ISANG disciplinary action ang natanggap ni Lauren. Lumabas siya ng Manager’s Office na nakayuko at hiyang humarap sa mga nadaanang empleyado. Usap-usapan siya ngayon sa buong company dahil sa controversial performance na ginawa niya sa huling bahagi ng outreach program. Ayon sa management ng simbahan, hindi raw nila nagustuhan ang kinanta niyang iyon sa banal na teritoryo. It was an offensive and inappropriate move that causes a minor damage in their company’s reputation. Pati ang isang tao na tangi niyang malalapitan ay larawan din ng pagkadismaya sa kanya nang magkita muli sila. “Kase naman masyado kang hype. Sinabi ko na sa `yo hindi nga puwede roon ‘yung mga tipo ng tugtugan mo. Bakit mo naman kasi ginawa ‘yon, Lauren?” pagkasabi ay inakbayan siya ni Matthew habang naglalakad sila

