Chapter 8

2872 Words
DANE's POV Iba talaga pag walang tiwala sayo ang mga taong nakapalibot sayo. Yung tipong akala mo susuportahan ka nila sa gusto mong gawin kasi alam nilang magagawa mo yun but hindi pala. They would be the one to discourage you. Instead of pouring you with motivational words that could keep you going, they would keep you down. Nakakawalang gana. Pero wala eh. Pag gusto mo ang isang bagay kailangan mong magpursigi. Let's just don't mind those people instead we'll just do our best and prove them wrong. Yun naman talaga ang dapat gawin eh. Kakatapos ko lang kunin ang mga records ko sa principal's office at ngayon ay papaalis na ako. Pahirapan pa ang pagkuha ng mga ito lalo pa't malapit na ang pasukan. Ayaw pa sana ako pagbigyan sa gusto ko kase ako ang class valedictorian pero nung sinabi kong magt-take ako ng exam sa Juldurayt Academy eh mas lalong ayaw nila akong pagbigyan. Ang dami pa nilang sinabi na kesyo pahirapan ang pagpasok dun ket gano ako katalino. Haayst. Ang dami pa nilang nakakadown na words na sinasabi pero ang ending binigay lang din pala yung mga papers ko. Mga jollibee lang divaah? Pwede naman nilang sabihin na ayaw nila akong bitawan dahil malaki ang naitutulong ko sa paaralan na ito lalo na sa mga academic performance. Haha konting trivia lang guys. Oo malaki yung naitutulong ko sa school na 'to dahil kasi sakin nat-top yung school namin sa mga quiz bee at iba pa. Ako kase yung ginagawa nilang pambato. At hindi lang iyon. Journalist din ako ng school namin. Sa totoo lang ang hirap bitawan ng mga bagay na meron ako ngayon. Kontento na 'ko sa mga ito kaso bakit ganun? bakit kailangan ko pang mamili? kung pwede ko lang wag sundin sina tito at tita kaso kabayaran ko na din kase ito sa utang na loob ko sa kanila. Haayst. Ang hirap. Napakahirap. Papunta na ako sa terminal ng jeep ng may tumawag sakin. "Dane? Hala Dane ikaw nga" Ng nilingon ko ito dun ko napagtantong si Lita pala. "Ohh Lita ikaw pala. Kamusta?" tanong ko dito kaya nakakuha ako ng batok mula sa kanya kaya binatukan ko rin siya. Aba't ang unfair naman kung siya lang ang makabatok divaah. "Aray ko naman Dane. Makabatok ha. Pero wait. Ikaw ba yan? ang taray? bat ganun isang buwan ka lang hindi nagparamdam samin ang laki na agad ng iginanda mo. Anong nangyari sayo bruha" napatawa naman ako sa sinabi niya. "Grabe kung makabruha ha. Pero ganun talaga" sabi ko at nagshrug. "Mahabang story Lita. Atska maganda na ako noh kaya hindi ka na dapat pa nagulat" Tumawa naman ito bago nagsalita. "Oo nga naman. Pero teka bat hindi namin macontact ang cp mo? nasira ba?" "Hindi ko na kase yun ginagamit. Sorry nga pala hindi ko nasagot yung tawag mo nung nakaraan. Sa dami ng nangyayari sa buhay ko nakalimutan kong may cellphone pa pala akong kailangan icharge" sa totoo lang nagsisinungaling lang ako. Full naman yung cp ko kaso di ko na ni-open kase natatakot akong harapin muli ang mga taong naiwan ko like Lita. wait, ang tanong may matinong tao pa bang nag-aalala sakin aside kay Lita sa karinderya ni Tiya? "Haayst ikaw talaga. Nga pala san ka nags-stay ngayon? ok ka lang ba talaga?" tanong nito kaya ngumiti ako. "Oo nasa puder ako nina Cassy ngayon. Napakalaking pasasalamat ko nga kase tinanggap nila ako ng buong-buo. Nga pala kamusta na si tiya?" "Haayst. Ganun pa rin yung tiya mo. Palaging mainitin ang ulo. Pero sa totoo lang Dane sa tingin ko nag-guilty yung tiya mo sa ginawa niya. Bumalik ka na lang kaya" sabi nito kaya ibinaling ko na lang ang tingin ko sa napakabusy na daloy ng mga sasakyan pati na sa mga taong pumaroon at pumarito. "Mas ok na yung ganito Lit. Alam ko namang hindi siya pababayaan ng mga anak niya. Mas mabuti ng wala na ako sa puder nila ng sa ganun magkakaroroon ako ng matiwasay na buhay" sagot ko dito. "Sabagay. Nga pala san ka galing? at ano yang mga dala mo?" tanong nito kaya itinaas ko ang mga papeles na dala ko. "Ahh eto ba? mga records ko 'to sa dating paaralan na pinapasukan ko. Kinuha ko lang ang mga requirements dun para sa bago kong school na papasukan" sagot ko dito. Magtatanong pa sana ito ng namataan ko ang jeep na sasakyan ko. "Oh siya Lit. Alis na ako. Kita na lang tayo ulit. Bye" tumango na lang ito bilang tugon. Habang papunta sa shop ni ate Roshie ay napaisip naman ako. Tama ba itong desisyon na ginawa ko? Haayst. Sana naman hindi ako magsisi nito sa huli. Haayst. Sana nga. Kahit malayo pa ako sa shop ni ate Roshie makikita ko na agad dito kung gano karami ang mga customer sa shop. I immediately rush to the spot ng sa ganun matulungan ko na sina ate April. "Sorry I'm late" ani ko ng makarating ako sa spot nina Ate April. "Oh Dane welcome back. Kamusta?" sabi ni Comnie. Sasagot na sana ako ng magsalita si Ate Elena. "Hay nako Comnie. Maya na yang daldalan. Dalhin mo na yang order sa kung sino mang umorder niyan. Bilis andaming custumer oh" napasimangot naman si Comnie sa sinabi nito. "Okay. Ohh siya talk to you later Dane" ani nito at nagwink pa sakin bago umalis. "Waah salamat talaga at nandito ka Dane. Ohh siya magbihis ka na para matulungan mo sina Sasha at Letty" sabi ni ate April kaya dali-dali agad akong pununta sa locker room at nagbihis. Napakabusy ng araw na ito. Ang daming tao. Kung nakakaupo ka man mga 1 or 2 minutes lang. Ang hassle pero ok lang atleast bawi naman kami sa sweldong ibinibigay ni Ate Roshie. Buti na lang hindi ganun ka greedy si Ate sa pagbibigay ng sweldo sa crew niya. Kaya nga idol na idol ko talaga si ate Roshie eh. "Here's your order Dane" nakangiting saad ni Ate Lian habang binibigay sakin ang tray na may iced coffee. "Wiihh thanks po" nakangiting saad ko ngunit ng pagtalikod ko ang ngiting iyon ay napalitan ng gulat. "F*ck!" "s**t" Sabay naming sabi. Narinig ko pa yung singhap ng mga taong nakakita kaya mas lalong lumakbay ang kaba sa dibdib ko. Ngunit mas dumoble ito ng tingnan ko ang taong nakabungo sakin or nabungo ko. Aish ano ba talaga? Nagulat ako ng mapagtantong si Prince Zion ito. Hindi siya nakadisguise kaya kitang-kita ng lahat kung sino siya. Ngunit instead na magpantasya sa kanya napatingin ako sa damit nitong natapunan ng iced coffee. Dang. I'm doomed. "Look what you've done to my shirt!" bulyaw nito sakin. Kaya napaatras ako pero instead na mas matakot ay inilabas ko ang panyo ko at dali-daling pinunasan ang damit niya sa tindi ng pagkataranta ko. "I--I'm verry sorry P--Prince Zion. Sorry po talaga" sabi ko pero tila wala lang sa kanya dahil panay bulong nito ng kung ano-anong mga s**t words. Napatigil naman ako ng hinawakan nito ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Sumalubong sakin ang galit na mukha nito kaya halos lumabas sa ribcage ko ang puso ko dahil sa takot. Nakakatakot siya. Waaaah ito ba yung sinasabi ni Tiya noon na lagot ako sa prinsipe dahil ginalit ko siya. Waaahhh huhuhu tiya knows best nga naman. Waaah help me... send help Lord huhu. Nagulat ako ng bigla ako nitong tinulak. Akala ko dadapo ang katawan ko sa malamig na sahig ngunit hindi pala. May tao sa likod ko kaya hindi ako natumba. I flinch when that person hold my shoulder to support me. From his hands I know na lalaki ito. Pakshet. "Arrgh you wrench! Do you know how much this shirt cost? Mas mahal pa ito sa buhay mo." sabi nito at sinuri ang damit niyang basang-basa na ngayon. Yumuko ako at kinurot ang pinky finger ko. Bakit ba kase nng malas ko. Pangalawang beses nakong gumawa ng gulo dito sa shop ni ate. For sure paaalisin na ako nito mamaya. Waaahhuhuhu. "I--I'm very sorry Prince Zion." sabi ko at tiningnan ito. "A--ano. Babayaran ko na lang po--" sabi ko at ngumiti ito ng pagak. Frustrated naman itong tumingin sa sakin bago sinuklay ang kanyang buhok nito gamit ang kanyang kamay. He looks so d*mn sexy while doing that pero sa sitwasyon ko hindi ko siya kailangang pantasyahan bagkos kailangan kong makaisip ng paraan para iligtas ang sarili ko sa gusot na ito. "You'll pay fot it? really? are you nuts? mas mahal pa ito sa buhay mo. Kahit ibenta mo pa yang katawan mo hinding-hindi mo pa rin ito mababayaran" sabi nito at nihead to foot pa ako. Narinig ko pa ang ilang singhap at bulungan sa paligid pagkatapos niyang sabihin iyon. May kung anong tumusok sa puso ko after niyang sabihin iyon. Naramdaman ko naman ang mainit na butil ng mga luhang pumatak sa mata ko and the next thing I knew is the guy who's at my back stand infront of me. I feel so insulted. Ang sakit niya magsalita. Hindi porket mahirap ako ganyan na yung sasabihin niya. Oo nagkasala ako pero hindi ako dadating sa punto na ibebenta ko ang katawan ko para makabayad sa kanya. Hindi ako ganung klaseng babae. "That's enough Rex. Watch your words. Nakakasakit ka na ng kapwa" base sa boses nito masasabi kong si Prince Ryuu ito. Teka? andito siya? at.... siya yung humawak sakin kanina? "What now Ryan? She deserves it. Don't tell kakampihan mo yang hampaslupa na yan? Ha! go on Ryan. Play that damn hero again" inis na sambit nito ngunit nagulat kami ng bigla siyang sinuntok ni Prince Ryuu. Mas lalo akong napayuko ng magflash yung cera ng iba. Sheet. Lord ano ba itong gulo na ginawa ko? Mas lalo ko tuloy kinurot yung pinky finger ko. "I said enough! Did you even understand what I'm tryin to say PRINCE Rex Zion Xachnj Lennox?" sabi ni Prince Ryuu at diniinan ang salitang Prince na tila binabalaan siya nitong lumugar dahil may titulo siyang pinanghahawakan. Tumayo naman si Prince Zion. Susuntukin na din sana nito si Prince Ryuu ng pinigilan ito ng dalawang lalaki kaedad lang din namin. I don't know who are they but I think magkaibigan ang mga ito. "That's enough Zion. We're gaining too much attention" kita ko ang pagpipigil ng galit ni Prince Zion ng sabihin ito ng isa mga lalaking may blond na buhok. Dahan-dahan namang binawi nito ang kanyang mga braso sa dalawa ngunit kahit ganoon ay galit pa rin ito. Bago ito umalis ay tiningnan muna si Prince Ryuu nito bago dumako sa direksyon nito. Galit na galit ang mga mata nito na tila ba binabalaan akong wag ng magkrus ang landas naming dalawa. Napalunok tuloy ako ng wala sa oras. Don't worry Zion kahit ako ayokong magkrus yung landas natin. "Let's go Axl" malamig na saad nito bago tumalikod samin. Nakarinig pa ako ng buntong hininga sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya. Ngunit nagulat ako ng nakatingin ako pala ito sakin. Halos manlamig naman ako sa mga tingin nito. Ang mga mata niya. Bat parang pamilyar? "Fix this mess Ryuu. Hasyt that Zion. Ang sakit niya sa ulo" ani nito bago sumunod sa dark prince na si Zion. Oo Zion. Hindi ko na siya tatawaging Prince dahil hindi bagay sa kanya. Mas bagay sa kanya yung dark witch. Psh. Ng makaalis na ito ay dun na ako nilingon ni Prince Ryuu. "Are you ok?" mahinahong tanong nito sakin kaya tumango ako. Hindi ko alam kung bat ang lakas ng t***k ng puso ko pag andito siya sa paligid ko. Pangalawang beses na niya akong sinagip. Waaah. Tiningnan ko ito sa mata at ngumiti. "Maraming salamat Prince Ryuu. Maraming maraming salamat" sabi ko at nagbow. Hinawakan naman nito ang braso ko at pinatayo ng straight. "Haha you don't need to bow like that. It's ok. Nakakabanas lang talaga yung Rex na yun. Haayst. Ako na yung humihingi ng tawad sa ginawa niya" "Ano.. Prince Ryuu ako po talaga yung dapat magsorry. Kung hindi po sana ako naging pabaya hindi kayo mag-aaway ni --" "Nah that's ok. That guy deserves the beat. He did cross the line. Masyadong mainit ang ulo niya. But don't look bad in him. He's a nice guy I promise" sabi nito at ngumiti. May kung ano namang naglalaro sa tiyan ko ng makita ko ang napakaganda nitong ngiti. Ayieee mga butete ko sa tyan wag kayong kiligin. Ang echos niyo masyado. Tumingin ito sa likod ko at nagsalita. "Pano ba yan ate Elena aalis na kami. Pakisabi na lang kay ate Roshie na napadaan kami" "Sure Prince Ryuu" sagot ni ate Elena? haa? Pati sila kilala ni Ate? kaano-ano ba ni ate ang mga taong 'to? "Okay. Sorry for the disturbance guys. Pwede na po tayong bumalik sa mga ginagawa natin. Sorry po talaga" after yun sabihin ni Ate Elena ay bumalik na nga sila sa kanya-kanya nilang gawain. Ngunit hindi nakaligtas sakin nng mga mapangutyang tingin ng mga tao sakin pati na yung mga sinasabi nikang papansin. Ha? sang part ako dun nagpapapansin? "Ok ka lang Dane?" sabi ni Sasha. Andito kami sa locker room ngayon. Pansamantala muna akong pinatigil ni ate Elena sa pagtatrabaho at inassign sa kitchen upang ng sa ganun maiwasan ang gulo. Baka daw kase may biglang umatake or mantrip sakin dahil sa nangyari. Napaiyak naman ako sa tanong nito. Ewan ko ba kung bakit kailangan kong maranasan lahat ng ito. Gusto ko lang naman ng tahimik at mapayapang buhay. "Ang laki ng gulong ginawa ko Sasha. Pakiramdam ko pati si Ate Roshie magagalit sakin dahil sa pangalawang eskandalong ginawa ko. Nakakahiya" naramdaman ko naman niyakap ako nito. "Okay lang yan prenny. Malay mo magbabago na yung buhay mo pagkatapos nito" sabi nito kaya napatawa ako. Pinunasan ko ang mga luha ko bago nagsalita. "Haha sira. Pero sa totoo lang feel ko nagbago yung buhay ko ng makilala ko kayo. Kayong lahat ni Ate Roshie" sabi ko na ikinangiti nito. Kiniliti pa ako nito. "Ayiee ang sweet naman. Pero waah gurrl. Ang taray mo ha. Nahawakan mo yung kamay ni Prince Zion tapos si Prince Ryuu naman sa balikat. Kyaaah inggit ako. Nakarejoice ka ba gurl? ang haba ng hair mo" tili nito kaya mas lalo tuloy akong napatawa. Napahawak naman akonsa kanang kamay konn hinawakan niya kanina. Ewan ko ba pero feel ko yung init ng kamay niya hindi natanggal dun. "Haha sira. Kung alam mo lang kung gano ako natakot kanina. Feel ko anytime lalagutan na ako ng hininga sabharap ni Zion" sabi ko kaya nakatanggap tuloy ako ng palo sa balikat. "Aray ko naman Sasha. Apaka bayolente mo talaga" nakangusung dagdag ko. "Anong Zion naku ikaw talaga. Prince Zion yun. Nako pagmay nakarinig sayo niyan baka putulan ka ng dila" nanlamig naman ako sa sinabi nito. Ha? Pati ba naman sa pagtawag ng pangalan nila dapat with respect. Aish sige na nga. Prince Zion na. Oo na. Wengya. "Psh. Di bagay sa kanya ang prince. Mas bagay sa kanya ang Dark Prince Zion. Nakakainis siya" "Hay nako Dane. Pero kyaah ang sweet ni Prince Ryuu noh. Haay anong feeling ma-save ng pangalawang beses ng isang Prince Ryan Ryuu Strauss ng Duarte Kingdom?" namula naman ako sa tanong nito. Waaaaah I just can't hide my smile whenever I heard his name. Oo na. Crush ko na siya pero huhu kailangan ko 'tong pigilan kase alam kong may gusti din sa kanya si Cassy. "Ohh my gosh you're blushing Dane" kantyaw nito sakin. "Ehh di kaya" sabi ko at hinawakan yung pisngi ko. I tried to divert rhe topic pero itong si Sasha napakaechos kaya ayun nasabi ko tuloy na crush ko si Prince Ryuu. Yaaah secret dapat yun eh huhu. Ang daldal ko talaga huhuhu. The day went fast. Ang daming nangyari ngayong araw. As usual tila hindi nauubusan ng customer ang shop ni ate. Napakabusy. Sa kusina na lang ako nilagay ni ate Elena upang tulungan sina Marie, ate Sebby, ate Snart, Kuya Paul at kuya Mario sa pagbbake. Hindi naman ako nagbake. Nag-aassist lang naman ako kase di talaga ako magaling magbake ng cake noh. Pero wag ka, tinuturuan nila akong magbake kaya kahit papano ay may alam nako sa gantong bagay haha. Kinahapunan dumating si Ate Roshie na tila badmood din. Sinabi nitong nag-away daw sila nung jowa niyang si Prince Hendrix. Ngunit mas lumukot yung mukha niya ng marinig ang nangyari kanina sa shop. Akala ko nga magagalit ito sakin pero sinabi pa nitong lagot daw sa kanya yung Zion na yun kaya ayun napatanong tuloy ako sa kanya kung kaano-ano niya si PRINCE Zion at nang sinabi niyang pinsan niya ito ay nagulat ako. Oww. So that explain why he have Roshie's Cups and Cake 24/7 sticker that night. At yan din ang rason kung bakit close niya sina Prince Ryuu at Cassy kase may dugong royalty din si ate. Ang taray huhu. Bat ba kase ako pinapalibutan ng mga taong may dugong bughaw? Huhu. Ano ba kasing nagawa ko sa past life ko. Nang makauwi ako ay nagulat ako ng makita kong umiiyak si Cassy kaya agad ko itong dinaluhan. Ano kaya yung problema nito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD