tara kasuhan natin ang tiya mo, ano?" sabi nito kaya napatawa na lang ako.
"Wag na ate Roshie. Besides, mas ok na nga rin yung ganito eh. Wala ng may hawak sa leeg ko."
"Tell me pinagbubuhatan ka ba ng kamay nung taong yun?" nag-aalalang tanong nito sakin.
"Hindi naman ate--"
"Anong hindi? kita mo yang pasa sa braso mo ohh" sabi nito at hinawakan ang braso ko kaya napaaray ako. Dun ko napagtanto na may mga pasa nga talaga. What the?! grabe yung mga m******s na yun. Iniwanan pa talaga ako ng pasa.
"Ahh hindi po si Tiya ang may gawa nito"
"Anong hindi eh klaro namang galing sa tao yan noh. Tell me Dane, tell me how did you got that bruises?" Waaah sasabihin ko ba talaga? nakakatakot pa naman to so Ate Roshie ohh.
"A--ano kase. Ahm.. malapit kase akong magahasa kagabi" mahinang saad ko habang nakayuko. Nagulat ako ng bigla ako nitong hinawakan ay ininspekyunan ang katawan ko. Eh?
"Now I have a valid reason to sue your aunt" sabi nito kaya agad ko itong pinigilan. Nako naman eh. Wag naman sana.
"Wag na ate. Tska ok lang po ako. Muntik lang po yun besides may tumulong po sakin kagabi kaya ok na ok na ako." sabi ko at bumuntong hininga ito.
"You know what r**e isn't just a simple matter Dane. It could bring any victim of it into a state of shock or trouble. Sabihin mo sakin, ok ka na ba talaga?" Tanong nito kaya napangiti ako.
"You know what ate Roshie. For a stranger, ang bait niyo sakin. Waah huhuhuhu salamat po talaga. Maraming maraming salamat sa inyo ate Roshie." umiiyak kong saad at niyakap ito. Nagulat ako ng niyakap din ako nito pabalik.
"Haayst ok lang yun noh. kung sana kilala natin yung tumulong sa iyo edi sana mabibigyan natin siya ng pabuya" sabi nito kaya agad akong napabitaw sa kanya.
"Eh? ok ka lang?" tanong nito kayaedyo nahiya ako.
"Ano kase ate... ahm wag po kayong mabibigla ha at wag niyo pong sabihin na nagdedelusion lang ako. Kase... ano kase. Ahm, si Prince Zion kase yung tumulong sakin kagabi" after kong sabihin iyon ay napatakip ako ng tenga sa sobrang tili nito.
"Ohhmygossh! for real? Yung mokong na 'yun tinulungan ka?"
"Ha? kilala niyo si Rrince Zion ate?" tanong ko at medyo nagulat ito kaya pagak itong tumawa.
"Hahaha ikaw talaga. Of course sino ba namang hindi makakakilala sa Prinsipe ng bansa natin" sabi nito as a matter of fact kaya napatango na lang ako.
"Sabagay" sabi ko.
"Pero alam niyo ate Roshie nakakainis yung prinsipe na yun"
"Haha bakit naman?"natatawang saad nito.
"Kase kung hindi po dahil sa kanya hindi ako palalayasin ni Tiya. May nangyari kase kahapon ng umaga sa karinderya at andun siya. Actually ate nadaganan ko siya at natapon yung mga pagkain sa kanya. Nagsorry naman ako at hindi ko naman kasalanan kung bat kami natumba. At dahil sa galit ni tiya na balikan kami ng Prinsipe at pagbayarin ay pinalayas niya ako. Tapos ayun nung pagala-gala na ako muntik na akong magahasa. Magpapasalamat na sana ako dahil tinulungan niya ako eh ang kaso iniwan ako dun" mahabang sabi ko kay ate at ang wengya tumatawa pa habang nakikinig sakin. Parang aliw na aliw siya sa mga sinasabi ko.
"sabihin niyo nga ate tama bang iwan ang isang babae sa isang madilim at abandonadong building kasama ng mga taong malapit ng gumahasa sa kanya? Grrr ang antipatiko niya diba? nakakagigil siya. Nakakainis"
"Haha hindi na nakakagulat yan. Kilala pa naman yung mokong na yun sa pagiging cold. Ako na mismo ang hihingi ng tawad sa ginawa nung taong yun"
"Ate Roshie, bat parang kilala niyo yung prinsipe sa lagay na yan" sabi ko na ikinatawa nito.
"Haha sira. Of course kilala ko siya kase nga prinsipe siya ng bansa natin. Paulit-ulit lang Dane?" natatawang saad nito kaya napakamot ako ng batok at nahihiyang tumawa.
"Oo nga noh hahaha" tawang saad ko ngunit halos lamunin ako ng hiya ng biglang kumalam ang sikmura ko. Shems. Nakakahiya.
"Haha looks like gutom na yung baby mo sa tiyan. Lika na, kumain na tayo ng hindi pa nilalamig ang mga niluto ko" sabi nito kaya sumang-ayon na lang ako.
Pagkatapos kong kumain ako na mismo ang naghugas ng plato. Sinabi pa nga ni Ate Roshie na siya na ang gagawa pero nagpumilit ako. Alangan namang magbuhay prinsesa ako dito diba eh ang pangit naman nun tingnan. Panget na nga ako tapos magf-feel at home pa. Ang kapal ko naman masyado pag ganun haha.
Pagkatapos ko sa kusina ay nagtungo ako sa kwarto ko kanina. Sinabi ni Ate na mas mabuting sa puder niya na daw ako tutal wala naman daw akong matitirhan. Nakakahiya nga pero sabi niya ok lang daw kase feel niya daw ngayon isa na siyang totoong ate. Haha ang cute lang. Nalaman ko ding only child lang siya at pinayagan niya akong ituring siyang totoong ate like waahuhuhu ang bait niya diba? isa siyang totoong angel na bumaba sa lupa. Mahal na mahal talaga ako ni Lord huhu.
Pagkatapos kong maligo ay inayos ko na yung mga gamit ko sa aparador na nadito. Habang nilalabas ko yung mga gamit ko ay napatingin ako sa maliit na litrato namin ni Papa na nasa wallet kong walang pera huhu.
"Papa... miss na miss na kita. Kung andito ka lang sana hindi na sana ako naghihirap ngayon. Papa wag niyo po akong pabayaan ha. I love you papa" sabi ko at pinunasan ang luhang pumatak sa mata ko. I need to be strong. Yun pa naman ang huling sinabi ni Papa sakin bago siya binawian ng buhay. Tama. Sa kahit ano mang pagsubok na kahaharapin ko kailangan kong maging matatag.
Napatingin naman ako sa nag-iisang necklace ko. Nasa transparent box ito nakalagay. Napangiti ako ng wala sa oras. Sa lahat ng regalo ni papa ito ang hindi ko makakalimutan. Ito kase ang huling regalo niya sa akin. Ang mahal nga nitong tingnan kaya hindi ko talaga sinusuot. Baka nakawin pa nako ewan ko na lang.
It has those tulips-like design with pink crystals and white diamonds on it as its pendant. Ang ganda nito. Para siyang amulet na pinasadya talaga. San kaya 'to nabili ni Papa?
(Necklace's pic at the multimedia for imaginary purpose/ photo credit from Pinterest ♥︎)
Saktong kakatapos ko lang ayusin ang mga gamit ko ng kumatok si ate Roshie sa kwarto ko.
"Tapos ka na? tara?" saad nito ng mabuksan ko ang pinto.
"San tayo pupunta ate Roshie?"tanong ko.
"Basta" sabi nito at hinila ako.
Pagkasakay namin sa kotse nito ay pinaharurot niya agad ito. Huhu natetense ako. San ba ako dadalhin ni ate?
"Haha mukha kang natatae jan. Ok ka lang Dane?" tanong nito.
"Ok lang ako ate. Hehe naninibago lang ako."
"First time mong sumakay ng kotse?"
"Actually ate Roshie, seven years have pass since the last time I rode one hehe. Naninibago lang ako. Ngayon lang kase ako nakasakay ulit" nahihiyang saad ko.
"Uwuu ang cute. Don't worry baby girl mula ngayon parati ka ng sasakay ng kotse" sabi nito kaya napatingin ako sa kanya.
"Di nga?" naeexcite kong tanong na ikinangiti at tango niya.
"Yep. Parati kitang isasakay sa kotse ko kase mula ngayon baby sister na kita"
"Waah salamat po ate Roshie" saad ko at napayakap sa kanya ngunit napabitaw din agad kase daw baka mabangga kami. Haha wengya bat di ko naisip agad yun.
Di niyo ako masisisi guys. Nagmula ako sa mahirap na pamilya at isa sa mga pangarap ng dukha na katulad ko ay makasakay sa ganito kagarang sasakyan. Huhu mahal na mahal nga talaga ako ni Lord.
Nang makarating kami sa mall ay agad ipinarada ni ate Roshie ang kotse nito at pagkatapos nun ay hinila na naman ako. Napakunot noo pa ako ng makita ko kung san kami papasok ni ate Roshie.
"Roan's Beauty Parlor?" Basa ko sa katagang nakaukit sa entrance nito.
"Ohh my. Is it the well known Roshie Smith?" saad ng isang baklang kalalapit lang samin.
"Yours truly Ms. Beauty, btw the usual please" saad ni ate bago tumingin sakin.
"And oh, kindly add her. Mas pagandahin mo siya" dagdag nito kaya tumaas ang kilay nung bakla habang nakatingin sakin. Ehh?
"Oh I didn't thought na pati tagapagbantay ng aso ay may karapatang gumanda"
Aba't! nakakaoffend tong baklang ito ah. Magsasalita na sana ako ng maunahan ako ni Ate Roshie.
"One ugly word for her and I will immediately fire you Berto" malamig na saad ni Ate Roshie na ikinatakot ni Beauty or Berto?
"Sorry your--" saad nito pero hindi na pinatapos ni Ate Roshie.
"Shut up. Just do your job properly hindi yung nang-ooffend ka ng taong wala namang ginawa sa iyo"
"I'll always remember that Ms. Smith. Sorry again young Lady. This way please" paumanhin nito at iginaya na kami sa loob ng parlor.
"Ate Roshie hindi niyo na dapat ginawa iyon" mahinang saad ko dito. Huminto naman ito at tiningnan ako sa mata.
"You know what Dane. One thing about you that could be your downfall is you don't know how to defend yourself" sabi nito at hinawakan ang kamay ko.
"From this day on forward, promise me to defend yourself from those people who wants you down. Wag kang maging mahina. Learn to speak up for yourself understood?" tanong nito kaya tumango ako.
"Good then in that case let's get started. I want my little sister to be fabulous as me ok?"
"Pe-pero wala akong pera ate"
"Don't worry, it's my treat. Mas pagagandahin kita para naman makita nung mokong na yun ang babaeng iniwan niya nung gabing iyon" sabi nito at ngumisi.
Luhh bat ako kinakabahan sa ginagawa ni ate. Dang!