DANE's POV
"Kyaah so pretty" tili nina Ate Roshie, Berto/Beauty at ilang staffs na nag-ayos sakin.
"Hehe hindi naman po" nahihiyang saad ko.
"Aysus pahumble pa si ate niyo ohh" natatawang komento ni Ate Bina na siyang naglagay ng light make-up sakin kanina.
"haha oo nga. Maganda ka kaya. Kung ako may ganyan kagandang mukha ilalabandera ko talaga yan" saad naman ni Kin na siyang nag-ayos ng buhok ko.
"True ka jan Kin. Pag ako may ganyang mukha baka balde-balde na yung jowa ko ngayon. Hahaha" sabat ni Ate Bina na binasag naman ni Kin.
"Ang kaso hindi eh kaya hanggang ngayon wala ka pang jowa" pambabasag nito kaya tinapunan siya ng basahan ni ate Bina at ayun. Sapul sa mukha. Hahaha ang kulit nila.
"Kitams na ohh. Magkalevel na yung beauty namin ni Dane. Diba Lady Roshie?" saad naman ni Beauty na ni-level pa yung mukha niya sakin at ipinaharap sa salamin kaya nakatanggap siya ng sapak kay ate Roshie. Haha hindi naman yung tiping sapak na mababalian ka talaga. Yung parang friendly sapak lang. Hahaha gets?
"Luhh siya. Dream on Berto. Mas magka-level kaya kami ng beauty ni Dane sweetie. Diba Dane?" sabi nito at nilalaro pa yung buhok ko. Napasimangot naman si Beauty sa sinabi ni ate haha.
"Anong Berto? Beauty ang pangalan ko! BEAUTY" Sabi nito emphasizing the word beauty. Hahaha.
"Hahaha mas maganda ka kaya ate. Pang miss Universe yung beauty mo te" sabi ko at ang topaking si Ate Roshie naman ay nag-wave pa na kala mo Miss U nga. Dahil sa ginawa niya ay napatawa kami.
"I know right" sabi nito at nag-flip hair kaya mas lalo kaming napatawa.
"And besides, hindi naman maiinlove si Prince Hendrix sa Lady Roshie natin kung hindi siya maganda divaah?" pang-eechos ni Beauty na kinapula ni Ate Roshie. Kaya ayun siya ang naging centro ng tuksuhan. Ang saya nilang tingnan.
Hmm? Prince Hendrix? Sino kaya yun. Matanong nga si ate mamaya.
"Shu--shut up. Wag niyo ngang imention ang taong yun. Galit ako sa kanya ok? galit ako" namumulang saad nito kaya mas lalo kmming napatawa. Ang cute ni Ate magblush.
"Ate nagb-blush ka" tusko ko sa kanya na mas lalong kinapula nito.
"Iba ang epekto ni Prince Hendrix eh. Pangalan pa nga lang namumula na. Pano pa kaya pagnagkasama sila. Ayiee kilig ako" kinikilig na saad naman ni Ate Bina.
"Aissh tumahimik na nga kayo. Ineechos niyo naman ako. Si Dane dapat ang pinagtutuunan niyo ng pansin hindi ako." sabat ni ate Roshie.
"Hala. Bat naman sakin napunta ang usapan" masaya na sana ako kase napunta sa kanya ang usapan. Nakakahiya kaya.
Hinawakan ni Ate yung balikat ko at sapilitang pinatingin sa salamin.
"You know what Dane, you are beautiful. All you need to have is confident. Wag kang mahiya na ipakita sa iba na maganda ka." sabi nito.
"See? you think you're ugly? nah, you're wrong Dane. Iba ang nakikita namin sa sinasabi ng utak mo. And also, you should start to speak for yourself. Wag kang magpapaapi sa iba. Be bold and learn to stand out for that case, even your aunt who treated you badly can't do bad things on you again. Ok?" dagdag nito.
Napangiti naman ako dahil sa sinabi nito. Hindi lang maganda si ate kundi mabait pa. Ang swerte talaga nung Prince Hendrix na yun kay ate.
"Sana ikaw na lang yung totoong ate ko" naiiyak na sabi ko.
"Kyaah wag knng umiyak gurl. Masasayang yung make-up" natatarantang saad ni Beauty kaya napatawa na lang ako.
Pagkatapos namin sa beauty parlor ay hinila na naman ako ni ate sa mga ibang shops. Ang dami niyang pinamiling damit. Ang iba ay pinasukat niya sakin at ang iba ay hindi. Nakakapagod kasama magshopping si ate pero hindi ko maipagkakailang masaya ako ngayon. Hindi naman ito ang first time kong nakapasok sa mall noh sadyang first time ko lang makapasok sa mga mamahaling shops.
Sa totoo lang nakakahiya na talaga kay ate eh. Ang dmmi na niyang naibigay na tulong sakin. Una ang pag-ooffer sakin ng matutuluyan, pangalawa yung mga pagkain, pangatlo yung sa parlor shop tapos eto na naman. Sinabi ko na nga sa kanya na ayoko pero palaging sinasabi nito na "I insist". Sinabi niya rin na if gusto ko makabayad sa kanya well yung pagseserbisyo ko na lang daw sa kanyang cake shop ang kapalit ng lahat ng ginagawa niya sakin. Ohh divaah feel ko favorite talaga ako ni Lord huhu.
"Next!!" sabi nito at tumingin ulit sa brochure na hawak niya. Napasimnngot naman ako. Ilang ulit na akong labas masok sa loob ng dressing room wala pa rin siyang nakikitang nababagay daw sakin. Huhuhu ayoko na.
Pagkapasok ko sa loob ay narinig ko pa itong tumawa.
"Hahaha sorry Dane but ikaw muna yung gagawin kong manika ngayon kaya chill ka lang jan. By the way, those clothes that you've worn awhile ago really suites you. You are indeed a living barbie kyaaah. Napapasanaol ako huhu"
"Hay nako si ate talaga" bulong ko.
Di ko naman maipagkakailang may mukha akong maipagmamalaki pero parang oa naman ata yung reaksyon nila diba? Naa-awkwardan lang kase ako kase akalain mo, mga rich kids pa yung pupuri sayo. Sino ba namang hindi mahihiya jan.
Dahil din sa mukha ko may nakapagsasabi na baka daw di ko pamilya sina Tiya. Hahaha apaka wengya divaah? Ket di ko kamukha si Papa masasabi kong kay Mama ako nagmana. Tho ket isang pics wala akong makita. Sabi kase ni papa noon na baby pa lang daw ako nung iniwan kami ni mama. Pagtinatanong ko naman si Papa kung bakit kami iniwan ni mama ayaw niya kong sagutin. Ok na rin yun kase baka mas lalo akong magalit kay mama pag nalaman yung rason niya. Oo galit ako sa kanya kase sino bang matinong asawa ang iiwan ang anak mo sa ama nito. Haayst pero baka nga napakalalim ng rason na yun noh? Hindi ka naman iiwan ng magulang mo ng walang dahilan. Ohh well change topic na tayo kase baka umiyak ako ng spaghetti dito ewan ko na lang haha.
"Omoo. Perfect. That dress really suites you Dane. Ang ganda mo. Para ka talagang manika" puri ni ate pagkalabas ko ng dressing room.
Nakasuot ako ngayon ng white floral dress na hanggang tuhod ko. Hanggang siko din ang manggas nito at isa lang ang masasabi ko. Napaka girlie nito. Bumili din si ate ng white sling bag at while sandals para partner daw sa dress ko. ohh divaah iba talaga pag rich kid. Gastos here, gastos there, gastos everywhere. Edi wow na talaga noh.
(A/N: Dress on the media. Photo credit from pinterest)
"Ate naman ehh. Lalaki ulo ko niyan" sabi ko na ikinatawa nito.
"Hahaha don't worry matagal ng malaki ulo mo. Charoot."
After nung true to life joke ni ate ay nagbagay na ito. Ang ibang pinamili din nito ay pinadala na siya sa pad niya niya. Haayst gusto ko na umuwi. Ang sakit na talaga ng paa ko huhuhu.
"Ate Roshie. Bakit mo pala naisip na patirahin ako sa condo niyo? hindi ba kayo nababahala na baka budol-budol ako? na baka magnanakaw ako? na baka--" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla itong nagsalita.
"Ano ka ba naniniwala akong wala ka sa mga pinagsasabi mo. Alam ko kung ano ang peke sa tunay. Hindi naman kita pagkakatiwalaan kung ganun ka diba?"
"Pero bat niyo po ako pinagkakatiwalaan agad?"
"Hmm let's just say na ako yung nagbabayad sa ginawa nung Prince Zion sayo. Ahh oo, ganun nga. Diba sabi mo, dahil sa kanya napalayas ka? Idagdag pa natin yung time na iniwan ka niya matapos ka niyang sagipin? Haaist diba nakakababae yung ginawa niya? Pag nakita ko talaga yung mokong na yun kukutusan ko siya ng sobrang-sobra" sabi ni ate pero hindi ko narinig yung huli niyang sinabi.
"Po?" tanong ko na ikinatawa niya ng pagak.
"Haha wala yun. Basta wag mo ng isipin yun. Pinaimbestigahan na kita kaya alam kong mabait kang tao" sabi nito na nagpagulat sakin. Napatayo pa ako sa sobrang gulat.
"Po?" gulat kong tanong. After kong marealize kung san kami ay inilibot ko ang paningin ko at nagbow tanda ng paghingi ng paumanhin sa mga taong nakatingin na ngayon samin particularly sakin. Nandito kase kami sa isang french style restaurant na pinili ni ate. Sabi niya dapat sosyal ang first bonding namin dahil sa rason nitong, MAGANDA KAMI. ohh divaah ang ganda ng rason hahaha.
"Di nga? pinaimbestigahan niyo ako ate?"
"Oo. Curious kase ako kung anong klaseng tao ang nagpalayas sayo and it turns out na nagsasabi ka ng totoo. Tutal nasa puder naman kita kaya dito ka na muna sakin." sabi nito at uminom ng wine.
"Alangan namang iwan kita sa kung saan-saan lang. Babae ka kaya so that means tayo-tayong mga babae lang din ang kailangang magtutulungan. Haha girl power"
Dagdag nito kaya napatawa at napatango na lang ako.
"Sabagay" Sabi ko na lang.
"Ate Roshie?" napatingin naman kami ni Ate Roshie sa taong napadaan sa mesa namin.
"Yes? Ohh my goshh, is it the well known Laura Strauss?" gulat na saad ni Ate na ikinatango nung magandang babae.
"Yep. The one and only" sabi nito. Tumili naman si ate at tumayo upang bigyan ng yakap ang napakagandang babae. Waah ang ganda niya talaga. Para siyang angel.
"Kyaah it's so nice to see you again baby girl. I really miss you. I lost count of the month the last time I saw you"
"Yeah. And it feels like forever" sabi nito na nagpatawa sa dalawa.
Napakagat naman ako sa ibabang labi ko. Ooh ohh. Ang awkward. Guys hindi naman ata kailangan yung presensya ko dito noh? parang ala ako sa scrip kaya much better pa na umalis na noh? Haha chor.
"And ohh. Who is this --" sabi nito kaya napatayo ako bigla at nagbow bago ngumiti. Yung feeling na pang colgate smile. Ganun. Pero halos napahiya ako ng tumaas ang kilay nito at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Girl ate? I never saw her before? is she your new assistant?"
"Haha silly as ever Laura. She's not my assistant" pagkasabi nito ay agad kong pinakilala ang sarili ko
"Ahm hello Ms. Laura, I'm Dane Crisjen Lee and it's nice to formally meet you" sabi ko at nag-offer ng handshake pero tiningnan niya lang ito habang nakataas ang kilay. Imbes na kunin ang kamay ko ay humarap lang ito kay ate Roshie without minding my presense. Ouch ha. Ang taray ni ate. Maattitude.
Para naman akong sinampal dahil sa ginawa nito kaya ibinaba ko na lang ang kamay ko at tumungo. Napangiti naman ako ng mapait. Typical rich kid s***h spoiled brat. Haay.
"Ohh now I get it. Is she also one of the people who you have helped ate Roshie?"
"Haha ikaw talaga. Wala namang masama kung tumulong tayo sa kapwa diba?" sabi ni ate Roshie at umupo ulit. Ng tiningnan ko ulit yung Laura Strauss na sinabi ni ate nakita ko pa kung pano ito nag-roll eyes sa sinabi ni ate.
"Come eat with us nang sa ganun ay makapag-usap pa tayo ng matagal"dagdag ni ate.
"No I'm full ate. Kumain na ako kanina. Aalis na rin naman ako kase hindi naman sumipot yung magaling kong pinsan na si Ryan. So pano ba ate Roshie, gotta go?" sabi nito.
"Awwts. Sayang naman pero sige tutal para kang nagmamadali. Ingat sa byahe" sabi ni ate at nagbeso-beso sila.
"You too" sabi nito. Pero bago siya umalis narinig ko pa ang huli nitong sinabi. Wait bulong na para pala sakin. Tsk.
"Gold digger"
Instead na habulin siya at bigyan ng sidekick ay dinedma ko na lang ito. Alam ko kase sa sarili ko na hindi ako ganung klaseng tao. Alam kong matino ako at sabi nga ni Taylor Swift, haters gonna hate. Wala akong pake kung pumuti yung mata niya kakahate sakin. Kung ayaw niya sakin edi wow. Kung tawagin niya ako ng kung ano-ano edi wow. Pake ko ba. Basta ang alam ko sa sarili ko ako mas higit. Hahah chor. Basta alam ko sa sarili ko na hindi ako ganun klaseng tao. Grr.
"Hahaha chill ka lang Dane. Kawawa naman yung steak mo oh" nabalik ako sa realidad nung sinabi yun ni ate.
"Ayy hehe sorry" paumanhin ko.
"Nako Dane. I'm really sorry about earlier. Ganun talaga si Laura, may pagkabrat. But don't worry mabait naman yun" nakangiting saad nito kaya ganun din ang ginawa ko.
"Muka nga ehh" sabi ko na lang at tinapos na ang pagkaing nasa harap ko.
Haayst maganda sana si Laura eh kaso iba yung ugali. Dun tayo na dyahe. Psh. Ang panget tuloy ng first impression niya sakin. Sana man lang hindi ko ma makita ulit yung babaeng yun. Ayoko nang magkalapit yung mundo namin noh. A big no way for that.