Chapter 7

3057 Words
DANE's POV The moment I step foot on this exclusive restaurant I could feel all eyes on us. Ayy sa kanila lang pala. Sa tatlong mahahalagang taong kasama ko ngayon. Nanliliit tuloy ako sa sarili ko. Narinig ko pa ang mga bulungan at tili ng mg taong nandirito. Para bang ang saya-saya nila dahil personal nilang nakita ang royal family ng Juliver Kingdom. Kung ako ang nasa posisyon nila parang ganun din ang irereact ko. Napapikit ako nung may mga flash ng camera na tumama samin. Ang sakit sa mata. Agad naman kaming dinumog ng mga reporter na nandirito ngayon at buti na lang agad ding lumpait ang mga bodyguards nina Cassy upang hindi sila tuluyang makalapit samin. Ayy sa kanila lang pala. Huhuhu ang hirap maging sampid sa pamilyang ganto ka yaman o kakilala ng lahat. Patay ako nito. "Your highness kailan pa po kayo nandirito sa Lusitania?" "May importante po ba kayong business dito?" "Masaya po kami na nandirito kayo kamahalan" "Your higness King Jackson Juvilia. Pwede pong magtanong? Kahit isang tanong lang po. Ano pong ginagawa niyo dito sa Almenia? May importanteng gagawin po ba kayo dito?" "Your highness magkikita po ba kayo nina King Spade at Queen Zane?" "Princess Cassy totoo po bang sa Jultduray Academy na kayo mag-aaral?" "Your higness sino po yang kasama ninyo. Maari po ba namin siyang mainterview ket sandali lang" "Your highness kailan po yung uwi niyo sa Juliver kingdom?" "Their higness nandito po ba kayo upang pag-usapan ang tungkol sa engagement--" Hindi natapos nung isang reporter ang kanyang sasabihin ng magsalita si Tito Jack. Actually halos sabay-sabay silang nagtanong at itinutok ang dala nilang mga mic samin. Pero teka? ano daw? engagement? nino? "Please excuse ourselves first. We'll be having our family dinner" ani nito at ginaya na kami sa table na naka-reserve samin. Ayaw pa sanang magpaawat ng mga reporters pero buti na lang ay pinigilan na sila ng mga bodyguards ng royal family na kasama ko at ilang crew ng restaurant. Haayst hindi ako royalty pero masasabi ko talagang hindi madali ang buhay na meron sila. Tila ba wala silang privacy kase kung san sila pumunta mga mata ng tao ay sumusunod sa kanila. Ang hirap. Parang buhay artista lang. Masyadong komplikado. Ayoko ng ganitong buhay. Buti na lang hindi ako pinanganak na may ganitong buhay. "Sa wakas makakaupo na rin ako" ani Tita Isabelle. Napatawa naman kami sa reaction nito. "Haayst di naman natin sila masisisi. Ilang taon na rin nung huli tayong pumunta dito" sabi ni Tito at tinawag ang waiter. Binigay na samin ang menu ay halus mabulunan ako ng makita ko ang presyo ng mga ito. What the? joke ba 'to? bat ang mahal? Napatingin ako kay Cassy ng tinawag niya ako. "Nakapili ka na ba?" tanong nito. "Ahh ano.. ahm" ano bang pipiliin ko? ang mamahal ng mga pagkain dito. Parang ayoko tuloy kumain sa restaurant na ito. Nilapit ko yung mukha ko sa taenga niya upang hindi marinig nina tita ang sasabihin ko. Nakakahiya kase. "Hi--hindi pa kase ako gutom. Ahm.. pwedeng sa labas na muna ako?" sabi ko. "What? are you out of your mind? we're here to have a family dinner and you shouldn't ditch it" sabi ni Cassy na siyang ikinalingon nina Tito at tita. "Any problem Cassy?" tanong ni tita. "Ehh si Dane kasi--" before she could finish her words I cut her off. Baka kung ano pang masabi nito at ma-misunderstood nila. "Ah ano kase tita. Busog pa kasi ako. Ahm.. pwed--pwedeng sa kotse na lang ako" oo mas better yung ganito. Mas better na wala ako sa table na ito dahil hindi ko na matake yung mga atension na nakukuha namin tho wala naman kaming ginagawang masama. Sa totoo lang nakakagutom yung amoy ng pagkain dito sa restaurant. Halos kumalam na nga yung sikmura ko pero nakakahiya kase eh. Alam kong libre na ito. Grasya na pero nilalayo ko pa sakin kaso iba pa rin eh lalo na't nagmula ako sa mahirap na pamilya. Feel ko, lahat ng nararanasan ko ngayon ay bawal. Tulad na lang ng dinner na ito. Royal family sila while dukha ako. Ang hirap lunukin ang pagkaing nakahain lalo na't alam mo ang estado mo sa buhay tapos idagdag mo pa ang mga matang tila binabantayan lahat ng kilos mo. Alam niyo yun? yung tipong naa-out of place kayo. Ganun yung nararamdaman ko ngayon. Ang hirap. Napakahirap. "Why iha? hindi ba maganda yung pakiramdam mo? gusto mo magtake-out na lang tayo para sayo?" tanong ni tiya kaya agad kong umiling. "Ok lang po tita. Ano kasi--" "No you'll eat with us. This is our family dinner and starting from this day onward you'll be part of this family. You are always welcome to our family Dane" sabi ni tito kaya may kung anong humaplos sa puso. Waaaah bakit ba ang babait nila. Narinig ko naman ang mahinang tawa ni Cassy kaya napatingin ako sa kanya. Nagulat ako ng pinunasan nito ang luha ko gamit ang puting panyo niya. Nagulat ako sa ginawa niya pero mas nagulat ako ng malaman kong umiiyak na ako. Nahihiya naman akong tumawa at nagpasalamat sa ginawa nito. "I know you Dane. I know nahihiya ka lang pero please Dane. We are now one family so kung anong meron kami ay hindi namin ikahihiyang ibigay iyon sa iyo." ani ni Cassy kaya feel ko ngayon papatak na naman ang luha ko. Huhu bat ba ang emo ko ngayon? "Haha I knew it. We know you are just making excuses Dane. Don't worry the menu price were nothing to us so feel free to choose what you want. Go on, wag ka ng mahiya ok? As this two were saying you are part of our family now so wag ka ng mahiya samin" sabi ni Tita kaya napangiti ako. "Thank you po sa inyo Tito, Tita at Cassy. Hulog po talaga kayo ng langit sakin. Salamat po ng marami" ngumiti naman ang mga ito at after nung heartwarming welcome nila sakin sa pamilya nila ay inumpisahan na naming kumain ng dumating na yung mga inorder nila. Oo nila kase sila na lang yung nag-order para sakin. Wala naman kase akong alam sa mga pagkaing nasa menu. I didn't even know some of the proper etiquettes kaya tingnan mo parang nab-behind ako sa kanila. Ket kumakain ang g-graceful nila. Haayst ok I should stop what I'm doing. Baka magiging insecure lang ako pag pinagpatuloy ko pa 'to. Maybe I just need to be myself. Ayun naman ang inportante eh. Habang kumakain ay napakaingay nila lalo na si Tita. Ang dami niyang sinasabi. Haha hindi napag hahalataang talkative eh. Pero totoo ganyan talaga si tita. Kahit noon pa. Tila ba hindi ito nauubusan ng kwento. Hindi na ko magugulat na nagmana si Cassy sa kanya. "Nga pala two weeks from now pasukan na. San mo pala naisipang mag-aral Dane?" Tanong ni Tito kaya napatingin ako sa kanya. Ngumiti muna ako bago sumagot. "Sa old school ko lang po tito. Tutal public naman yun kaya wala akong p-problemahin sa bayad" sabi ko. "Huh? edi hindi kita makakasama kung ganun. Wag ka na dun Dane" sabi ni Cassy at pumalakpak nung may naisipin siyang susunod na sasabihin. O-oww why do I feel it is bad. "Ahh ganto na lang. Dun ka na lang din mag-aral sa Juldurayt Academy para sabay tayo. Pretty please" sabi nito at pinagdaop pa ang kanyang mga pala. Nagulat naman ako sa sinabi nito. "Ha? a--ayoko. Ayoko Cas. Much better na sa old school na lang ako mag-aral kase ket papano sanay na 'ko dun." sabi ko. My gosh. Ayoko dun. Oo dream school yan ng iba kase yan ang pinakamalaki at pinakamahal na paaralan dito sa bansang Almenia. That school was being run by the royalties of this country which are the Lennox. Meaning sina Prince Zion ang may-ari nun. Maganda dun kasi sabi pa nila international school yun. Royalties from other kingdoms went to this school too kaya masasabi mo talagang it is one of the biggest elite school in the world. Kaya ayokong mag-aral dito kase kahit alam kong maganda dito eh pang mayaman yun. Ang isang dukhang katulad ko ay hindi pwedeng mag-aral or tumapak man lang dun. Kaya it's a big no to Cassy's proposal tayo jan mga mars. "I think that was a great idea Dane. You see, you and Cassy can freely entered JA (Juldurayt Academy). Don't worry sagot na namin ang tuition niyong dalawa. Ano pang use ng share namin sa paaralang 'yon if di natin magamit diba? right honey?" Sabi nito at binalingan ang asawang tahimik na kumakain. Tumango si tito na tila sinasang-ayunan ang sinabi ni tita kaya feel nagwawala ang sistema ko. No. This can't be. "Ahh ok lang po talaga tita--" "No she's right Dane. Besides it would be best for the two of you to enter the same school ng sa ganun ay may mapagkakatiwalaan kami upang tingnan si Cassy. She's a klutz pa naman" sabi ni tito kaya napatawa kami ni tita. Nagpout naman si Cassy bago bumaling sakin. "Yaah I'm not like that Dad. And Dane, di ba sinabi mo saking magiging personal assistant kita. Kaya whether you like it or not, dun tayo mag-aaral" Bat ko nga ba 'to nalimutan. Napalunok tuloy ako ng wala sa oras dahil sa sinabi nito. Hala.. bat feel ko may bumara sa lalamunan ko. "Ohh my gosh. Water! water! water!" histerikal na reaksyon nila. Agad naman akong binigyan ng tubig ni Tito at pinainom. Daang! nabulunan nga talaga ako. Nakakahiya. Feel ko nakakuha ulit kami ng atensyon dahil sakin huhuhu. "Are you ok now?" tanong ni tita kaya tumango na lang ako. Ng mahimasmasan ako ay agad akong nagsalita. "Ahm kailangan po bang dun talaga ako mag-aral? Pwede naman po kasing sa dati ko na lang paaralan kasi--" "Ayaw mo bang makasama ako Dane? Kasi ako gusto kitang nakasama. Gusto ko sabay tayong pumunta ng school, pumasok sa room at kumain sa cafeteria. Is that too much to ask Dane?" napatingin naman ako kay Cassy ng sabihin niya iyon. At halos sisihin ko na lang ang sarili ko dahil sa nakikita ko. It looks like anytime mahuhulog na yung luha sa mga mata niya. Waaah ganun niya ba talaga ako gusto makasama? huhu nagguilty tuloy ako sa inasal ko. Palagi ko na lang siyang hinihindian. Palagi na lang akong umaayaw sa mga gusto nito to the point na nasasaktan ko siya emotionally. Waaah bat ba gini-guilty ako ng taong 'to. "Sige na please. Pretty please Dane. Pumayag ka na" napabuntong hininga na lang ako at kinurot ang pinky finger ko. Huhu bat ba kailangan kong mamili. "Kase ano Cassy. Nakakahiya na po talaga sa inyo tito... tita" sabi ko at tiningnan sila. "Ang dami niyo na pong naitulong sakin. Ayaw ko na po kayong bigyan pa kayo ng sakit sa ulo. Pasensya na po talaga" "Haay in that case ayaw mo talaga? hindi naman ganun kalaki ang tuition ng JA iha so you won't bother find a job to pay for it. We promise to do our part. It's our promise Dane" sabi ni Tito. What? hindi ganun kalaki? sheems. Iba talaga pag mayaman. Money is just a cent for them huhu. Mas lalo tuloy akong nahihiyang tanggapin ang offer nila. "Ohh wait. If ayaw mo Dane pwede ka namang makapasok sa school as one of the scholars eh. As far as I know may slot pa nito. Every opening kase ng classes may scholars silang kukunin. But it depends if that person will pass all of the required exams" halos lumiwanag naman ang mukha ko ng sabihin iyon ni Tita. Yes. Ngayon nakakita na ako ng butas para makasama si Cassy. "Kailan po pwede magtake tita?" tanong ko na siyang ikinalingon nila sakin. "Are you sure Dane? pwede ka namang makapag-aral ng hindi na dadaan sa ganun process eh" sabi ni tita kaya umiling ako. "Ok lang po tita. Gusto ko rin naman pong kunin ang mga bagay na gusto kong makamit sa buhay sa pamamagitan ng sipag at tiyaga ko. Kaya ok na ok lang po yung ganto tita" sabi ko at ngumiti ng pagkalaki-laki. May tiwala ako sa sarili ko na makakapasa ako. "Haay. Ikaw talaga Dane. Bat mo pa kase pinapahirapan ang sarili mo eh" sabi ni Cassy. "Pero kyaah. Wala ng bawian ha. Ippray ko talaga kay Lord na makapasa ka kase kung hindi dun na lang din ako sa school niyo mag-aaral" dagdag nito na nagpagulat sakin. Hahah yan ang hindi dapat mangyari. Tahimik ang buhay ko noon pero simula ng mangyari ang mga bagay-bagay na 'to sa buhay ko ay nag-iba na. Pag si Cassy pumasok sa dati kong paaralan sure akong yayanig ng bonggang bongga ang buhay ko. Ang dating tahimik at di pinapansing si Dane Crisjen Lee ay for sure mapapansin na ng iba dahil kay Cassy. At baka mapagtripan siya dun tulad ng ginagawa nila sakin kaya a big no for that. "Yep. Gagalingan ko para magkasama tayo" sabi ko kaya nguniti si Cassy at niyakap ako bigla. Narinig pa namin ang mahihinang tawa nina tito at tita dahil saming dalawa. After nun ay inexcuse ni Cassy ang sarili niya dahil pupunta siya ng comfort room sa kadahilanang tinawag si ni mother Earth. Ganun din si Tito kaso iba yung case niya. May tumawag sa kanya through phone kaya kaming dalawa na lang ni Tita yung naiwan dito sa mesa. "Dane iha. Maraming salamat dahil pinagbigyan mo si Cassy ha. Sorry din dahil napakaspoiled nito. Kung anong gusto niya dapat makuha niya" "Ok lang po tita. Masaya nga po ako dahil nandito kayo. May bago na po akong pamilya na handang tumanggap sakin ng buo. Ako po ang dapat magpasalamat sa inyo" sabi ko na ikinangiti nito. "You know what kampante na ako na nandito ka upang may kasama si Cassy. Nag-aalala kase ako sa batang yun" "Bakit po?" sabi ko at uminom ng tubig. Bumunting hininga naman ito bago sumagot. "You see there's a reason why we want Cassy to enter Juldurayt Academy. Hindi na kase maganda ang lagay niya dun sa dating school niya" ani nito kaya napakunot ang noo ko. "Bakit po?" "She's being bullied by her classmates on her previous school. You see, one of Cassy's biggest fear are frogs. Nakakatawa nga pero yun talaga. She hates frogs kaso yung mga kaklase niya dun eh nilagyan ng palaka ang bag niya kaya ayun. Inatake siya. She has a heart disease which may affect her. Bawal sa kanya ang umiyak at tumakbo or ano pa man jan na maaaring makaexhause sa kanya kaya Dane " sabi nito at hinawakan ang kamay ko. "Please Dane. Alam naming mapagkakatiwalaan ka. Please look after our daughter. We almost lost her twice. Please look after Cassy for us. Siya lang ang meron kami" Napatingin naman ako sa taong hunawak sa balikat ko at ng tingnan ko ito ay si tito yun. "My wife is right Dane. Please look after her. Ikaw lang talaga ang maaasahan namin sa kanya" sabi nito kaya tumango ako. "Hindi ko po kayo bibiguin. Pero bat po siya binully ng mga kaklase niya dun?" tanong ko. "Maybe they are just insecure or what. Hindi namin alam. We even tried to give them punishment pero ayaw ni Cassy. Ayaw niya na kagalitan siya ng mga tao dahil dito" sagot ni Tito. "Haha but my husband here is so hard headed. He doesn't want anyone to harm his princess kaya ang ginawa niya kinuha niya ang mga share namin sa company ng mga taong bumully sa princess namin. Tsk. Tsk. Sira talaga" napa woah naman ako sa sinabi ni Tita. For sure pag malaman ito ni Cassy magagalit talaga yun. "I don't care if she would be angry to me. I just want those people to know that never to understimate a royalty" ani Tito kaya napalunok ako ng wala sa oras. Ok po tito. I won't ever undertimate a royalty. Kahit nakauwi na kami ay hindi parin nawawala sa utak ko ang sinabi nina tito at tita. Tila nagrereplay sa utak ko ang mga sinasabi nila. Kaya ngayon alam kong may mission ako at yan ay bantayan si Cassy. Haayst. Sa twing nakikita ko si Cassy iniisip ko yung mga taong bumukky sa kanya. Ang lakas din ng amag nung mga 'yun eh. Haha ibully ba naman ang isang princess. Ang lakas ng trip. Kinabukasan ay maaga akong nagising. Tinulungan ko sina lola Pinky (Siya yung majordoma ng mansion). Ayaw pa sana ako nitong patulungin kaso nagpumilit ako. Ayoko din magfeeling princessa habang nandito ako sa mansyon nila noh. Nakikutulog, kain at nakikitira na nga lang ako ng libre dito eh. Kaya hindi niyo ako masisisi na gawin 'to. Nakilala ko din sina ate Lisha, Ate Olivia at Aling Nita. Ilan lang sila sa mga katulong na nandirito. Ang bait nila sakin. Nang magising sina Cassy ay nagulat pa ang mga ito ng makita akong tumutulong sa paglalagay ng mga pagkain sa mesa. Buti na lang pinabayaan na nila ako sa ano mang gusto kong gawin. "Nga pala Dane, the day after tomorrow na yung exam. Sure ka na ba dito?" taning ni tita. Kakatapos lang namin kumain at tinutulungan ko na sina Ate Lisha sa pagligpit ng mga pinagkainan. Kami na lang nina Tito at tita ang naiwan dito dahil si Cassy ay bumalik sa kaniyang kwarto para maligo. "Opo. Plano ko din kaseng kunin yung mga papeles na kakailanganin ko ngayon sa dati kong school tita." "That's great. Basta tawagan mo lang kami if may problema ka ha" sabi ni Tito kaya tumango na lang ako. After nun ay naisipan ko ng umalis. Sasama pa sana sakin si Cassy kaso sinabi ni Tita na may importante silang pupuntahan. They needed her presense so whether she like it or not sasama siya. I wonder kung san sila pupunta? sa reaksyon kase ni Cassy parang alam na niya kung san at tila ayaw niya dito. Bakit kaya? Pero ok na rin yun kase ayaw ko ding samahan ako ni Cassy sa dati kong skwelahan. Baka dumugin kami dun. Tska dadaan pa ako sa shop ni Ate Roshie kasi baka nakakalimutan niyong may trabaho pa ako. Gusto ko na kung magkapera man ako sa sarili kong pamamaraan. Sa sarili kong sikap at tiyaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD