Dahan-dahan kong itinaas ang kumot sa katawan ni Cassy. Andito ako ngayon sa kwarto nito dahil pagkarating niya kanina dito siya dumiretcho. Ilang beses pa nga akong kumatok kanina at sa awa ng diyos ay pinagbuksan niya ako. After nun ay iyak lang siya ng iyak sa balikat ko hanggang sa nakatulog siya.
Hindi ko alam kung anong problema ni Cassy kaya iyak lang ito ng iyak. Well, hindi naman siya iiyak ng ganun kung hindi malaki yung problema niya divah? Haayst gusto ko sana itong tanungin kung ano ito kaso hindi na lang. Hahayaan ko siyang magshare sakin. Masyado na kase akong nanghihimasok sa buhay nila pag gawin ko iyon. Pero nakakacurious kase. Ano kayang dahilan niya at ganun na lang siya umiyak? Palagi din nitong sinasabi na "ayaw ko", "bakit ganun sila?" at "wala na ba akong takas sa ganitong bagay?". Haayst, ako yung nahihirapan sa sitwasyon niya.
Nang makalabas na ako sa kwarto niya ay dumeretcho ako sa kusina, nagugutom kase ako.
"Oh Dane iha, kumain ka na?" ani Lola Pinky ng makapasok ako dito.
"Kakain pa lang po. Sabay na po tayo" sabi ko pero umiling lang ito.
"Sige na iha. Tapos na kami. Nga pala kamusta si Cassy? ok na ba siya?"
"Nakatulog po siya sa sobrang pag-iyak. Nga pala Lola, sina tito at tita po?" tanong ko. Hindi ko kase nakitang umuwi ang mga ito.
"Ay sina ma'am at sir. Hindi na sila umuwi bagkos bumalik na sila sa Juliver. May emergency daw kasi" napatango na lang ako sa sinabi nito.
"Ahm.. may... may alam po ba kayo kung bakit ganun si Cassy kanina?" tanong ko ulit but this time I was hesitant. Nakakahiya kase baka isipin nitong nanghihimasok ako sa problema ng iba. Pero curious lang kase ako.
"Ahh hindi ba yan nasabi ni Cassy sayo? Ang totoo niyan Dane, sa twing pumupunta si young Lady dito sa Almenia ganyan siya. Minsan umuuwing umiiyak o kundi nag-aaway sila ng mama at papa niya dahil sa isang bagay bagay"
"Ha? nag-aaway? bakit po?" usisa ko. Sasagot na sana si Lola Pinky ng dumating si Sunny na apo nito. May hinahanap ito na si Lola lang daw ang may alam kung san nilagay. Haayst sayang. Andun na sana eh. Masasagutan na sana yung tanong ko kaso ito yung nangyari. Badtrip masyado eh.
After kong kumain ay hinugasan ko na yung pinagkainan ko at pumasok na sa kwarto ko. Napabuntong hininga naman ako bago nilibot ko ang paningin sa loob ng kwartong meron ako ngayon. The room was spacious. The room was a combination of white and pink theme. At isa lang ang masasabi ko. Ang ganda nito. Tska parang buong bahay na ata ito ni tiya haha at napaka sosyal ng dating.
May queen size bed, may lampshade malapit sa kama, may mini chandelier, may walk-in closet, may study table, may personal computer sa gilid, meron ding flat screen tv sa gilid at may mga sofa pa. May own toilet room din at iba pa. Haasyt ang bongga divaah. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko para makabawi ng utang na loob sa kanila.
Matapos kong mag half bath ay nagstudy ako. Bukas na kase ang exam kaya dapat ready ang lola niyo. Nang dinalaw na ako ng antok ay naisipan ko ng matulog. Maaga pa naman akong gigising bukas.
---
"Aki hali ka dito bilis" sabi ng isang batang lalaki habang nasa kabilang side ng daan kasama ang isang batang lalaki na kaedad lang din nila. Wait. Halos magkaedad lang naman silang tatlo eh.
"Yo...yoko nga Kuya. Niaway ako niyang kasama mo. Ayoko sa kanya. Ang bad niya" sabi ng batang babae na blurred ang mukha na may hawak na Doraemon.
Napatawa naman ako. Pareha pala kami. Mahilig din kase ako sa Doraemon hihi. Pero ewan ko ba hindi ko talaga makita ang mukha nila. Pati nung batang tumawag sa kanya. Pero feel ko napakafamiliar nila.
"Hindi naman bad si Z eh. Shige na. Bibigyan ka namin ng cotton candy" sabi nung kuya niya kaya halos magliwanag naman ang mukha nung batang babae.
Lalapit na sana ito sa kuya niya ng may isang sasakyan na tila walang preno ang papunta sa direksyon ng batang babaeng. Dahil ata sa adrenaline rush ay agad kong tinulak ang bata kaya ang ending ako ang matatamaan. Ipinikit ko ang mga mata ko at hinintay kong tumama ang sasakyan sa katawan ko pero hindi ito nangyari kaya iminulat ko ito. Nagulat ako ng makita kong nag-iba ang setting. Wala na yung tatlong bata kanina pero yung sasakyan andito pa rin kaso nabangga ito sa puno. Agad ko itong pinuntahan at halos madurog ang puso ko.
Sakay dito ang batang nakasuot ng Doraemon na damit at tila ginigising ang driver nito. Pareho silang naliligo sa sarili nilang dugo. I want to help them but I can't. I can't even touch them.
"Da--daddy wa--ake up. Daddy please... please wake up" umiiyak na saad ng bata.
"P--princess" mahinang usal ng daddy nito. Ewan ko pero ng sinabi niya ito may kung anong humaplos sa puso ko.
Kahit nahihirapan ang ginoo ay niyakap nito ang batang naliligo na sa dugo nito.
"Princess... always remember... daddy loves you so much. Be strong ok? Live... Live for me my princess.... our princess Aki. I... I love you"
----
Agad naman akong napamulat at napahawak sa ulo ko. Umupo ako sa kama at hinilot ang sentido ko.
Sumasakit naman ito. Arrgh my head hurts everytime that same old dream appear. Napahawak naman ako sa mukha ko. Ito na naman po. Hindi ko alam pero ang sakit ng puso ko kaya di ko namamalayang umiiyak na ako.
Niyakap ko ang mga tuhod ko at umiyak. Nilabas ko lahat ng mga sakit sa pusong meron ako ngayon. Sa ganito lang kase nawawala ito. Siguro namimiss ko si papa kaya napapaginipan ko na naman ito. Tama ganun nga.
"I miss you Papa" sabi ko sa pagitan ng mga hikbi ko.
Nang mahimasmasan na ako ay naligo na ako at ginawa ang iba ang morning rituals ko. Pagkalabas ko ay nakita kong nasa garden si Cassy habang umiinom ng gatas.
"Goodmorning Cassy" nakangiting bati ko sa kanya na sinuklian niya din naman.
"Ano.. ok ka na?" tanong na ikinatango nito.
"Sorry nga pala kagabi ha. Ikaw pa tuloy yung naiyakan ko" nahihiyang sambit nito. Ngumiti naman ako sa tinuran nito.
"Hahaha no ka ba ok lang yun noh." After kong sabihin yun nagtawanan kami.
Sa garden na namin naisipang mag-almusal. Buti na lang at bumalik na yung dating sigla ni Cassy kundi baka mapano na naman siya. Remember, sinabi kaya ng mommy at daddy niya na bawal sa kanya ang umiyak ng umiyak. Nakakasama ito sa puso niya. Haay ayan tuloy namamaga yung mga mata niya.
After naming kumain ay nagready na ako para makaalis. Mas mabuti na yung maaga kesa malate divah?
"Waaah sorry talaga Dane. Huhu hindi talaga kita masasamahan ngayon. Susunduin ko kase si Summer sa airport ngayon eh"
"Haha ano ka ba ok lang. Wala namang kaso sakin yun eh." bumuntung hininga naman ito.
Andito kami sa garage nila. Ang daming mamahaling sasakyan. Iba-iba ang model. Haay iba talaga pag mayaman. Gusto ko sanang magcommute pero pinilit ako nitong ihatid na lang ni Manong Edgar para di daw hassle kaya no choice ang lola niyo.
Hinawakan naman nito ang kamay ko bago nagsalita.
"Basta ba galingan mo ha." sabi nito kaya napangiti ako.
"Sure. Ako pa" confident na saad ko. To be honest kinakabahan ako. Pano pag hindi ako natanggap edi pahiya ako hindi lang kay Cassy kundi pati na kina tito at tita. Haay kaya gagalingan ko sa exam na ito. Ang taas ng expectations nila sakin kaya di ko sila bibiguin.
Kiniss nito sa cheecks bago sinabing goodluck and godbless daw sakin. Haha. Sira talaga.
Hindi ko mabilang kung ilang sighs na ang ginawa ko mula ng makaalis kami sa mansion. Dahil sa tinding kaba na meron ako nilalamig tuloy ako kahit hindi ganun kalakas nng aircon ng sinasakyan ko.
Nang makarating kami sa Juldurayt Academy ay agad akong nagpaalam at nagpasalamat sa chauffeur nilang si Manong Edgar. Sinabi pa nitong hihintayin niya lang ako pero humindi na agad ako. Baka kasi matagal matapos yung exam ewan ko na lang. Nakakahiya kayang paghintayin ang isang tao noh.
Ang laki ng academy na ito. Muntik na nga ako mawala kanina at buti na lang ay nakapagtanong ako sa isang staff. Tinuro nito ang lugar kung san magt-take ng exam at halos mahulog yung panga ko sa sobrang daming taong nandirito.
Ilang minuto bago magsimula ang exam ay may announcement pa na binigay ang isang staff. Nagpakilala ito bilang isang head-assistant ng academy. Kumbaga siya yung nagbibigay ng welcome speech bago magsimula ang exam. Habang nagsasalita ito ay may kumalabit sakin kaya agad akong napatingin dito. Nang tingnan ko ito ay agad naman ngumiti ang isang babaeng may petite na pangangatawan at may malaking glass sa mata. Typical nerd pero feel ko maangas ito. Iba kase yung presensya niya. Para bang sinasabi nitong ket nerd ako lalabanan kita. Haha parang ganun.
"Hi" nakangiting sabi nito.
"Ahm.. hello" nahihiyang sambit ko pero mahina lang iyon. Baka kase mahuli kaming nag-uusap dito lagot na.
"Hihi ikaw yung nakita ko kanina. Yung nakalimousine" nagulat naman ako sa sinabi nito. Napatingin naman ako sa paligid ng may ibang tumingin sa direction namin ng sabihin niya iyon.
"H-ha?" yun na lang ang nasabi ko.
"Mayaman ka diba? so bakit kailangan mo pang maghirap para makakuha ng slot sa scholarship ng JA?" Hindi ko agad ito nasagot ng nagpalakpakan ang iba tanda na tapos ng magsalita ang head-assistant ng academy.
"Hindi akin yun. Sa kaibigan ko iyon. Nakisakay lang" sabi ko habang nasa harap ang atensyon. Nakita ko naman sa peripehral view ko na tumango ito.
"Weeh? di nga?"
"Haha promise. Hindi yun akin at lalong hindi ako mayaman. Mahirap lang ako noh" sabi ko. Noong una parang hindi siya satisfied sa sagot ko pero kalauna'y tumango na lang.
"Hehe sorry ha. Akala ko sa iyo eh. Nakakagulat kase na may kasama kaming naka-limo. Halos ikaw nga yung topic dito kanina" agad naman akong napatingin sa kanya ng sabihin niya iyon. Literal na nagulat ako sa sinabi nito.
"Ha? bakit naman?" agad na tanong ko. Sa totoo lang nakakagulat. Ikaw ba naman pag-usapan nila dahil lang sa nakalimo ka papunta dito. Haayst. Yan na ba yung sinasabi ko eh. Kaya ayoko sa suhesyon ni Cassy kasei for sure kukuha ito ng atensyon.
"Halos lahat kase kami dito mula sa mahirap na pamilya. Napakalaking oppurtunidad ang makapasok sa JA kaya nagulat kami ng makitang may kasama kaming mayaman na magt-take ng exam eh pwede naman siyang magbayad ng tuition para makapasok agad di ba?" sabi nito kaya napatawa ako.
"Hindi ako mayaman noh. Yung kaibigan ko lang. Laking pasalamat ko nga kasi kinupkop ako ng pamilya nila at bilang kabayaran ay kailangang makapasa ako dito para masamahan siya"
"Ha? Kung mayaman siya pwede namang bayaran nila ang tuition mo?"
"Ayoko ng ganun. Gusto ko lahat ng maabot ko sa buhay mula sa pagsisikap ko" sabi ko na ikinangiti nito.
"Ang bait mo naman. Don't worry makakapasa tayo" napangiti naman ako sa sinabi nito.
"Dane Crisjen Lee nga pala. You can call me Dane" sabi ko at inilahad ang kamay ko.
"Kamiya Sanchez. Miya for short. Ano palang room number mo?" tanong nito kaya tiningnan ko agad ang room number na nasa papel na hawak ko.
"Ahm... room number 167. ikaw ba?"
"Waah same tayo. Thank God may kasama na ako ngayon" sabi ko kaya napatawa naman ako.
Nagpalakpakan ulit at ayun nga natapos na yung opening para sa exam na ito. Pagkatapos nun ay hinanap namin ang room namin. Hindi na kami nawala kase may guide kami. Buti na lang talaga at nandito si Mia kase medyo nawawala ang kabang nararamdaman ko kanina.
Pero bumalik ito ng pumasok na yung magiging proctor namin. She looks like a terror one kaya napakatahimik namin ngayon. Mataba ito at may makapal na red lipstick sa labi. Nakataas ang isang kilay nito habang nililibot ang room. Parang ang takong niya lang ang nagbibigay ng ingay sa loob ng room. Nakakatakot siya.
Pagkatapos nun ay nagbigay ng ito ng instruction at iba pa bago kami binigyan ng booklets at nagexam.
The exam took 5 hours in all. Buti na lang may dala kaming snacks kundi gutom. To be honest mahirap ang exam. Masyadong tricky ang questions. More on logic ang questions at buti na lang nasagutan ko ito lahat tho may mga part talaga na nahirapan ako sa pag-analize pero ok lang. Mataas pa naman yung time na binigay samin.
"Ahhh thank you Lord natapos na rin kami" masayang sambit ni Miya. May kasama kami ngayon. Si Cristy. Pinsan niya daw ito. Kaya hindi ko ito nakita kanina kase kasama ito ng mga kaklase niyang magttake din.
"Hahaha hindi ka pa nasanay Miya" natatawang saad ni Cristy kaya napapout naman si Mia.
Tumingin naman si Mia sakin bago nagsalita.
"Alam mo Dane pangatlong taon ko na itong take. Hehe kaya nga naisipan kong panghuling take ko na ito. Nakakapagod na kasi eh" malungkod na saad nito kaya agad kong hinawakan ang balikat nito.
"Makakapasa tayo. Tiwala lang. Aja" sabi ko at may pa fighting sign pa. Natawa naman sila sa ginawa ko.
"Haha tama. Ako kaya si Kamiya na walang inuurungan" sabi nito kaya napatawa na lang kami. Ilang metro pa ang nilakad namin para makarating sa main road kung saan maraming sasakyan ang dumaraan. Wala kaseng pumapasok na jeep dun sa JA kase alams na. Private school yun at walang studyanteng nagmumula dun ang sumasakay ng jeep. Ang sososyal eh.
Pero sana makapasa nga kami lalo na si Mia. Last chance niya na 'to. Haay.
Imbes na dumeretcho sa bahay ay dumaan muna ako sa jollibee at kumain. Pagkatapos nun ay ang sa shop ni ate Roshie and pinuntahan ko. Niexcuse ko lang kasi ang sarili ko dahil sa exam. Sa totoo lang ang saya ni ate matapos niyang malaman na sa JA na ako mag-aaral. Sinabi pa nitong kung may kailangan ako wag akong mahiyang lumapit sa kanya. Haha wengya. Ang bait nila. Apaka paborito nga talaga ako ni Lord eh noh.
Pagkarating ko sa shop tinanong nina Comnie,Sasha, ate April, Letty at Marie kung kamusta daw ang exam. kung mahirap ba or ano pa jan. huhu buti pa ang exam kinakamusta nila, ako hindi. Iyak na tayo guys huhu.
Sinabi ko naman ang totoo kaya ayun niwish nilang sana makapasa ako at pag nakapasa ako maglilibre daw ako sa kanila. Haha mga sira talaga.
Kinahapunan maaga kaming umuwi kase maaga ding dumating nng papalit samin. Nag-aya si ate April na kumain muna ng street foods at sagot niya kaya gora kami libre na yan eh.
Sa totoo lang ang saya ko ngayong araw. Marami akong nagawa at may mga tao din akong nakilala. Hindi ako nakaramdam ng ganito kasaya nung nasa puder pa ako ni tiya. Pakiramdam ko malaya na ako ngayon. Malaya akong nakikisalamuha sa iba, malaya kong nailalabas ang saloobin ko at malaya akong gawin ang mga bagay na sa tingin ko'y tama.
Hindi tulad noon. Kung hindi ako binabakuran ni tiya ay pinagbabawalan naman ako ng mg pinsan ko na anak niya. Like mother like daugthers ika nga.
Kaya napakasaya ko ngayon. Sana ganto na lang habambuhay. Yung tipong napakasimple ng buhay na meron ako. Yung walang matang sinusumbatan ako. Mga matang humuhusga sa mga ginagawa ko pati na sa pagkatao ko. Sana magpatuloy yung ganito. Yung tahimik at walang problema.