Kabanata 3

1226 Words
Chapter 3 "Bruha, marami akong assignments na hindi ko pa nasasagutan!" sigaw sa akin ni Joyce. Noong nakaraang taon pa kami nakapag-enrolled. First Year College na kami tapos magkaklase pa. Napaalis na kami doon sa lugar na iyon. Na-Demolished kase may nakabili na raw. Napadpad kaming dalawa sa maliit na bayan dito sa Taguig. Kahit mahirap ay kinakaya naman. Nagtitinda tinda kami ng isda at gulay dito sa nirerentahan din naming pwesto. Sa awa ni Lord nakakaahon kaming dalawa sa pangaraw Araw. 'Yung iba naming kasamahan na alepores ni Chaied ay Wala na rin. Doon kami nagka hiwa hiwalay sa Lugar ding iyon. Matapos umalis ni Chaied apat na araw ay ipina demolish Ang Lugar na iyon. Hanggang ngayon pag napapadaan kami roon ni Joyce ay hindi naming maiwasan ang malungkot. Ang dating Lugar na iyon ay unti unti ng nagiging building. "Baliw ka kasi eh. Boba ka na nga hindi ka pa nakikinig kay prof" panenermon ko sa kaniya. "Naaalala ko lang Ang baby Gabby ko," pag eemote niya. "Sagutin mo nalang kaya yung naliligaw sayo sa Engineering Department. Mayaman yun," sulsol ko sa kaniya. "Ayaw ko. Hindi ko lolokohin si Gababy ko..." aniya. Tumabi siya sa akin at sumandal sa balikat ko. "Sa tingin mo ayos lang kaya siya?" "Panigurado Yun." I tapped her head with assurance. "Isa pa, kasama niya Ang mga tropa niyang ogok no, kaya sure na sure one hundred percent yun." "Sana nga...." ***** "Ok class, that's all for today," paalam Ng prof namin. Matapos ang klase ay nagdiretso muna ako sa library dahil may hindi pa ako natatapos na report, sa Isang araw na lang pasahan na. Pinauna ko narin si joyce na umuwi dahil mukhang masama ang pakiramdam. Madilim na rin noong nakalabas ako ng library. Habang naghihintay Ako Ng jeep na masasakyan ay umambon kaya naman sumilong muna ako. Hay, naman bakit Ngayon pa? Ano sino bang may galit sa akin at bakit minamalas Ako. Sa nakalipas na isang taon marami narin ang nagbago. At lalong mas naging mahirap dahil sa school needs. Hindi ko nga alam kung sino ang nagpapadala sa amin ni Joyce ng grocery kada bwan eh. Pero laking pasasalamat namin kung sino man siya. "So Mrs. Luciano kamusta naman po ngayon Ang bahay panuluyan mo para sa mga batang ulila?" Diretso akong napatingin sa TV at nahinto sa paglalakad noong narinig ko ang unang pangalang binanggit. She never changed. Ganun parin ang handa niya hindi nagbabago. As expected her answer are still the same everytime I hear her on television or radio. "Ganun parin. The kids are cute and I can't help but to help them," ngumiti siya. A genuine smile. Then why did you leave me in a middle of the road, crying and calling your name? Noong hindi ko na makayanan ang panonood sa mukha niya ay lumakad na ako pauwi ng bahay. Nakita ko si Joyce at ang ngongong si Baloy na naguusap at nakaupo sa harap ng bahay. "Uyy, , andito kana pala!" bati sa akin ni Baloy. Tinangun ko siya. Noong matapos ang dalawa sa kwentuhan ay pumasok narin si Joyce at naupo sa tabi ko. Nakikinood din. "Kilala mo ba si Rubby? Yung bagong katulong dyaan sa mansyon?" Tanong niya bigla. "Oo. Ang cute at ang ganda ganda niya." sagot ko. Totoo naman kasi. Para siyang Isang dyosa na bumaba rito mula sa langit. She's like a kid, so innocent and jolly. Madalang ko nga lang siyang nakikita dahil lumalabas lang daw siya sa mansyon Minsan para kumain sa karendirya ni Aling Tess. Isa pa lagi kasi siyang binubwesit ni Angela. Mukhang pwet naman iyong babaeng 'yun kumpara kay Rubby. Ni Wala pa nga siya sa dumi ni kuko ni Stella eh tapos ang yabang. "So kamusta Siya? Hindi ba demonyo kadulad ni tae Angela?" tanong niya. Hinawakan ko Ang baba ko at umaktong nagiisip. "Bruha, 'to! Pabitin eh," maktol niya sabay hampas sa balikat ko. "Ano nga!?" Tawala ako sa itsura niya. "Oo. She's innocent and jolly. She's like an angel sent from above..." madrama kong kwento sa kaniya. "Gusto ko rin tuloy siyang maging friend," ngumuso siya. "Bihira lang siya dito sa labas. Marami daw kasing ginagawa sa mansyon eh." Sumandal ako sa balikat niya. "Ace, pagod na ako..." "Magpahinga ka na. Ako ng bahala sa hugasin. Matulog kana." hinalikan niya ang pisngi ko. "Goodnight. . ." "Goodnight." ***** "Ngayong malapit na kayong grumaduate gusto ko lang ipaalam sa inyo na masaya ako na kayo ang mga naging eatudyante ko." mauluha luhang sabi sa Amin ni Mrs. Samaniego, ang teacher namin sa Historical. "Ma'am naman nagpapaiyak," sabi naman Ng katabi ko. "‘Wag po kayong mag alala ma'am hinding hindi po namin kayo makakalimutan..." Isang drama-han ang ngyari buong araw sa school. Halos lahat ng teacher namin ay parang nagbibigay na ng speech kahit hindi pa tuluyang aakyat Ng stage. Naiinggit rin ako minsan sa nakikita ko sa mga classmates ko. Kasama nila ang Mama o 'di kaya ang Papa nila na magsanay para maglakad sa stage. Kahit hindi naman graduating day madalas akong mainggit sa kanila eh. Don't envy them Reese, it's alright. Everything is gonna be alright. ***** "Uyy, Liss, naita mo na ma yun hikat na mamae na niyaryo?" Si Baloy. Madalas na siyang natatambay sa amin dahil medyo umiiwas rin daw siya sa Mama niya kasi nagaway sila. Kung minsan dito narin siya nakikitulog at nag tatabi nalang kami ni Joyce dahil dalawa lang ang kwarto. Mula sa pag d-drawing ko nag angat ako Ng tingin sa kaniya. Hindi na rin kasi Ang nanonood nv TV at nagbabasa ng dyaryo, mukha lang naman kasi ni Mommy ang kadalasan kong nakikita. "Hindi pa bakit?" ibinalik ko ang mata ko sa ginagawa ko. "Hay naku, Baloy, wag mo ng asahang may pakialam iyang bruhang iyan sa mga taong kilala," singit ni Joyce. Napatango tango naman ang lalaki. I really don't care, I know her better than anyone. "Oh, Reese, isang linggo nalang birthday mo nanaman," ani Joyce na parang hindi rin Niya alam ang gagawin. "Anong plano mo?" "Nah uh, just like last year ganun nalang..." simpleng sagot ko. Simula noong kaarawan ko na mismong nagpaalam sa akin ang hari ng unggoy ay tila nawalan na ako ng ganang i-celebrate ito. Bwiset naman kasi eh, bakit hanggang ngayon siya parin? Pambihira oo. Ayoko nang maalala ang taon na ganito. Nag iisip narin ako marami namang nanliligaw sa akin kaya siguro bibigyan ko narin sila ng chance. Tutal bente na ako sa susunod na taon. "Mag b-boyfriend nalang ako," matamlay kong sagot. Naibuga ni Joyce Ang juice habang si Baloy naman nasamid sa sariling laway. Hanep reaksyon nila ah, "Oh, anyare sa inyong dalawa?" I make face to them. "Seriously, the goddess Reese, magpapaligaw na!?" parang hindi makapaniwala si Joyce. "Bakit parang hindi ka naniniwala?" taka kong tanong. "Oh my god. Magiging mayaman na ang best friend ko!" nagtatatalon siya. "Ano ba namang reaksyon yan, Boba?" "My god, bruha. Halos hindi ko na mabilang ang mga lalaking nagtatangkang manligaw sayo tapos puro pa mayayaman!" She exclaimed like she can't believe it. Nakita ko pang nanlaki ang mata ni Baloy habang natango tango. I really hope that I can forget him even just this year. . . Kung Hindi narin naman siya babalik o magpapakita gaya ng pangako niya sana lang. . . Sana...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD