Chapter 5

3656 Words
DANE's POV "Order for table 5 here it comes. Enjoy your sweet dessert ma'am." Masiglang saad ko habang inilapag sa lamesa ang inorder nitong blue Berry cake at Latte macchiato. "Thanks" nakangiting sambit nito kaya ganun din ang ginawa ko bago pumunta sa ibang lamesa upang kunin ang order ng mga tao rito. "2 cappuccino, 2 piece of donuts, 1 slice of cheese cake and 1 lasagna please" sabi ko kay ate April na kumukuha ng order. "Okieedokiee yo. Wait a mi~~nute" pakantang saad nito kaya napatawa ako. Pumunta na ito sa part ni Ate Lian na siya namang nagse-serve mg mga pagkain upang kunin ang inorder ko. "Kyaah ang daming gwapo dun sa corner oh" kinikilig na saad ni Conmie kaya nakatanggap siya ng kurot mula kay ate Elena. Haha yan tuloy. Ge boy hunting pa. "Aray ko naman ate. Ang harsh mo talaga alam niyo po ba yun?" sabi nito at nagpout kaya napatawa ako. "Hoy gaga hindi tayo pumunta dito para lumandi or mag boy hunting ha. Nandito tayo para magtrabaho hindi para sa mga ganyang bagay. Jusko ko sa batang ito ehh" saad ni ate Elena at umalis na para magpunas ng mga lamesa. Si ate Elena ang pinakamatanda saming lahat dito sa edad na 27. Kahit medyo matabil ang dila nito ehh mabait naman yan lalo na pag tulog. Ket medyo bossy ay hindi naman ito madamot. Akala ko nga strikta at tahimik siya pero hindi pala. Maingay yan at clean freak. Haha daig niya pa si Levi ng attack on titan. Ohh wait, baka human girl version yan ni Levi ehh. Haha chor. "Aish grabe si ate ohh. Minsan na nga lang tayo nakapagb-boy hunting ang kj pa. Awit na awit eh" "Hahaha hayaan mo na yun. Ganyan talaga pagka nagm-menopause na. Haha charoot" biro ko. "Hala siya. May tama ka hahaha" ito yung gusto ko kay Connie eh kase nagkakaintindihan kami. Lalo na sa mga kalokohan. "Haist ang daming trabaho ngayon. Ang daming tao, sumasakit na tuloy yung paa ko kakalakad" sabi ko at inilibot ang paningin ko sa loob ng shop. Malaki 'tong cup&cakes shop ni ate Roshie at hindi rin maipagkakailang famous to kaya ang daming tao. "Haha ano ka ba Dane, hindi ka pa ba nasanay? Halos araw-araw kayang puno 'tong shop ng napakagandang amo natin" "Hahaha sabagay" sabi ko. Napatingin naman ako sa main door ng marinig ko ang bell tanda ng may bagong customer na pumasok. Napataas naman ako ng kilay ng mapansin ang get-up nito. Balot na balot ito na tila ba ayaw masikatan ng araw. Luhh bampira po kayo kuya? Matangkad din ito at masasabi mo talagang may kaya base sa pananamit nito. Nakasuot ito ng black jeans na pinaresan niya ng gray tshirt na siyang pinatungan niya naman ng black hoodie. May cap din ito na nagtatago sa mukha niya. Aishh another weirdo. Imagine nasa loob ka ng sweet shop na may bubong ha pero naka cap at hoodie ka pa rin. Naka baygon ba 'tong si Koya? Or baka magnanakaw 'to si Kuya at may kasabwat siya na nandito na sa loob ng shop. Sheems wag naman sana. aish ang nega ko taaaga. Erase! erase! erase! Haaay naalala ko tuloy si Prince Zion. Akalain mo ha. Nasa loob ng karinderya pero nags-sunglass. Imba din siya eh. Haha what a complete weirdo too. Aishh bat ko ba naiisip ang kumag na yun. Duhh I don't need to think of that guy. I don't need to think of that dark prince ng hindi ako malasin. Napapansin ko kase pag iniisip ko siya--- sa twing sumasagi siya sa isip ko rather ay minamalas ako kaya erase! Erase! erase! I need to focus. Hindi ko maipagkakailang 1 month na akong nagtatarbaho sa shop ni Ate Roshie since nung pinalayas ako ni tiya kong may toyo. At sa isang buwan na iyon ay ang daming nangyari. Naging official stuff ako sa Roshie's Cups and Cakes 24/7 at guess what, may apartment na ako. Ohh divaah ang bongga. Matagal na rin nung umalis ako sa pad ni ate Roshie. Nakakahiya na kase. Tska baka isipin rin ng iba na inaabuso ko ang kabaitan ni ate Roshie ket hindi naman. Hindi kaya ako gold digger gaya nung sabi ni Laura girl. Gusto ko rin kaseng tumayo sa sarili kong mga paa ngayon. Nakakahiya na kase kay ate dahil ang dami na nitong naitulong sakin. Malapit lang yung apartment ko sa shop ni ate. Konting lakad lang kaya ok lang na mag overtime ako. Wait, talking about that apartment, naalala ko tuloy nung first day ko sa bahay na yun hinatid pa ako ni ate dun. Sinabi niya na ang liit daw ng space at marami pang iba kaya ang sinabi ko na ok lang yun tutal ako lang naman mag-isa and guess what umatake na naman yung kabaitan niya. Aba'y ang rich kid nating ate ay nag-offer na babayaran ang isang taong upa ko sa apartment. haha of course I decline the offer. Ang kapal ko naman masyado pag ganun ehh noh? Besides, this is my start so we'll let it be. Gusto kong buhayin ang sarili ko sa sarili kong sikap ng hindi umaasa sa iba. "Huhuhu ate Dane, pwedeng ikaw na ang magbigay nitong order dun sa table number 3?" sabi ni Letty ng lumapit ito sa pwesto ko. "Ha? bat ako?" sabi ko ko habang nakaturo sa sarili ko. Wait, bat parang pamilyar ang gantong eksena. Parang de javu lang kaso iba ang mga nakapalibot sakin wengya hahaha. "Eh kase nakakatakot yung mga nakapwesto dun. Ang sisiga parang mga gangster" ani nito kaya tiningnan ko ang sinasabi nito at hindi nga siya nagkakamali. Parang mga gangster nga sila. Parang mga gangter kung umasta pero ang totoo ehh mga spoiled brat lang naman. Tatlong mga malalaking lalaki ang nakapwesto dito. Halos lahat sila nakaitim kaya agad mo silang mapansin. Haha sino ba namang hindi makakapansin sa kanila ehh parang mukhang galing sa lamay ang kulay ng get-up nila. Idagdag mo pa ang kulay ng buhok nila na siyang nagpataas ng sobrang-sobra sa kilay kong hindi fake. Hahhha ohh divaah ang galing. Seriously? what the heck? kelangan ba talaga ganun yung kulay? kailangan talaga na red, orange at green ang kulay? hahaha ano yun? Stop, wait and go? hahaha ang laughtrip eh. "What a joke" biglang sambit ko at napatawa. "Sige na ate pretty please. Natatakot kase ako sa kanila" naiiyak na saad ni Letty napabuntong hininga ako. At dahil mabait akong ate ay kinuha ko na lang ang order ng mga ito at naglakad sa pwesto nila. Sa totoo lang nakakatakot naman talaga sila ehh kaso wala akong choice. Ang sama ko naman kase pag hindi ko tutulungan yung batang yun eh malapit ng maiyak. Malapit na ako sa pwesto nito ng marinig ko ang malalakas nitong tawa. Lalo na yung tawa ng pinakamalaki sa kanila and when I say pinakamalaki I'm not pertaining to height ok? I'm pertaining to their weight haha. Yung pinakamataba ang pinakamalas tumawa sa kanila kaya ayan tuloy nakakahakot sila ng atenyon. "Here's your order sir. Enjoy" nakangiting saad ko sa mga ito at aalis na sana ng hinawakan nung leader nilang jumboo size ang braso ko. Napatingin naman ako sa kanila ng nakakunot ang noo. "Is there anything you want to order sir?" tanong ko. "Saan na yung loli kanina? yung kumuha ng order namin? Bat ikaw yung naghatid nito?" napataas naman yung kilay ko sa mga tanong nito. Loli? ano yun? Lolipop? "Ahh si Letty po ba" ngumiti naman ako bago nagsalita ulit. "Kita niyo naman pong wala dito di ba so malamang andun sa kusina. Ok na po ba yun?" sagot ko dito at nag-tsk lang ito. "Waitress ka dito diba?" tanong nito kaya malapit pa akong mapatawa. Bulag ka ba? Aiishh ang sarap nitong itanong sa kanya. "Hindi ko naman ihahatid yung order niyo dito kung hindi di ba? so ano pang gusto niyo sir? Drinks or sweets?" tanong ko dito pero ni-head to foot lang ako nito at ngumisi. Tsk. I hate the way he smirk. Tila binabastos ako nito. Buti na lang hindi si Letty yung kaharap nito kundi umiyak na yun. "Palaban ah. Daming mong sinabi eh oo o hindi lang naman ang sagot" Haayst pigilan niyo ako guys at baka may maletchon ako ngayon. Haha chor. Joke lang yun baka kase ako letchonin nito eh. "Kuha mo 'ko ng black coffee bilis" Wow ha ang bossy. Tsk. Tumango na lang ako bago umalis. Pagbalik ko ay halos sumpain ko na sa mukha nito ng sinabing hindi daw black coffee ang inorder nito kundi capucino kaya bumalik naman akonsa counter at kumuha ng inorder nito. Pagbalik ko ay nagalit ito dahil ice coffee daw ang inorder kaya. Napayuko pa nga ako ng sinabihan akong tatanga daw ako sa pagkuha ng order. Putspa. Ang sarap magwala. At nung bumalik akonsa table nito ay sinabing orange juice ang order nito and the cycle goes on hanggang hindi ko na kaya. Seriously? nag-eenjoy ata sila sa ginagawa nilang katarantaduhan ehh. Mga fishtea lang nakakagigil. "Dane ako na niyan. Kanina ka pa kase pabalik-balik" ani ni ate Elena ngunit umiling ako. "No ate kaya ko pa." sagot ko. "Mga walang hiya yung mga yun ah. Ang sosobra na" nangangalati sa galit na saad nina Connie at Marie ngunit ngumiti lang ako sa kanila. "Ano ba kayo, customer natin sila at tska sabi nga nila customers are always right diba?" sabi ko na nagpabuntong hininga sa mga ito. After nun ay bumalik na ako sa traffic light upnng ibigay ang tubig na siyang inorder daw nung leader nilang naka stop sign hair. Mas lalo akong nanggigil ng makitang tawang-tawa pa sila sa reaksyon ko habang papalapit ako sa kanila. Mukhang nag-eenjoy 'tong mga damuhong 'to. Lagot kayo sakin ngayon. It's pay back time. "Here's your water sir" walang emosyon kong sabi. Tumawa naman ito bago nagsalita. "Water? di ba sinabi kong--" hindi ko na pinatapos ito ng magsalita ako. Kung ako talaga si Letty kanina pa ako umiyak sa harap ng mga ito. Nakakapagod kaya yung ginagawa nila. "Sorry sir, pero pwede po bang tama na yung ginagawa niyo? Marami pa po kase kaming customer at hindi lang kayo ang aatupagin ko." sabi ko at tiningnan sila isa-isa. "Can you just tell me directly what you specifically like. Pretty please" mahinahon kong saad sa mga ito kaso mukhang nagalit ang mga ito lalo na yung leader nila. Pinalo ni Stop sign ang lamesa kaya napaatras ako ng isang hakbang. "So sinasabi mong nangungulo lang kami dito?" malakas na sigaw nito na siyang nakakuha ng atensyon ng lahat. Shet masama 'to. Lumapit ako dito at pilit itong pinapakalma. "Hindi po sa ganun sir--" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla ako nitong tinulak kaya nabungo ako sa lamesang nasalikod ko bago sumalampak sa malamig na sahig. Araaay. Ang sakit ng pwet ko huhu. Napasigaw ang mga tao at lumayo sa pwesto namin upang makaiwas sa gulo. Halos manlamig naman ako ng bigla nitong binuhos ang malamig na tubig na dinala ko kanina. Now what! hindi lang ako basang sisiw ngayon kundi bumakat na din yung damit ko sa katawan ko. Halos tumaas lahat ng buhok ko sa katawan dahil sa nangyari. Nakakahiya. "Yan ang bagay sayo. Masyado ka kasing pabida." nakangising saad nito sakin kaya naiyukom ko ang kamao ko. Wag kang gagawa ng gulo Dane please lang. Pagpapakalma ko sa sarili ko. "Oo nga. Ang hilig mong mangialam. Kung sana hinayaan mo na lang na si Loli girl yung nagdala ng mga inorder namin edi sana hindi ka namin napagtripan" sabi ni Go sign at tumawa. Sumang-ayon naman si Wait sign. "Pero ok lang din yun dahil maganda at sexy ka naman" "At dahil maganda ka naman eh ikaw na lang ang paglalaruan namin. Ano? magkano ba ang isang gabi para sayo magandang binibining tulad mo? 1000 pesos? 2000?" bulong ni Oinky Stop sign sakin kaya nabigyan ko ito ng isang suntok sa mukha na siyang nagpalayo nito sakin. Ang babastos ng mga 'to. "Bastos!" nang-gigigil na sabi ko. Galit ako naman ako niyong tiningnan. Itinaas nito ang kanyang kamay upang sasampalin ako ngunit may kamay na humawak dito. "Stop it. Sumosobra na kayo" malamig na saad nito at nung tiningnan ko ito ay ang weirdong lalaki pala. Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakacap parin ito. Pwersa nitong ibinalik kay stop ang kamay niya kaya nadala ito kung kaya't napaatras ito. Napa woah naman ang mga manonood sa nakita nila. "Here, take this" napatingin naman ako dito nung pinatong nito ang jaclet nito sakin. "Tha-thanks" nahihiyang saad ko. Grabe. Akalain mo nga naman. Kung sino pa yung hinusgahan ko kanina siya pa yung tumulong sakin. Huhu don't judge the book by it's cover nga talaga. "Sino ka bang tampalasan ka ha!" sigaw ni Stop sign. "No need to know me, but if I were you now titigil na ako sa ginagawa kong pambabastos sa iba bago pa ako dakpin ng mga pulis" ani nito na ikinatawa ni stop sign. Haha sorry naman eh hindi ko naman kase alam yung mga pangalan nila. "Kanina ko pa napapansin ang ginagawa niyong kalokohan pero nananahimik lang ako jan sa tabi. But everything has its limitation so if I were you again, I'll gonna stop this craziness you have right now" "Feeling siga eh mukha namang weakling" sabat naman ni Wait sign. "At anong pulis bang sinasabi mo? Don't make us laugh bro. Money can buy everything including that justice you are pertaining to" pag-eenglish naman ni Go sign. "Tsk idiot. This girl as well as the owner of the shop can sue you for s****l harassment. Calling her co-worker Loli and asking her for a night. Are your damn cells broke man?" seryosong saad nito. "And you said you can buy justice right? then let me remind you this, that from this day on forward justice won't be on your side. Mark my word" "Hahahahaha at sino ka ba sa inaakala mo ha? isa ka lamang hamak na hampaslupang nagtatapang- tapangan upang maging hero ah. Lol. Wala tayo sa ML" Ani ni stop sign. Hmm oo nga. Sino ka ba 'tong si weirdo guy? "Ulol mo! Isa ka lang maderpaker na mukhang ulol na ipinanganak sa nanay mong higad at tatay mong--" Hindi natapos ang sasabihin nito ng bigla itong sinuntok ni weirdo guy. Sinipa din nito ang lalapit na sanang sina Wait at Go sign. Shems baka hindi niya kakayanin nng tatlo. Lalapitan ko na sana sila ng may pumigil sakin at ng tingnan ko ito ay sina ate April at ate Elena lang pala ito. "Pabayaan mo na lang sila. Parating na ang mga pulis." Nag-aalalang saad ni ni ate April. Biglang napasigaw ang mga tao kaya napatingin ako sa direction nila. Sinipa ng mga ito si weirdo guy kaya natumba ito. Pinunasan muna nito ang kanyang labi na sure akong sinuntok nila. Nung papatayo na ito ay nahulog ang cap nitong suot kaya halos maglupasay sa kilig ang lahat ng makita ang mukha nito. "Ohh my gosh is that Prince Ryan Ryuu?" "Hala ka! siya nga girl!!!" "Picturan mo siya beshie dali" "Kyaah ang gwapo niya talaga" "Ang tapang ni Prince Ryuu. Nakakainlove" "Anong ginagawa ni Prince Ryuu dito?" "Kyaah ang swerte ni ate gurl. Ikaw ba naman sinave ng isang Prince Ryuu. Kainggit" "RIP for those three idiots who punch our Prince" Seriously guys? At ano daw? Prince Ryuu? Prince Ryan Ryuu? ughh another prince saving walang kwentang Dane ang peg ko nito. Deym. "P--prince Ry--ryuu" gulat na sabi ng tatlo. Nagulat ang lahat ng biglang lumuhod ang mga ito at humingi ng bonggang patawad sa taong tinatawag nilang Prince Ryuu. "Pa--patawad kamahalan. Patawad!!" halos umiyak na saad ng mga ito. "Tsk you fools. Don't ask for my forgiveness instead repent for what you've done inside the cell" ani nito. May mga naka-men in black naman na lumapit kay Prince Ryuu. Nagbigay galang muna ito nago nagsalita. "Are you ok Prince?" "Yah. It's just a scratch" ani nito at napahawak sa gilid ng kanyang mga labi. "Prince Ryuu. Your order" sabi naman ng usang naka-men in black. "Just take them away and make sure mabubulok sila sa kulungan Butler Linn" That Prince Ryuu said while waving his hand as a sign to move those traffic lights away. Natakot naman ako sa sinabi nito. Aalma na sama ng tumingin ito sa direksyon ko kaya napahinto ako. Ewan ko ba pero bigla akong kinabahan ng tumingin ito sakin. Feel ko huminto sandali ang paghinga ako. Sheeems. Ang gwapo kyaah. "Are you ok?" tanong nito. Sasagot na sana ako pero tila walang lumalabas na boses sa bibig ko. Shet magsalita ka Dane. Wag kang ano jan. "A--ano...ahm... sa-salamat. Maraming--maraming salamat ka--kamahalan" nauutal na sabi ko at nagbow ng sobrang bongga. Sa sobrang bongga lumagpas na ito sa 90 degree haha. Narinig ko namang tumawa ito kaya mas lalong nagracing, nagsaya at nagparty ang mga buwaya sa puso ko. Kyaahh bat pati yung tawa niya ang gwapo? "Hahaha you're too formal" sabi nito kaya inayos ko na yung pagkatayo ko. "Ge. See you around Kawaī on'nanoko" (pretty girl) dagdag nito at nagwink pa nago nagsimulang umalis. Pagkaalis nito ay siya ring pagtili ng kasama ko. Ngunit imbes na mapunta sa kanila ang atensyon ko ay napatingin ako sa lalaking nakacap na sumunod rin kay Prince Ryuu. Tumigil ito ng nasa tapat na siya ng pintuan at itinaas niya kaunti ang kanyang cap kaya nakita ko kung sino ito at putspang gala ka!!! kaya pala ako minalas kase andito 'tong ulupong na 'to!!!! Nagsmirk ito sakin bago magsalita pero yung tipong walang tunog na naiintindihan mo naman. "Flat" He mouthed kaya halos tumaas ang alta presyon ko. P***tttaa ano daw? Umiling-iling muna ito bago sumunod kay Prince Ryuu. Aaaarrrrrrgghhhhhh may araw ka rin sakin Prince Zion!!! Malas ka talaga sa buhay ko. Grrrr ginigigil mo talaga ako. Aaiishh. At ano daw? Ako Flat? what the?? hindi naman sa pagmamalaki ha pero may future ako noh. Arrghh ang yabang talaga. I really hate you dark prince Zion!!! kainin ka sana ng zebra grr. "Ohh my goshh kyaaaaah. Nakita niyo yun? tumawa siya? ngumiti siya?? At nagwink pa kyaaaah" tili ni Connie kaya nakuha nito ang atensyon ko. "Ohh my goshh. First time kong makakita ng prinsipe sa tanang buhay ko tapos ang lapit pa talaga. Kyaaaahh" wow Ate April fangirl na fangirl lang. Haha pano pa kaya pag nalaman nilang andito din ang dark prince na si Prinsipe Zion edi baka naglupasay na silang lahat. "Ohh my goshh grabee naiiyak ako. Maraming salamat talaga Dane. kyaaah ang gwapo nga talaga ni Prince Ryuu sa personal. Lalo na sa malapitan!!!" Ani Sasha ng may kasama pang sapak sakin. "Ha? at bat naman ako nasali sa usapan?" "Hahaha ang slow eh. Kung hindi dahil sayo hindi natin malalaman na nandito ang Prinsipe ng Duarte Kingdom sa shop ni Roshie. Haay. Nakakahiya tuloy sa kanya" umiiling-iling na saad ni Ate Elena at umalis upang linisin ang kalat na naiwan sa gulo. Pumunta na rin ako sa locker room naming mga girls upang magbihis. Haayst. Nakakahiya. Bakat na bakat yung katawan ko kanina. haay kung flat ako edi hindi sana ako mahihiya ng bonggang-bongga kanina. Kainis. Hindi ko naman maiwasang mapangiti ng makita ko ang hoodie ni Prince Ryuu. Paimpit akong napatili ng amuyin ko ito. Kyaaaah ang bango bes. Amoy Prince Ryan Ryuu. "Kyaaaahh" mahinang tili ko at may patalon talon pa. Inamoy ko ito ulit at niyakap. "Ang bait talaga ni Prince Ryuu. Haay sana magkita pa kami ulit" Napatingin ulit ako sa hoodie. "Humanda ka hoodie dahil hindi kita lalabhan ket kelan lalo pa't amoy Prince Ryuu ka." Parang baliw kong saad. "Kyaaaah crush ko na talaga si Prince Ryuu. Bet ko siya kesa dun sa isang asungot hihi" Pagkatapos kong magwala sa locker area. Hahhha char magwala talaga. Matapos kong magbihis ay lumabas na ako at dun ko nakita si ate Roshie. Nag-aalala ako nitong nilapitan at sinuri. Nagulat pa nga ako ng bigla ako nitong niyakap. Woaah. Apaka concern naman sakin ni ate. Huhuhu naiiyak tuloy ako. (Ps: truth po yan guys. Di po yan sarcastic haha) "Ok ka lang ba Dane? may masakit ba sayo? Ano dadalhin ka na ba namin sa doctor? hindi ka ba natrauma?" napatawa naman ako sa sinabi ni Ate. "Hahaha chill ate ok lang ako promise. Kailan ka nga pala nakabalik?" "Actually---" ani ate Roshie but someone who's from her office came and cut her off. "Ate Roshie I can't find it anywhere. Even in your office" ani nito at napatingin sakin. "Dane?" tanong nito kaya napakunot ang noo ko. Kilala niya ako? "Kilala mo 'ko?" tanong ko na ikinagulat nito. "Ohh my goshh. Dane Crisjen Lee? Kyaah it's me Cassy don't you remember? Hello, the one you save back then..remember?" pagkasabi niya nun ay halos lumuwa ang mata ko. "Cassiopea?" pagkasabi ko nun ay bigla niya akong niyakap. "Ohh my gosh. Ang tagal kitang hinanap andito ka lang pala. Huhuhuhu bestfriend ko nakita rin kita" "Ahm Princess Cassy, magkakilala kayo ni Dane?" singit ni Ate Roshie kaya napatango naman si Cassy at nahihiyang napangiti ako. "Yep. Remember the girl I told you before ate? siya yun kaso I didn't see her since I went to the State 5 years ago. But now I found her Ate Roshie. Now I've found my very first bestfriend" "What in the world" gulat na saad nina Ate April. "Ikaw Dane? bestfriend ni Princess Cassiopea Juvilia ng Juliver Kingdom? kyaah bat di mo sinabi samin Dane! ang daya mo" nakangusong saad nina Marie at Connie kaya nahihiyang ngumiti ako. "Ehehe hindi niyo naman kase tinanong" sabi ko na ikinatawa nina ate Roshie at Dane. "What a small world isn't it?" di makapaniwalang saad ni Ate Roshie na sinang-ayunan ni Cassy. "Yeah it does" na siyang nagpatawa samin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD